Monday, 30 July 2012

Chapter 2 : Game Change


Two weeks earlier..

 "Huh? hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa kanya?"
 "Hindi pa. Hindi ko alam kung paano sasabihin e."
 "Kailangan din nyang malaman dahil asawa mo siya. Karapatan niya malaman."
 "Huwag ka mag alala sasabihin ko din sa kanya. Gulong-gulo pa talaga ako ngayon."
 "Naku, e papaano yan. Kailangan mo siya lalo na para samahan ka magpa-chemo."
 "Tama na please. Kailangan ko lang ng makakausap at mapupuntahan. Kaya nandito ako. And besides, sasabihin ko din sa kanya sa Sabado sa Birthday ko."
"Naiintindihan naman kita e."
"Salamat. Nga pala, puwede dito muna ako matulog sa bahay mo. Ayaw ko umuwi at matanong ulet e." saad ni Anthony habang hilong-hilo siya sa kalasingan. Tila gumuho ang buhay niya nang madiagnose siya ng lung cancer.

Chapter 2 : Game Change

Alas-tres ng tanghali nang magising si Gail. Medyo masakit pa ang ulo niya dahil sa puyat at pag-iyak niya ng magdamag. Habang nagkakape ay naisip nitong huwag sayangin ang pagkakataong mag-isa siya at malaya niyang gawin ang gusto niya. Kung kaya't minabuti niyang lumabas at mag-grocery para sa mga kakailanganin niya sa dalawang linggong bakasyon.

 4:15PM Condo sa Alabang

Samantala, si Migs naman ay nagising sa doorbell niya. Napatingin ito sa kanyang cellphone para tignan ang oras at napansin niya ang daming text messages at missed calls sa kanya. Agad na tumayo ito at nagsuot ng sweatshirt at jogging pants para pagbuksan ang taong mukhang kanina pa kumakatok at nagdodoorbell. Pagsilip niya sa peep hole ng kanyang pintuan, nabigla siya at agad-agad binuksan ang pintuan.

 "Buti naman at nagising ka na? Lunch time pala ha. Anong oras na?"
"Sorry Cyra babes, hindi ko naset ang alarm ko ehh."
"Pwede naman siguro ako pumasok? Kanina pa ako ihing-ihi."
"Sure babes, sorry talaga halika pasok ka na at wag ka na magalit."

Agad naman pumasok ng banyo si Cyra upang umihi. Nagayos naman ng kuwarto si Migs. Itinago ang mga paraphernalia na ginamit niya nang humithit ito ng weed. Pagbukas ng pinto, nagulat ito nang naka lingerie na lang si Cyra.
"Wow babes! Buti di ka na galit."
"Ganito ako magalit lalo na nang binitin mo ako ng ilang araw."
Agad naming napangiti si Migs sa ginawa ni Cyra. Nilapitan niya it at hinalikan sa labi. Agad din naming humalik ang dalaga at tuluyan nang bumigay kay Migs. Halos pitong buwan nang magkakilala sila Cyra at Migs. Team leader si Cyra sa isang call center sa Alabang at nagkakilala sila sa pamamagitan ni Andrew na General Manager sa parehong kumpanya. Mabilis na nagkalapit ang loob nila pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Migs. Ayon kay Migs ay nahanap na niya ang match niya sa kama. Pareho nilang ineenjoy ang bawat pagkakataong magkadikit ang kanilang mga katawan.
Makalipas ang ilang minuto,  pagod na pagod ang dalawa at napahiga si Cyra sa dibdib ni Migs. Hingal na hingal ang dalawa sa nangyari. Nagyosi na lamang sila habang magkayakap sa kama. Maya maya pa'y tumayo na si Cyra dahil may meeting pa siya at malelate na ito. Magtetext na lang daw ulet si Cyra pag hindi na siya busy. Isa pa itong dahilan kung bakit medyo nagtatagal sila ni Migs. Dahil walang kaseryosohan at parang fucking buddy lang ang kanilany relasyon.

7:30PM Medical City

"Hi Anthony. Kamusta ka? Maycheck-up ka?
 "oo. Kakagaling ko lang sa chemo. Kaya medyo hinang hina pa."
"ahh. Si misis kasama nyo na?"
 "Hindi e. Baka sa susunod." Bigla nanamang naubo si Anthony at nilapitan ito ng nurse. 
 "oh! Okay ka lang. Ito tubig oh."
"Salamat."

Dahan dahang naglakad si Anthony papalabas ng ospital. Hingal na hingal ito sa kakaubo at pilit niyang itinatago ang nararamdaman dahil takot siyang pandirihan ng mga nakakasalubong na pamilya ng pasiyente. Paglabas niya ng elevator, saktong nakasalubong niya si Dess. Ang anak ng isang pasiyente na kasama niyang pagpa-chemo sa ospital. Susunduan na din niya ang tatay niya. Ngunit huminto ito sandali para kausapin si Anthony.

“Kamusta ka na?”
“Ayos naman ako. Ikaw?”
“Ayos lang din. Oh ano? Nasabi mo ba sa asawa mo?”
“Kamusta na tatay mo?”
“Okay naman. Hmm.. Hindi pa rin ano?”
“Akyat ka na, kanina pa nag-aantay tatay mo dun. Uuwi na din ako para makapagpahinga.”
“Okay sige. Ingat ka.”

Naglakad na si Anthony papalayo kay Dess nang muling tawagin ito ng dalaga.

“Anthony. You have my number right?”
“Yes.”
“Text or Call me kung may gusto kang pag-usapan or kahit anong kailangan mo.”
“Salamat.”

Dumiretso na si Dess sa elevator at nakangiti naming umalis si Anthony papunta sa parking lot ng ospital.

7:30PM Lipa, Batangas

Kumakain mag-isa si Gail sa kanyang kuwarto. Mas pinili nitong doon na lamang kumain kaysa makasama ang mga taong hindi niya kilala. Napatingin nanaman ito sa painting na naka dikit sa ding-ding. Ang abstract painting na pininta ng isang artist na may pangalang Cold Winter. Napapaisip siya sa painting na ito at tila pilit na inuunawa kung ano nais ipahiwatig ng gunuhit nito. Pagkasubo ng pagkain, di niya namamalayang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Ngunit agad nito pinunasan at pinilit ang sariling wag na umiyak. Kung kaya't nagpasiya siyang lumabas at magpakasaya pagkatapos kumain ng hapunan.

 9:30PM Sa isang bar sa Alabang

"oh pare?! Musta?"
"haha ayos lang tol."
"mukhang ayos nga ah." "magaling tol. Siya talaga nagtrabaho. Siya lahat gumawa."
 "hahaha ayos diba. So pano yan. Hindi ko na ipapaputol ang daliri ko. Nyahaha!"
 "oo brad. Tsaka payag naman siya maging kabit ko e."
"tangina! Gago ka pa din tsong! Manyak!" saad ni Migs habang binibiro ang kanyang kaibigan. Madalas sila lumabas at gumimik. Hindi kumpleto ang gabi nila kung hindi sila nakakagala, nakakainom at nakakapanchicks. Kaya sila nagkakasundo. Maya maya pa ay nagsalita ang dj sa bar. Anniversary ng bar at sinabing libre ang inumin hanggang 12 midnight. Sabay naghiyawan ang mga tao sa bar at nagpatugtog ng house music. Nagtayuan at nagsayawan ang mga tao. 
Habang umiinom si Migs ng beer, napansin niya ang isang babaeng naka itim na dress, napakaganda at nakakaakit sa kanyang pagsasayaw. Halos lahat ay napapatingin dito. Kung kaya't napagpasiyahan niya tumayo na din at sumayaw. Pumunta ito sa gitna at tinabihan ang magandang babae. Nagulat siya ng kumapit ito sa balikat niya at animo'y sinasayawan siya nga babae. Natuwa naman si Migs at napainom na lang siya sa hawak-hawak na beer. Nang mapagod ang dalawa sa pagsasayaw at inaya ni Migs ang dalaga sa kanilang table. Agad namang umalis si Andrew sa table nila sa hudyat ni Migs.
 "galing mong sumayaw ah. Sanay na sanay ka magdisco ano?"
 "a bit. Dancer ako kaso natigil na lang siya. Iba na ang priorities e."
"hehe. Beer?"
 "sure!"
"cool. Sexy, sobrang ganda, magaling sumayaw. Umiinom ng beer. Hehe"
 "is that a compliment or what?"
 "Compliment of course. Kakainlove nga e."
"hahaha. Highschool?"
 "seryoso!"
"No.1 rule, bawal mainlove. It’s no fun pag may love love na kasama yan."
"hehe okay. E di bawal mainlove. Well, are you dating? Single or married?"

Natahimik ang dalaga sa tanong ni Migs. Napatingin ito sa mga mata ng binata at ngumiti. "its complicated."
 "hahaha okay. Interesting."
 "ganun talaga. And you need not to know."
 "And your name?"
"bakit kailangan mo malaman? I dont give out my name e."
"okay. Hehe. E paano kita makakausap ng matino kung wala akong itatawag sayo?"
"may reklamo ka? Hehe"
 "oo naman. Ako nga pala si Migs. Single and fuckin hot."
"heard that before. We'll see."
"So.. What's your name?"
 "Cold Winter. Just call me Cold Winter. "
"uhmmmm. Okay."
 Nabigla siya sa sinabi ng dalaga sa kung anong pangalan ng dalaga. Madaming tumatakbo sa isip ng binata at tila'y naguluhan sa mga nalaman. Madaming nagflashback sa kanyang mga alaala. Hanggang sa sunod sunod na uminom ng beer.
 "do you want to go somewhere else?"
"hmm. No. Pauwi na din naman ako maya maya."
 "hatid na kita?" "I have a car. So okay lang ako."
"ahh okay. Labas tayo okay lang?"
 "sure. Lets stay on my car."
Maya maya pa ay lumabas ang dalawa. Naisip ni Migs na sanay na sanay ang dalaga sa kanyang ginagawa. Naging intersado si Migs sa babae na nag iwan ng pangalang Cold Winter. Bubuksan pa lamang ng babae ang pinto ng sasakyan, agad nito hinalkian ni Migs sa labi. Nagulat ang babe ngumit lumaban na din ito ng halik. Hindi na nagdalawang isip si Migs at pinagala na nito ang kanyang kamay sa dibdib ng babae. Hinalikan niya ito sa leeg at nilamas ang dibdib ni Cold Winter.
"ahhhh ang bango mo." Nang magsimulang ibaba ni Migs ang kanyang kamay, nagulat si Cold Winter at agad nitong  pinigilan. Hindi nagpapaawat si Migs sa nais gawin kung kaya't tinulak siya ng babae. Nagulat si Migs sa nangyari at nakita nitong umiiyak ang babae. Ikinabahala niya ito at tinanong si Cold Winter.

 "Okay ka lang. Im sorry, Im really sorry."
Nabigla si Migs sa mgs sinabi sa babae at sa naging ugali nito sa kanya. Nagulat siya sa sarili niya na naging mabait sa babae. 

Agad na sumakay ng sasakyan si Cold Winter at dali-daling umalis ng parking lot ng bar. Napakamot na lang ng ulo si Migs at tila naguluhan sa nangyari. Bumalik na lang siya sa bar kahit wala na ang kaibigang si Andrew. Dinamihan nito ang inorder na alak at nagpasya itong magpakalasing.

12:45AM Lipa, Batangas

 Nanatiling nasa loob si Gail ng kanyang sasakyan. Nakatulala at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga ginawa sa bar. Okay na sanang nag bar siya, sumayaw at uminom ng alak katulad ng kanyang ginagawa noong hindi pa siya kasal. Ngunit ang mag asal puta at makipaghalikan sa hindi kakilalang lalaki ay sadyang bago sa kanya. Hinalikan siya ng lalaki at aminadong nagustuhan niya ito. Napaisip ito at sinabi sa sariling hindi siya aabot sa ganoon kahit na gusto niyang gawin ito dahil matagal na silang hindi nag sesex ni Anthony. Napaiyak na lamang siya sa mga naganap at sa mga desisyon niya sa buhay. Na tila yata nagpapabago sa kanya bilang isang tao.




Almost Lover by A Fine Frenzy 

 EPILOGUE

Sa New Manila, nakahandusay sa sahig si Anthony dahil nawalan ito ng malay. Hawak nito ang kanyang cellphone at kumalat ang mga gamot sa sahig. Nagbago ang lahat sa buhay ni Anthony pagkatapos niya malaman na may Cancer siya. Kung saan ay hindi alam ng kanyang asawa na si Gail.

Samantalang si Gail naman ay walang tigil sa kasusuka dahil  sa madaming beer na nainom niya. Nabigla ang kanyang katawan sa kalasingan. Maya maya pa'y lumabas ito ng banyo at napahiga sa sahig. Doon na siya nakatulog sa sobrang sama ng pakiramdam. Nagsimula na ang pagbabagong ito sa kanyang buhay. Ang pagbabagong hindi niya alam kung makakabuti ba ito o makakasama sa kanya.

Kahit lasing, pinagpasiyahan nito umuwi sa bahay ng kanyang magulang. Iyak ito ng iyak habang nagmamaneho at kasabay na nagyoyosi. Madaming bagay na nagpapaluha sa kanya lalo na ang mapait na nalaraan. Nasaisip pa din niya ang babae at ang pangalang Cold Winter ng babaeng nakilala nya sa bar. Maya maya pa'y nakarating na ito sa bahay ng kanyang mommy. Paglabas ng sasakyan, bigla ito napaluhod at napahiga sa sahig malapit sa gate ng bahay nila. Sa sobrang kalasingan ay hindi na siya makapagdoorbell at nakatulog na lang siya at nakahandusay sa labas ng bahay. Sa isang iglap, nagkaroon ng game change sa buhay ni Migs at kailangan niyang harapin ang mapait na nakaraan. Ito na ang oras para doon.

End of Chapter 2.

Itutuloy.. 

No comments:

Post a Comment