Two weeks earlier..
"Huh? hanggang ngayon hindi mo pa rin
sinasabi sa kanya?"
"Hindi pa. Hindi ko alam kung paano
sasabihin e."
"Kailangan din nyang malaman dahil asawa
mo siya. Karapatan niya malaman."
"Huwag ka mag alala sasabihin ko din sa
kanya. Gulong-gulo pa talaga ako ngayon."
"Naku, e papaano yan. Kailangan mo siya
lalo na para samahan ka magpa-chemo."
"Tama na please. Kailangan ko lang ng
makakausap at mapupuntahan. Kaya nandito ako. And besides, sasabihin ko din sa
kanya sa Sabado sa Birthday ko."
"Naiintindihan naman
kita e."
"Salamat. Nga pala,
puwede dito muna ako matulog sa bahay mo. Ayaw ko umuwi at matanong ulet
e." saad ni Anthony habang hilong-hilo siya sa kalasingan. Tila gumuho ang
buhay niya nang madiagnose siya ng lung cancer.
Chapter 2 : Game Change
Chapter 2 : Game Change
Alas-tres ng tanghali nang
magising si Gail. Medyo masakit pa ang ulo niya dahil sa puyat at pag-iyak niya
ng magdamag. Habang nagkakape ay naisip nitong huwag sayangin ang pagkakataong
mag-isa siya at malaya niyang gawin ang gusto niya. Kung kaya't minabuti niyang
lumabas at mag-grocery para sa mga kakailanganin niya sa dalawang linggong
bakasyon.
4:15PM Condo sa Alabang
Samantala, si Migs naman ay
nagising sa doorbell niya. Napatingin ito sa kanyang cellphone para tignan ang
oras at napansin niya ang daming text messages at missed calls sa kanya. Agad
na tumayo ito at nagsuot ng sweatshirt at jogging pants para pagbuksan ang
taong mukhang kanina pa kumakatok at nagdodoorbell. Pagsilip niya sa peep hole
ng kanyang pintuan, nabigla siya at agad-agad binuksan ang pintuan.
"Buti naman at nagising ka na? Lunch time
pala ha. Anong oras na?"
"Sorry Cyra babes, hindi
ko naset ang alarm ko ehh."
"Pwede naman siguro ako
pumasok? Kanina pa ako ihing-ihi."
"Sure babes, sorry
talaga halika pasok ka na at wag ka na magalit."
Agad naman pumasok ng banyo
si Cyra upang umihi. Nagayos naman ng kuwarto si Migs. Itinago ang mga
paraphernalia na ginamit niya nang humithit ito ng weed. Pagbukas ng pinto,
nagulat ito nang naka lingerie na lang si Cyra.
"Wow babes! Buti di ka
na galit."
"Ganito ako magalit lalo
na nang binitin mo ako ng ilang araw."
Agad naming napangiti si Migs
sa ginawa ni Cyra. Nilapitan niya it at hinalikan sa labi. Agad din naming
humalik ang dalaga at tuluyan nang bumigay kay Migs. Halos pitong buwan nang
magkakilala sila Cyra at Migs. Team leader si Cyra sa isang call center sa
Alabang at nagkakilala sila sa pamamagitan ni Andrew na General Manager sa
parehong kumpanya. Mabilis na nagkalapit ang loob nila pagkatapos ng isang gabi
sa condo ni Migs. Ayon kay Migs ay nahanap na niya ang match niya sa kama.
Pareho nilang ineenjoy ang bawat pagkakataong magkadikit ang kanilang mga
katawan.
Makalipas ang ilang
minuto, pagod na pagod ang dalawa at napahiga si Cyra sa dibdib ni Migs.
Hingal na hingal ang dalawa sa nangyari. Nagyosi na lamang sila habang
magkayakap sa kama. Maya maya pa'y tumayo na si Cyra dahil may meeting pa siya
at malelate na ito. Magtetext na lang daw ulet si Cyra pag hindi na siya busy.
Isa pa itong dahilan kung bakit medyo nagtatagal sila ni Migs. Dahil walang
kaseryosohan at parang fucking buddy lang ang kanilany relasyon.
7:30PM Medical City
"Hi Anthony.
Kamusta ka? Maycheck-up ka?
"oo. Kakagaling ko lang sa chemo. Kaya
medyo hinang hina pa."
"ahh. Si misis
kasama nyo na?"
"Hindi e. Baka sa susunod." Bigla
nanamang naubo si Anthony at nilapitan ito ng nurse.
"oh! Okay
ka lang. Ito tubig oh."
"Salamat."
Dahan dahang naglakad
si Anthony papalabas ng ospital. Hingal na hingal ito sa kakaubo at pilit
niyang itinatago ang nararamdaman dahil takot siyang pandirihan ng mga
nakakasalubong na pamilya ng pasiyente. Paglabas niya ng elevator, saktong
nakasalubong niya si Dess. Ang anak ng isang pasiyente na kasama niyang
pagpa-chemo sa ospital. Susunduan na din niya ang tatay niya. Ngunit huminto
ito sandali para kausapin si Anthony.
“Kamusta ka na?”
“Ayos naman ako.
Ikaw?”
“Ayos lang din. Oh
ano? Nasabi mo ba sa asawa mo?”
“Kamusta na tatay mo?”
“Okay naman. Hmm..
Hindi pa rin ano?”
“Akyat ka na, kanina
pa nag-aantay tatay mo dun. Uuwi na din ako para makapagpahinga.”
“Okay sige. Ingat ka.”
Naglakad na si Anthony
papalayo kay Dess nang muling tawagin ito ng dalaga.
“Anthony. You have my
number right?”
“Yes.”
“Text or Call me kung
may gusto kang pag-usapan or kahit anong kailangan mo.”
“Salamat.”
Dumiretso na si Dess
sa elevator at nakangiti naming umalis si Anthony papunta sa parking lot ng
ospital.
7:30PM Lipa, Batangas
Kumakain mag-isa si
Gail sa kanyang kuwarto. Mas pinili nitong doon na lamang kumain kaysa makasama
ang mga taong hindi niya kilala. Napatingin nanaman ito sa painting na naka
dikit sa ding-ding. Ang abstract painting na pininta ng isang artist na may
pangalang Cold Winter. Napapaisip siya sa painting na ito at tila pilit na
inuunawa kung ano nais ipahiwatig ng gunuhit nito. Pagkasubo ng pagkain, di
niya namamalayang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Ngunit agad nito
pinunasan at pinilit ang sariling wag na umiyak. Kung kaya't nagpasiya siyang
lumabas at magpakasaya pagkatapos kumain ng hapunan.
9:30PM Sa isang bar sa Alabang
"oh pare?!
Musta?"
"haha ayos lang
tol."
"mukhang ayos nga
ah." "magaling tol. Siya talaga nagtrabaho. Siya lahat gumawa."
"hahaha ayos diba. So pano yan. Hindi ko
na ipapaputol ang daliri ko. Nyahaha!"
"oo brad. Tsaka payag naman siya maging
kabit ko e."
"tangina! Gago ka
pa din tsong! Manyak!" saad ni Migs habang binibiro ang kanyang kaibigan.
Madalas sila lumabas at gumimik. Hindi kumpleto ang gabi nila kung hindi sila
nakakagala, nakakainom at nakakapanchicks. Kaya sila nagkakasundo. Maya maya pa
ay nagsalita ang dj sa bar. Anniversary ng bar at sinabing libre ang inumin
hanggang 12 midnight. Sabay naghiyawan ang mga tao sa bar at nagpatugtog ng
house music. Nagtayuan at nagsayawan ang mga tao.
Habang umiinom si Migs
ng beer, napansin niya ang isang babaeng naka itim na dress, napakaganda at
nakakaakit sa kanyang pagsasayaw. Halos lahat ay napapatingin dito. Kung kaya't
napagpasiyahan niya tumayo na din at sumayaw. Pumunta ito sa gitna at tinabihan
ang magandang babae. Nagulat siya ng kumapit ito sa balikat niya at animo'y
sinasayawan siya nga babae. Natuwa naman si Migs at napainom na lang siya sa
hawak-hawak na beer. Nang mapagod ang dalawa sa pagsasayaw at inaya ni Migs ang
dalaga sa kanilang table. Agad namang umalis si Andrew sa table nila sa hudyat
ni Migs.
"galing mong sumayaw ah. Sanay na sanay
ka magdisco ano?"
"a bit. Dancer ako kaso natigil na lang
siya. Iba na ang priorities e."
"hehe.
Beer?"
"sure!"
"cool. Sexy,
sobrang ganda, magaling sumayaw. Umiinom ng beer. Hehe"
"is that a compliment or what?"
"Compliment of course. Kakainlove nga
e."
"hahaha.
Highschool?"
"seryoso!"
"No.1 rule, bawal
mainlove. It’s no fun pag may love love na kasama yan."
"hehe okay. E di bawal
mainlove. Well, are you dating? Single or married?"
Natahimik ang dalaga
sa tanong ni Migs. Napatingin ito sa mga mata ng binata at ngumiti. "its
complicated."
"hahaha okay. Interesting."
"ganun talaga. And you need not to
know."
"And your name?"
"bakit kailangan
mo malaman? I dont give out my name e."
"okay. Hehe. E
paano kita makakausap ng matino kung wala akong itatawag sayo?"
"may reklamo ka?
Hehe"
"oo naman. Ako nga pala si Migs. Single
and fuckin hot."
"heard that
before. We'll see."
"So.. What's your
name?"
"Cold Winter. Just call me Cold Winter.
"
"uhmmmm.
Okay."
Nabigla siya sa sinabi ng dalaga sa kung anong
pangalan ng dalaga. Madaming tumatakbo sa isip ng binata at tila'y naguluhan sa
mga nalaman. Madaming nagflashback sa kanyang mga alaala. Hanggang sa sunod
sunod na uminom ng beer.
"do you want to go somewhere else?"
"hmm. No. Pauwi
na din naman ako maya maya."
"hatid na kita?" "I have a car.
So okay lang ako."
"ahh okay. Labas
tayo okay lang?"
"sure. Lets stay on my car."
Maya maya pa ay
lumabas ang dalawa. Naisip ni Migs na sanay na sanay ang dalaga sa kanyang
ginagawa. Naging intersado si Migs sa babae na nag iwan ng pangalang Cold
Winter. Bubuksan pa lamang ng babae ang pinto ng sasakyan, agad nito hinalkian
ni Migs sa labi. Nagulat ang babe ngumit lumaban na din ito ng halik. Hindi na
nagdalawang isip si Migs at pinagala na nito ang kanyang kamay sa dibdib ng
babae. Hinalikan niya ito sa leeg at nilamas ang dibdib ni Cold Winter.
"ahhhh ang bango
mo." Nang magsimulang ibaba ni Migs ang kanyang kamay, nagulat si Cold
Winter at agad nitong pinigilan. Hindi
nagpapaawat si Migs sa nais gawin kung kaya't tinulak siya ng babae. Nagulat si
Migs sa nangyari at nakita nitong umiiyak ang babae. Ikinabahala niya ito at
tinanong si Cold Winter.
"Okay ka lang. Im sorry, Im really
sorry."
Nabigla si Migs sa mgs
sinabi sa babae at sa naging ugali nito sa kanya. Nagulat siya sa sarili niya
na naging mabait sa babae.
Agad na sumakay ng
sasakyan si Cold Winter at dali-daling umalis ng parking lot ng bar. Napakamot
na lang ng ulo si Migs at tila naguluhan sa nangyari. Bumalik na lang siya sa
bar kahit wala na ang kaibigang si Andrew. Dinamihan nito ang inorder na alak
at nagpasya itong magpakalasing.
12:45AM Lipa, Batangas
Nanatiling nasa loob si Gail ng kanyang
sasakyan. Nakatulala at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala sa kanyang
mga ginawa sa bar. Okay na sanang nag bar siya, sumayaw at uminom ng alak
katulad ng kanyang ginagawa noong hindi pa siya kasal. Ngunit ang mag asal puta
at makipaghalikan sa hindi kakilalang lalaki ay sadyang bago sa kanya.
Hinalikan siya ng lalaki at aminadong nagustuhan niya ito. Napaisip ito at
sinabi sa sariling hindi siya aabot sa ganoon kahit na gusto niyang gawin ito dahil matagal na silang hindi nag sesex ni Anthony. Napaiyak na lamang siya sa mga naganap at sa mga desisyon niya sa buhay. Na tila yata
nagpapabago sa kanya bilang isang tao.
Almost Lover by A Fine Frenzy
EPILOGUE
Sa New Manila, nakahandusay sa sahig si
Anthony dahil nawalan ito ng malay. Hawak nito ang kanyang cellphone at kumalat
ang mga gamot sa sahig. Nagbago ang lahat sa buhay ni Anthony pagkatapos niya
malaman na may Cancer siya. Kung saan ay hindi alam ng kanyang asawa na si
Gail.
Samantalang si Gail naman ay walang tigil sa
kasusuka dahil sa madaming beer na nainom niya. Nabigla ang kanyang
katawan sa kalasingan. Maya maya pa'y lumabas ito ng banyo at napahiga sa
sahig. Doon na siya nakatulog sa sobrang sama ng pakiramdam. Nagsimula na ang
pagbabagong ito sa kanyang buhay. Ang pagbabagong hindi niya alam kung
makakabuti ba ito o makakasama sa kanya.
Kahit lasing, pinagpasiyahan nito umuwi sa
bahay ng kanyang magulang. Iyak ito ng iyak habang nagmamaneho at kasabay na
nagyoyosi. Madaming bagay na nagpapaluha sa kanya lalo na ang mapait na
nalaraan. Nasaisip pa din niya ang babae at ang pangalang Cold Winter ng
babaeng nakilala nya sa bar. Maya maya pa'y nakarating na ito sa bahay ng
kanyang mommy. Paglabas ng sasakyan, bigla ito napaluhod at napahiga sa sahig
malapit sa gate ng bahay nila. Sa sobrang kalasingan ay hindi na siya
makapagdoorbell at nakatulog na lang siya at nakahandusay sa labas ng bahay. Sa
isang iglap, nagkaroon ng game change sa buhay ni Migs at kailangan niyang
harapin ang mapait na nakaraan. Ito na ang oras para doon.
End of Chapter 2.
Itutuloy..

