Saturday, 28 July 2012

Chapter 1 : Turning Point



"Umm, look Tin, I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa inyo. Biglaan lang ito. Hindi na ako makakadaan diyan sa office ngayon. I know, I know. I'm sorry kaya nga ako tumatawag sayo, please, favor lang. Yes, I just want you to file my leave of absence in my behalf. Yes. Ibibigay ko sayo username at password ko. Pinagkakatiwalaan kita, just do it for me please. Please. Ngayon lang ito. Yes. Two weeks. File mo siya ng two weeks. Count the days simula ngayong Tuesday. Please. Ako ang bahala sayo. I will explain everything. Favor lang. Okay, thanks. Thank you talaga. Promise babawi ako sayo next time. Thanks and I'm sorry. Basta salamat. Okay. Thank you ulet. I have to go now. Thanks. See you soon." 


Pagkatapos nila mag-usap sa cellphone, agad na kinuha ni Gail ang kanyang mga gamit sa banyo. Inilagay nya ang toothbrush, toothpaste sa isang maliit na bag. Kinuha nya sa kabinet ang isang bote ng kanyang iniinom na supplement at bigla ito napatigil at napatingin sa sarili nya sa salamin. Tinitigan nya ang kanyang sarili at sinisikap nyang isipin at alalahanin kung bakit gustong gusto niyang umalis ng Manila. Ngunit dinaig ng kanyang magulong isip ang kanyang desisyon na magpatuloy sa kanyang plano. Wala na itong urungan.


"Kaya ko ito." saad ni Gail sa kanyang sarili.


3AM na nang umalis siya ng bahay. Habang nagmamaneho, nagfaflashback sa kanya ang lahat ng nangyari noong weekend. Yung party. Yung mga bisita. Yung mga inumin. Si Jake. Ang kapitbahay na humingi ng supot para magbaon ng handa. Si Tin, kung magagawa ba niya ang favor na hinihingi niya na ipagfile siya ng leave. Higit sa lahay ng ito, hindi niya maalis sa isipan niya si Anthony. Gulong-gulo ang kanyang isipan habang binabagtas niya ang Ortigas extension hiway. Hindi na din nya napansin ang red light sa may kalye paliko ng Valle Verde at hindi siya huminto. Ayaw niyang huminto. Hindi na siya napipigilan. Wala na itong urungan. Isang nakakabinging busina ang umalingaw-ngaw mula sa palikong Toyota Vios.


3:15AM Along Ayala


"F*ck you Migs. Matapos mo.. matapos mo gawin sa akin yon, iiwan mo ako?"


"Ginawa ang alin? Anong ginawa ko sayo? Ibinigay mo iyon sa akin ng kusa."


"Sh*t ka! Manloloko ka!"


"Makapagmura ka, wagas ah! Nasarapan ka naman di ba? Move on bitch!"


Isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ni Migs. Malalakas na suntok ang binitawan ng babae sa kanya at wala na siyang nagawa kundi tanggpin ang galit nito. Hindi na din siya maawat ni Migs. Napaatras na lamang siya at kinakapa ang door knob upang makaalis sa kuwarto. Nang mabuksan niya ito, mabilis siyang tumakbo at ginamit ang hagdan ng fire exit upang makaalis sa condo ng babae.


"F*ck! Ang sakit. Hahaha. Pinakamasakit na atang suntok iyon ng babae sa akin."


Dumiretso sa parking lot si Migs at nagmamadaling ipinaandar ang sasakyan. 


"Woooh! Single ulet. Sarap!" Sigaw nito habang nagsindi ng yosi at patuloy sa pagmamaneho.




4:17AM - SLEX Caltex Gas Station


Pagkatapos magpa-gas ni Gail, minabuti niyang magstop-over upang bumili ng kape at pagkain sa isang coffee shop. Agad na kinuha nito ang handbag at tinignan ang kanyang cellphone. 11 missed calls. 8 short messages. 128 email messages. Ipinasok niya ulit ito sa kanyang bag at lumabas na siya ng sasakyan patungo sa Starbucks.


"Iced Grande White Chocolate Mocha and Cookie Crumble Cheesecake with Chips Ahoy."




4:17AM New Manila


"Hi! Grace? Sorry si Tony ito. Sorry kung nagising kita. Uhmmm. Yah, I'm okay. Well, gusto ko lang itanong sayo kung nagtext ba sayo si Gail, o baka tumawag sa iyo or kinontak ka. Ahhh. Ganun ba? Okay sige. Please lang, let me know kung tumawag na siya sa iyo. Yah! I'm okay. Thanks and sorry sa abala. Bye."


Tahimik na nakatitig si Anthony sa kanyang cellphone. Tila nagaantay na may tatawag o magtetext sa kanya. Napatingin ito sa orasan at tumayo siya para kunin ang gamot na nasa lamesa. Uminom siya ng tubig sa tumbler na kanina niya pang hawak-hawak. Bumalik siya sa kanyang upuan at nagiisip kung sino pa ang puwede niyang tawagan. Walong tao na ang kanyang ginising upang kausapin ngunit wala sa kanila ang nakakaalam kung nasaan si Gail.


"I'm sorry Gail? I'm sorry." saad ni Anthony sa kanyang sarili habang patuloy siyang nakatingin sa kanyang cellphone.


Business Consultant si Anthony sa isang Insurance company. Matangkad, moreno at maganda ang pangangatawan. Magkakilala sila ni Gail mula pa noong highschool. Siya lang ang sineryosong girlfriend ni Anthony at talagang tumagal ang pagsasama nila. 23 years old sila nang magpakasal ni Gail. Maayos naman ang pagsasama nila dahil may kanya-kanya silang career at madalas silang nagkakasundo sa madaming bagay kung kaya't lagi sila naka-suporta at naka-alalay sa isa't isa. Sa dalawang taong pagsasama, hindi pa rin sila nabibiyayaang magkaroon ng anak. Ngunit hindi nila pinepressure ang isa't isa dahil umaayon naman ito sa magandang career nilang mag-asawa.


Sa dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, may mga pagkakataon din na nagkakaroon sila ng pagtatalo at tampuhan. Ngunit madalas din naman sila nagkakaayos dahil pinaguusapan nila ito agad at hindi na pinapatagal. Nakakatulong din kasi na matagal silang naging magsyota kung kaya't kabisado na din nila ang isa't isa.


Voicemail: "Hi! You know what to do after the beep. Thanks!"


"Honey. Alam ko madami tayong dapat pag-usapan. Alam ko din na madami akong atraso sa iyo. Alam kong di ako naging mabuting asawa sayo these past few weeks. Honey, please. Please. Mag-usap tayo. Please. Maghihintay ako." 


Hindi maiwasang sisihin ni Anthony ang sarili sa pag-alis ni Gail. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Hindi niya gusto ang nangyayari sa kanila. Ang mga nakaraang linggo ay hindi naging madali para sa mag-asawa. Laging umuuwing lasing si Anthony. May mga araw din na hindi siya umuuwi ng bahay. Sa tuwing tinatanong siya ni Gail ay hindi ito sumasagot ng maayos. 
Kung kaya't nagiging madalas ang pagtatalo nila. Pinipilit siyang kausapin ni Gail ngunit laging "wala akong problema" ang sagot ni Anthony. Isang malaking pagsubok ang tila sisira sa kanilang magandang samahan.


4:56AM - Lipa, Batangas


Sa wakas ay nakarating na din si Gail sa kanyang pupuntahan. Ang rest house na pagmamayari ng kaniyang boss sa isang Accounting Firm. Isang marangyang bahay, 3 palapag, 5 kuwarto na may sari-sariling banyo, eleganteng kitchen, theater room, swimming pool at napakalawak na sala. Matalik na kaibigan ng tatay ni Gail ang kanyang boss kung kaya't madali lang itong pakiusapan upang doon pansamantalang manirahan. At isa si Gail sa mahusay na empleyado ng kanilang kumpanya at napatunayan nito na kaya niya ang trabaho kahit naipasok siya dahil as padrino. Pinagbuksan si Gail ng katiwala ng bahay at dumiretso ito sa kanang bahagi ng mansyon para igarahe ang kanyang sasakyan.


"Good morning po ma'am. Kung may kailangan po kayo nandun lang ako sa kubo malapit sa pool." saad ng katiwala.


"Salamat manong. Pasensya na po sa abala, nagising ko pa po kayo." sagot ni Gail.


"Ayos lang po. Natawagan naman na ako ni Sir kagabi. Wala pong kaso iyon sa akin." ngiti ng katiwala.


Pagkapasok ni Gail sa bahay ay dali-dali itong umakyat at pumasok sa isang kuwarto malapit sa hagdan. Bakas pa din sa kanyang mukha ang pagkalito, ang dinadalang problema at ang bumabagabag na konsensya. Panandaliang umupo sa gilid ng kama. Pakiramdam nito'y pagod na pagod siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Maya-maya ay nabaling ang paningin niya sa isang painting. 


Isang abstract painting. Tatlo lamang ang kulay ng nasa painting ngunit hindi niya maunawaan kung ano ang nais ipabatid ng pintor sa masterpiece na ito. May bahagi na bilog, parihaba, parisukat na guhit sa painting. Tila mas lalo siyang nahilo sa kanyang nakita kung kaya't napapikit na lang siya. Hindi niya namamalayang may luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Hanggang sa nahulog siya at napa-upo sa sahig. Malakas na umiiyak. Nagbreakdown. Sa iyak niya naibuhos lahat ng pagkalito. Lahat ng frustrations. Lahat ng disappointments. 


Gumawa siya ng isang desisyon na sa tingin niya ay tama; sa tingin niya ay makakatulong sa kanila. Gusto niya mapag-isa. Gusto niyang lumayo. Gusto niya mag-isip. Ngunit ang isip niya ay unti-unting tinatalo ng kanyang damdamin. Sa pagkakataong ito, kailangan na niyang manindigan. Dahil wala na itong urungan.


5:05AM Bar along Alabang


"Hoy pare! High ka nanaman ba? Ano nanamang tinira mo tol? Haha!"


"Tangek! Hindi ako high gago! Masaya lang ako. Masama bang maging masaya pare?"


"Haha! P*ta Migs, alam ko nanaman yang kagaguhang ginawa mo. Walang masamang maging masaya pare. Pero masama yang ginagawa mo."


"Ulol! Ikaw nga idol ko sa mga gawaing ganito eh. Haha. Mabuti pa tagay ka nalang tol. Huwag ka nang mangaral. Hindi bagay."


"Haha! Tol nagbago na ako. Hindi na ako katulad mo."


"Aysows! Sabi mo lang yan tol. Ipapuputol ko daliri ko pag talagang nagbago ka na."


"Nagbago na ako Migs. I'm married."


"T*ngina mo! Haha! Sinong niloko mo? Ulol. Haha! Gusto mong patunayan ko pa?"


"Game pre! Papatunayan ko sayo na nagbago na ako at para maputol mo na yang daliri mo g*go! Haha!"


"Haha! Sige pre." Sabay lingon sa may kanang bahagi ng bar, nakakita siya ng grupo ng mga kababaihan.


"Tol tignan mo yun. Ganyan ang mga trip mo. Balingkinitan. Small but terrible pre. Gusto mo lapitan ko para sayo?"


"G*go Migs, wag."


"Haha! Takot ka ba tol? Wait ka lang jan."


Hindi na napigilan ni Andrew si Migs at nagpunta na ito sa table ng mga babae. Nakatingin lang si Andrew sa kung anong gagawin ng kaibigan. Natatawa na lamang siya sa ginagawa ni Migs dahil alam niyang hindi siya papatulan ng mga iyon. Maya-maya pa ay bumalik na si Migs sa lamesa nila, halatang lasing na lasing si Migs dahil sa kanyang paglalakad.


"Pre, ano una na ako sayo."


"Oh bakit? Hindi mo na ba kaya? Haha!"


Nagulat si Andrew dahil nagmamadaling nagpaalam para umalis si Migs. Sinundan na lamang niya ito ng tingin papalabas ng bar. Nabigla din siya nang  sumunod ang isang babae na pinuntahan niya sa kabilang mesa. Natawa na lamang siya dahil napatunayan niya kung gaano katinik sa babae itong si Migs.


"Hi! You are Andrew right?"


Isa pang ikinagulat ni Andrew ay ang paglapit din sa kanya ng babaeng nirereto sa kanya ni Migs. Balingkinitan, chinita at sexy. Nataranta si Andrew sa mga pangyayari.


"Yes. Take your seat, miss..and you are?"


"Cassie."


"Cassie?! Nice name."


"Yeah."


"Nice smile. I mean pretty. Ang ganda mo."


"Okay. So.."


"So?"


"So.."


"So.. what?"


"What's your plan?"


Natigilan si Andrew sa tanong ni Cassie sa kanya. Hindi niya alam kung anong isasagot sa magandang dalaga. Sa loob-loob naman niya ay gusto niya ito. 


"Do you want to go..out?" saad na lamang ni Andrew kay Cassie.


"Go. Tara. My place." Agad tumayo si Cassie papalabas ng bar.


Agad ding tumayo si Andrew at iniwan sa mesa ang bayad ng bill. Maya-maya ay may natanggap itong text galing kay Migs.


1 Message Received
---------------------
Migui [090532059++]


"Manyak! hehe!"
---------------------


Natawa na lamang si Andrew sa nabasang text ng kaibigan. May mga bagay talagang mahirap baguhin lalo na at nakasanayan.






Samantala, nakaupo pa din si Gail sa sahig. Nakatingin lamang ito sa kawalan. Tila naubos ang luha niya sa pag-iyak. Sobrang tahimik sa buong bahay at ang paghinga lamang niya ang kanyang nadidinig. Maya-maya pa ay inabot niya ang kanyang handbag para kunin ang tissue. Hindi sinasadyang natabig nito ang kanyang cellphone. 24 missed calls, 18 short messages, 128 email messages.


Lahat ng missed calls ay nanggaling kay Anthony. Tatlong texts naman ay nanggaling sa kanyang ate Grace. Nagdadalawang isip naman siya kung sasagutin niya ang text messages o tatawag siya kay Grace o kay Anthony.


Maya-maya'y napagpasiyahan niyang mag text na lang kay Anthony. Hirap naman siyang bumuo ng mensahe sa asawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa text at parang wala siyang maisip na salita na puwedeng iparating dito. 


Hanggang sa wakas ay nakaisip na ito kung ano ang ipapadalang mensahe sa asawa. Pagkapadala niya ng text, agad nitong tinanggal ang sim card ng  cellphone at sinira. Nagpasiya siyang putulin pansamantala ang komunikasyon nilang mag-asawa dahil gusto nitong mapag-isa. Ibinaba na niya ang kanyang cellphone at ipinasok muli sa bag. Humiga na ito sa kama, hawak-hawak ang nahating sim card, at pilit na ipinikit ang kanyang mga mata. 


7:35AM Coffee shop


"Thanks for the breakfast."


"No problem."


"So.. what's next?"


"Hmmm.. Anong oras na ba?" sabay tingin sa kanyang relo.


"Maaga pa naman ehh.."


"Umaga na. 7:36AM na."


"So? Ano na?"


"Anong ano na?"


"Ano bang gusto mo. Bahala ka."


Napangiti si Migs sa sinabi ng dalaga. Sabay akbay dito.


"Alam mo ba kung anong gusto ko?"


"Kaya nga, ano bang gusto mo? Kaya kong gawin lahat. As in lahat." saad ng dalaga.


"Ang gusto ko, umuwi ka na sa inyo. Umaga na. Ang gusto ko naman para sa sarili ko e matulog."


"Huh? Seryoso?"


"Yup!"


"Akala ko ba kaya mo ako nilabas kasi mag-aano tayo."


"Ayan ka nanaman sa 'aano' e! Ano ba yun?"


"Ano. Basta yung ano. Ayaw mo ba?"


"Gusto."


"Gusto naman pala eh. Tara na!"


"Gusto kong makipag sex. Pero hindi sayo. Kasi baby di kita type. Hindi din ako nakikipag sex sa easy-to-get. Boring e."


"F*ck sh*t!" sabay hampas ng babae sa mukha ni Migs ng dala nitong bag.


"Ano tingin mo sa akin pokpok? For your information ngayon lang ako nag yes sa lalaki sa bar." galit na galit na saad ng babae.


"Okay. Sabi mo eh. Baby una na ako. Eto isang daan. Teka, oh heto pa additional one hundred pesos. Mag taxi ka na lang."


"G*go! Ano ako cheap?"


"Malayo ba sa inyo? Oh sige eto five hundred. Cheap pa ba?"


Hindi na kumibo ang babae sa sobrang galit. Wala itong maisagot kay Migs dahil sa pagkabigla sa mga sinabi nito.


"Pasensya na hindi kita masasabayan sa trip mo." saad ni Migs habang palabas ng restaurant.


Napatingin na lamang ang babae sa five hundred pesos na iniabot sa kanya ni Migs. Kinuha niya ito at ginusot ng kaliwang kamay. Napag-isip-isip din niya na kahit papaano ay may pamasahe siya pauwi, ngunit wala siyang kinita sa mahabang gabing iyon.




7:35AM New Manila


Naalimpungatan si Anthony sa isang text message. Dali-dali nitong chineck ang cellphone at umaasang ang kanyang asawa ang nagtext. Napangiti siya nang makita kung sino ang nag text. Ngunit agad ding bumagsak ang mukha nito nang mabasa ang message.Napatitig na lamang ito sa cellphone habang ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig. Malalalim ang mga buntong-hininga. Napapaisip sa nabasang mensahe ng asawa. Halos hindi siya makahinga dahil sa kanyang nabasa at naninikip ang kanyang dibdib. 


Maya-maya'y nagsimula itong umubo ng sunod-sunod. Hindi niya mapigil ang mabibigat na pag-ubo. Wala siyang nagawa kundi takpan ang kanyang bibig at ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kanina pang tinititigang cellphone. Hanggang sa tumigil ang ingay na gawa ng pag-ubo ni Anthony. Napatingin ito sa kanyang kaliwang palad. May dugong lumabas sa kanyang 
bibig. 


Alam niyang dadating siya sa ganoong sitwasyon, ngunit hindi niya inaasahan na ganun kaaga lalabas ang ganitong sintomas.




"I Won't Give Up" by Jason Mraz




******
Isang malungkot na madaling araw. May mga bagay na pinagdesisyunan at pinanindigan. 


At sa bawat desisyon, may mga taong nasasaktan. Sa bawat prinsipyong pinaninindigan, may lumuluha at may naapektuhan.




Habang nagmamaneho si Migs pauwi sa kanyang condo, alam niya sa sarili niya na siya pa din ang natalo. Nag-iisa pa din siya sa buhay. Wala pa din itong direksyon. Wala pa din siyang plano. Ang alam niya, nageenjoy pa siya sa buhay binata. Ngunit hanggang kailan niya mapapanindigan ang ganitong buhay? Na kahit siya ay hindi alam kung anong sagot.


Habang nasa taxi ang babaeng kaninang kasama ni Migs, ay malalim itong nag-iisip sa mga nangyari sa restaurant. Sa unang pagkakataon ay may tumanggi sa kanya. Sa unang pagkakataon hindi siya sinamantala ng lalaki. Sa unang pagkakataon ay nabuksan ang isipan niya sa mga sinabi ni Migs. Hanggang kailan niya mapapanindigan ang ganitong buhay? Alam niya kung ano ang sagot, ngunit ikinukubli niya ito sa kanyang sarili.


Hinugasan ni Anthony ang kamay niya sa banyo. Marahang kinuha ang tuwalya upang ipamunas nang napansin niya ang isang note na nakadikit sa may kabinet. Halatang matagal na itong nakadikit dito ngunit ngayon lang niya napansin. Napangiti ito at madaming masasaya't magagandang pangyayari ang biglang naalala ni Anthony. Maya-maya'y napaluha na lamang ito. Pinagsisihan niya ngayon ang desisyon na ginawa nya, na naging dahilan ng pag-alis ng kanyang asawa.


Hindi magawa ni Gail na makatulog. Nasa isip niya ang mensaheng ipinadala niya kay Anthony. Iniisip din niya kung ano na kaya ang ginagawa ni Anthony sa mga oras na iyon. Ngunit pumapasok din sa kanyang isipan kung nag-aalala ba ang kanyang asawa sa kanya o hindi at talagang tuluyan nang nawala ang pagmamahal nito sa kanya.


Tinignan nito ang sirang sim card at napabuntong-hininga. Iniisip nito kung hanggang kailan at hanggang saan niya kayang panindigan ang desisyong kanyang ginawa. Alam niyang wala na itong atrasan. Kahit patuloy pa ding nagtatalo ang isip niya at damdamin.


****
END OF CHAPTER 1.

****


### EPILOGUE ###


Text message ni Gail kay Anthony.


1 Message Received
---------------------
Honey [091955885++]


Kailangan kong mapag-isa. Magisip-isip. Hindi ko alam pero hindi ko na talaga kaya. Ngayon ko lang ito naramdaman sa tagal nating magkasama. Gusto ko na maging malaya..
---------------------




"Gusto ko na maging malaya.."




Itutuloy..

No comments:

Post a Comment