Wednesday, 29 August 2012

Chapter 5 : Up All Night






“Anong pangalan mo?”
“Migs. Migs po.”
“Ahh Migs. Gwapo niya ano? ”
“Hindi naman po. Sakto lang.”
“Wow humble. Yan ang dapat na ugali ng mga pogi. Yung humble pero siyempre may konting angas. Tignan nyo itong si Migs. Hindi ba? Saktong angas pero hindi hambog. “
“Hindi naman po. Hehe.”
“May girlfriend? “
“Wala po, sa ngayon. “
“May boyfriend? “
“Huh? Lalong wala po. “
“Kasi uso ngayon yan. Hehe. Kaya hirap ngayon humanap ang babae ng mabait na lalaki, kasi madalas ang mga lalaking ito kapiling na ng mga guwapong lalaki. Haha. “
Sabay tawa ng mga nanonood sa pabirong saad ng stand-up comedian kay Migs. Nagsimulang pagpawisan si Migs sa mga sinasabi sa kanya at namumula ito sa kahihiyan. Panay ang tingin sa taong nakaupo sa may gawing kanan ng bar.
“Walang girlfriend. Walang boyfriend. Hmmm… Pwede! Anong size ng rubber shoes  mo at anong kulay ang gusto mo? “ Nagtawanan muli ang audience sa banat ng comedian na tila nagpapahiwatig na may gusto ito dito.
“Size 11 po. “
“Wow! Laki ng paa. Alam mo ba kung ano ibig sabihin nun?”
“Opo. Malaki po yung ano.” Sabay turo ni Migs sa kanyang ibaba.
“Hoy!! Bastos ka! Ibig sabihin nun malaki din ang medyas! Ikaw ha!!”
Sabay-sabay na naghalakhakan ang mga tao sa loob ng bar. Napapailing na lang si Migs at natatawa. Game na game naman siya sa kahit anong joke ng bading na comedian. Habang nasa entablado, ay pilit nitong hinahanap ang kasama na nakaupo sa bandang dulo. Ngunit hindi niya ito makita sa sobrang liwanag ng ilaw na nakatutok sa stage.
“Hay naku! Sige na nga kumanta ka na lang. Kantahan mo na lang kami. “
“Sige po. “
“Kanino mo naman idededicate itong kanta mo? “ Malambing na saad ng stand-up comedian kay Migs na tila nagpaparinig na sa kanya idedicate ang aawitin.
“Sa kasama ko po. “
“May kasama ka pala. Asan diyan? “
Tinuro ni Migs ang gawing kanan ng bar at kahit hindi niya ito lubusang makita ay kumuway ito sa kasama. Maya-maya ay tumapat ang ilaw sa lamesa ng kanyang kasama.
“At may kasama ka palang babae. Akala ko wala kang girlfriend? Niloloko mo ako. I hate you na! Break na tayo. “ Pabirong umarte ito kay Migs habang nakatalikod sa binata.
“Wala po akong girlfriend. “ Saad ni Migs habang naka-smile sa kasama niyang nakaupo.
“Sino siya? Anong pangalan niya? Bakit mo siya kasama?”
“Si Gail po.”
“Gail? Infairness maganda siya ha. Makinis. Flawless. No wonder pinagpalit mo ako.”
“Special friend ko po siya. “
Sabay-sabay na nag-react ang audience at tinutukso ang dalawa.
“Oh sige na nga, kumanta ka na lang. Kantahan mo na lang siya. “
“Okay po. Gail, this is for you. “ Saad ni Migs sabay ngiti kay Gail.
Nakatingin lang si Gail kay Migs at kinakabahan sa ginagawa ng binata. Hindi niya akalain na tototohanin nito na kakanta siya sa harap para sa kanya.
“Go!” hudyat ng stand-up comedian, upang patugtugin na ang kantang aawitin ni Migs.
Biglang kinabahan si Migs at napahigpit ang kapit sa microphone.


Input Number:
5 6 6 8 9

Ikaw Lang Ang Aking Mahal
Sung by:  Brownman Revival
Written by: VST & Co.

“ Itanong mo sa akin, kung sino'ng aking mahal.
 Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal.
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
Isa lang ang damdamin
Ikaw and aking mahal
Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw
Ikaw ang aking mahal...
Ikaw ang aking mahal...
Ikaw ang aking mahal… “



Chapter 5:

Up All Night


11:45PM  Bar & Restaurant along Aguinaldo H-way, Tagaytay City.

“What? Bilib ka na sa akin?”
“I really can’t believe you. “
“You know what, I have never done that in my entire life. Ngayon lang!”
“You are crazy. “
“Is that a compliment? Or an insult.”
“This time it works in both ways. Haha.”
“Well, I did It for you. No more, no less. “

Napatitig na lamang si Gail kay Migs. Hindi pa rin ito makapiniwala na ginawa ito ng binata.  Ang isang katulad ni Migs, na tipong may arte sa katawan, may pagka-suplado at halatang anak mayaman, ay gagawa ng isang bagay na aakalain niyang ikakahiya nito. Naisip lang ni Gail kung gaano kapursegido ang lalaki sa gustong gawin. Gusto niyang mag-enjoy. Gusto niya mapasaya si Gail at huwag sayangin ang oras sa mga bagay na ikalulungkot lang nilang dalawa.

“Oh! Bakit titig na titig ka sa akin. May gusto ka sa akin ano?” Pabirong saad ni Migs.
“Sira! Natatawa lang ako. I mean, sige natutuwa lang ako sayo. “
“Talaga? Natututwa ka na sa akin? I will take it as a compliment. Thank you very much. “
“I just can’t believe it. Yun lang. “
“Bakit naman. Wala pa bang gumawa niyan sayo? “

Natigilan si Gail sa saad ng binata. Napangiti at umiwas ng tingin kay Migs. Kinuha nito ang vodka at nag-sip ng konti. Huminga ng malalim at tumingin muli sa binata.

“Wala.”
“You mean? Wala?”
“Wala. None. Nada. Wala talaga. “
“So first time? “
“Haha. Yeah, first time. “
“Ako lang gumawa nito sayo?”
“Yes sir. Ikaw lang po ang gumawa nito sa akin. “
“Nagustuhan mo ba?”
“Hmmm.. a bit.”
“Weh. Hindi nga? “
“Haha. Sige na nga. Yes, I liked it. Bravo! Galing mo!”
“Yes!”

Natuwa si Migs dahil hindi lamang nagustuhan ni Gail ang kanyang ginawa para sa kanya, kundi siya lang din ang lalaki na nakagawa ng ganoong bagay sa kanya.

“Oo. Inaamin ko, na walang gumawa niyan sa akin. Walang nag-effort sa akin na kantahan ako. Na parang haranahin ako. Alam mo yun.. Nakakatuwa din pala. Nakakakilig. Ewan! Basta ganun!” saad ni Gail. Tila ay tinamaan na din ito ng alcohol kung kaya’t nagiging emosyonal na rin siya.

“Hayaan mo na yun. Ganun talaga. There’s always a first time. “
“Exactly. At hindi ko naman ineexpect na ikaw ang makakagawa nun.”
“Bakit naman?”
“Ikaw pa? Eh parang napaka-suplado mo. Tapos parang ang arte-arte mo pa.”
“Huh? Hindi. Hindi ako ganyan. Wala ka lang talagang bilib sa akin.”
“Medyo.”
“I will prove it to you na mali yang impression mo sa akin.”
“Okay.”
“Talaga. Seryoso.”
“Wait. And why do you need to prove something sa akin. Eh you don’t have to.”
“Wala naman. Kasi..ano.. kasi gusto ko lang ipakita sayo kung sino ako. “
“Haha. Talaga lang ha. “
“Yeah. “
“Are you hitting on me?”
“Of course not! I mean, why? “
“Hmm.. “
“Sige. What if kung oo? Yes, I like you and I’m attracted to you.”
“You don’t know me. “
“You are not answering my question. Anong gagawin ko kung sasabihin ko sayong Yes, I like you and I’m hitting on you. “

Panandaliang tumahimik ang paligid. Tila naghahanap ng kasagutan si Gail sa tanong ni Migs.

“Don’t do that to me. Hindi pwede. “
“Why not?”
“I just can’t. Hindi pwede and most of all, you don’t know me. “
“Okay. So I think we can start tonight. To get to know each other… more?” saad ni Migs habang seryosong nakatitig kay Gail.
“That’s funny.”
“What’s funny? Seryoso ako Gail. “
“That’s funny na you want to know me more. Eh kahit ako nga hindi ko pa din kilala ang sarili ko. “

Napakunot nang noo si Migs sa sinabi ni Gail. Tila hindi naiintindihan ni binata ang sinagot sa kanya ng babae. Pakiwari niya ay hindi lang ata siya gusto nito.

“So I guess, that’s why you are here? Tama ba?”
“Hmm.. Some sort of like that. “
“Soul searching? “
“If that’s the term, I think yes. “

Maya-maya ay tumugtog ang bandang nakasalang sa stage. Kung kaya’t halos hindi nagkarinigan ang dalawa.

“Do you want to go somewhere else?”
“Sure. Okay lang sa akin. Saan? “

Minabuti na lamang nilang lumipat ng ibang lugar. Binabalak ni Migs na makausap ng seryosohan ang babae. Maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan at nais niya itong malaman mula kay Gail.

“Saan mo gusto pumunta?” Tanong ni Gail sa binata.
“Hmm.. mas okay sana yung lugar na chill lang. Yung pwede tayo mag-usap. Yung tahimik lang.” sagot ni Migs.
“Game! Sa sementeryo tayo pumunta.” Pabirong sagot ni Gail.

Napatingin naman ang binata sa sinagot sa kanya ni Gail.

“Joke lang! “
“Hindi nga? Seryoso ako. Ikaw, kung saan mo na lang gusto pumunta.”
“Hmm.. Parang gusto kong sumayaw. Game ka? “
“Huh?”
“Disco.”
“Okay. Game.”

Wala na siyang nagawa kung hindi ay sundin na lang ang gusto ni Gail.


01:30AM Disco and Restobar in Tagaytay

Pagkapasok sa disco bar, sakto namang nagpapatugtog na ang dj at nagtatawag na ito ng mga taong magsasayaw sa dance floor. Ang lahat ay nagsipag-puntahan na sa gitna at nagsisimula nang sumayaw. Tuwang-tuwa si Gail at na-excite ito sa tugtog na nakasalang.

“Come on! Tara sayaw na tayo.” Saad ni Gail.
“Sige na. Dito lang muna ako sa bar.” Sagot ni Migs.
“Ayy.. Kill joy? Eh ano pang ginagawa natin dito? Tara na sayaw na tayo. Akala ko ba game ka?”
“Ehh kasi ano eh..”
“Kasi ano?”
“Hindi ako marunong sumayaw.”
“Haha. Tara na. Ako bahala sayo.”

Walang nagawa si Migs dahil hinila na ni Gail ang kamay niya papunta sa dance floor. Nagulat pa ito dahil pinili ng babae na sumayaw sa pinaka-gitna. Patingin-tingin si Migs sa kanyang mga katabi at nahihiyang kumilos.

Maya-maya’y napatingin siya sa kanyang kasayaw. Nagsimula nang sumayaw si Gail at tila lalo siyang inaakit ng babae. Napakahusay talagang sumayaw ng babae. Lalo na sa tuwing ito ay gumigiling. Samantalang siya ay nakatayo lamang at nakatulala sa kanya. Hanggang sa bigla siyang nilapitan ng babae at ipinatong ang mga kamay nito sa braso niya.

“Akala ko ba gusto mo pa akong makilala. Bakit ka pa nakatanga diyan? “ bulong ni Gail habang patuloy ito sa pagsasayaw.

Tila sinasayawan nito si Migs at patuloy ito sa paggiling ng kanyang balakang sa katawan ng lalaki. Maya-maya’y kumilos na din si Migs at lumaban na ng sayawan. Sinasabayan na lamang niya ang bawat indayog ng babae. Ine-enjoy ang bawat sandaling halos magkadikit ang kanilang katawan at sumasayaw.

Pagkatapos ng ilang minuto at ilang mga sayaw, naupo na sila at umorder ng maiinom. Sinabihan na ni Migs si Gail na huwag nang umorder ng inuming may alcohol, ngunit humingi pa din ito ng vodka.

“Okay ka naman pala sumayaw Migs eh. Haha.” Pang-asar na saad ni Gail.
“Sarcasm? Hindi talaga ako marunong sumayaw eh.” Saad ni Migs.

“Naku, sabi ko naman sayo ako bahala di ba?”
“Oo nga.”
“Tsaka pag disco naman, wala namang tama at maling sayaw. Kaya nga gustong-gusto ko dito eh.”
“Mukha nga.”

“Kasi, kahit anong gawin mong sayaw, hindi ka nila papansinin. Wala silang pakialam sayo. Basta mag-enjoy ka lang. Ienjoy mo ang tugtog habang may nadidinig ka pang music. Kasi wala namang huhusga sa gagawin mo eh. Sayaw ka lang ng sayaw.”

Nakatingin lamang si Migs kay Gail. Tila may nais ipahiwatig ang babae sa kanyang mga sinabi. Sinikap na lamang niyang makinig muna sa sinasabi ng babae habang umiinom ng malamig na beer.

“Ikaw, anong first impression mo sa akin?” Tanong ni Gail.
“Hmm.. mahilig magbar, mahilig magdisco, mahilig gumimik. Yun eh dahil una kitang nakita sa bar. And ngayon, nakikita ko naman na nag-eenjoy ka eh.” Sagot ni Migs.
“EEEENNNNNNKKKKK! Mali ka dun.” Saad ni Gail.

Natigilan si Migs at nagiisip kung ano pa ang dapat niyang sabihin sa babae.

“Bakit mo naman nasabing mali ako?”
“Kasi, hindi talaga ako lumalabas ng bahay. Hindi ako gumigimik. Siguro noong college pa ako, pero ngayon, huh! Sobrang hindi na.”
“Bakit?”
“Dahil iyon ang dapat. Dahil iyon ang gusto nila. Dahil iyon ang gusto niya.” Saad ni Gail at uminom ng kaunti mula sa kanyang baso. Tila malakas na ang tama ng alak sa kanya.

“Gail, namumula ka na. Gusto mo balik na tayo sa hotel? Pahinga ka na.” Malambing na saad ni Migs.
“Maaga pa ah. Akala ko ba mag-eenjoy tayo?” Sagot ni Migs.
“May bukas pa naman eh. Gusto mo araw-araw tayo pumunta dito at magdisco.”
“You gotta be kidding me.”
“Hehe. Tara na. Balik na tayo ng hotel.” Saad ni Migs habang inaalalayan si Gail papalabas ng disco bar.

“Gusto ko pang sumayaw, isa pa please? Last song na. Please?”
“No. Balik na tayo ng hotel.”

Mas pinili na lamang ni Migs na sila ay bumalik na ng hotel para makapagpahinga na si Gail. Dahil sa tagal na hindi ito nakainom, madaling nalasing ang babae. At iniisip ng binata na baka mapahamak si Gail kung hindi niya pa ito aawatin. Inayos niya sa pagkakaupo si Gail sa passenger seat.  Medyo inihiga niya ito para kahit papaano ay makapag-relax ang babae habang pabalik na sila ng hotel.

2:25AM Hotel along Aguinaldo Hiway, Tagaytay

Pagkadating nila ng hotel, pinilit ni Gail na makapaglakad ng maayos. Nahihiya na kasi siya na magpaasikaso kay Migs.  Ngunit hindi naman tinitigil ng binata na alalayan siya papunta sa kanyang kuwarto.

Nang makarating na sila sa kuwarto ni Gail, ay agad namang binuksan ni Migs ang pintuan at ilaw ng silid.

“Sige pasok ka na. Para makapagpahinga ka. Kung may kailangan ka, nandun lang ako sa kabilang kuwarto. Kumatok ka lang. Okay?”
“Okay Migs. Salamat ha and sorry.”
“Sorry saan?”
“Kasi nag-emote ako. Nasira ko pa gimik natin.”
“Hehe. Wala yon. Pahinga ka na.” Nakangiting saad ng binata habang sinasara ang pintuan ng kuwarto ni Gail.

Maya-maya ay napalingon si Migs nang biglang nagbukas ang pintuan ng kuwarto ni Gail.

“Migs.”
“Oh! Bakit?”

“Gusto ko lang malaman… kung bakit mo ako gusto?” nakayukong saad ni Gail.

Medyo natigilan si Migs sa biglaang tanong ni Gail. Nag-isip ito ng mabuti sa isasagot sa babae.

“Hindi lang dahil sa maganda ka… Hindi lang dahil napapangiti mo ako… Hindi lang dahil masarap ka kasama… Sa tingin ko, higit sa lahat nang iyon ay dahil nakahanap ako ng katapat ko.”

“Sa tingin mo ba masama akong babae?” tanong muli ni Gail.
“Hindi kita magagawang husgahan. Madami pa akong hindi alam tungkol sa iyo. At gusto kitang mas makilala pa. Kung hahayaan mo lang ako Gail.” Seryosong sagot ni Migs.

“Ready ka na bang makilala ako?” Tanong ni Gail.

Maya-maya’y mabilis na lumapit si Migs kay Gail at mariing hinalikan sa labi. Si Migs na din ang nagsara ng pinto pagpasok nila sa loob ng silid. Tinulak ni Migs sa dingding ang babae at hinalikan mula labi hanggang sa leeg. Napakapit naman sa likuran si Gail at sa bandang ulo ng binata habang hinahayaan nitong paghahalikan siya ni Migs. Hanggang sa buhatin na ni Migs papunta sa kama ngunit hindi pa rin natatanggal ang paghahalikan nila.

Iniayos ni Migs sa pagkakahiga sa kama si Gail. Hinalikan nito sa leeg ang babae habang nakasapo ang mainit na palad nito sa dibdib ni Gail. Napapaiktad  at napapaliyad si Gail sa bawat halik at sa bawat hipo sa kanya ni Migs.

Hindi na napigilan ni Gail ang kanyang sarili at hinayaan na lamang ito sa kung anong gagawin sa kanya ni Migs.

Nais niya sanang pigilan ang binata ngunit iba ang tinatakbo ng puso at isipan niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ay nagugustuhan niya ang ginagawa sa kanya ni Migs.

Kung kaya’t tuluyan na siyang nagpaubaya. Tuluyan na siya bumigay sa nagliliyab na pagnanasa ni Migs sa kanya. Tuluyan na siyang sumuong sa isang pagkakasala.


Makalipas ang ilang oras ng kanilang pagniniig, agad namang tumakbo si Gail sa banyo upang maghugas at maghilamos.
Matapos niyang mag-ayos ng sarili ay napatingin ito sa salamin. Nakita niya ang sariling hubo’t-hubad.  Ngumiti siya at tila wala siyang nararamdamang pagsisi sa mga oras na iyon. Alam niya sa sarili na ginusto din niya ang nangyari.
Agad naman siyang sinundan ni Migs na ngayon ay nakabrief na. Binigyan niya ng tuwalya si Gail. Maya-maya ay niyakap niya ang babae habang pareho na silang nakatingin sa salamin.
“You keep on surprising me everyday Gail. I can no longer resist you.” Saad ni Migs habang panay pa din ang halik nito sa babae.






 Lets Get It On - Marvin Gaye


EPILOGUE

Alas-kwatro y media ng madaling araw..
Habang nakahiga sa kama, masayang nagkukuwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang pagkabata. Mga masasayang alaala ang kanilang ginunita at tila pareho silang interesado sa buhay ng isa’t isa. Hindi maubos-ubos ang mga kuwento ni Migs. Kahit mga kalokohan niya noong nasa highschool pa siya ay ikinuwento nito kay Gail.

Tila tuluyan nang nakakalimot si Gail sa kanyang naiwang buhay sa Manila. Sinisikap nitong maging Masaya kahit sa sandaling panahon na kausap ang binata. Pinapakinggan lahat ng gustong ikuwento ni Migs at magiliw niya itong tinatawanan.

“Haha. Tapos siyempre andun ako sa likod ng teacher ko. Kunwari may itatanong ako tungkol dun sa exam. Sobrang sexy talaga niya, crush ko yun dati pa. Ayun, talagang nagpapansin ako sa kanya.”
“Hehe. Loko ka talaga. Bata ka pa lang ganyan ka na.” nakangiting saad ni Gail.

Maya-maya ay hinalikan ni Migs si Gail sa labi. Hindi naman tumutol si Gail, kung kaya’t lalo pang pinagbuti ni Migs ang pag halik.

“Siyempre iba na ako ngayon. “ saad nito kay Gail.
“Talaga lang ha?” sagot niya kay Migs.

Dahan-dahan namang humahalik si Migs sa pisngi ng babae at bumababa patungo sa leeg nito.

“Wait. Akala ko ba gusto mo pa ako makilala? Hindi tayo matatapos niyan.” Saad ni Gail.
“Madami pa tayong panahon para diyan. We can always stay up all night. “ Nakangiting saad ni Migs habang patuloy ito sa pagromansa kay Gail.

END OF CHAPTER 5

Itutuloy

Monday, 20 August 2012

Chapter 4 : DoMiNo




"I'm sorry. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ito."
"Hindi mo kailangang humingi ng sorry kasi ginusto ko din ito."
"No. Mali ito. I took advantage of you."
"I also did. I took advantage of the situation."
"Mahal ko ang asawa ko. I'm sorry. This should not happen again."
"Wala siya sa tabi mo. Ako ang nandito."
"Hindi tama ang ginagawa niya. Pero mali ang ginawa ko. Dess, kasalanan ito. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si Gail. Patawarin mo ako."
"Mali na kung mali Anthony. Nasasaktan ako kasi gusto kita. Kasi mahal kita."
"I'm sorry kung nasasaktan ka. Mas lalo kang masasktan kung magpapatuloy ito. Kung magkikita pa tayo ulet. I hate to tell you this, but you have to stop loving me. I'm a married man and you deserve better."

Tumayo si Anthony mula sa kama at sinuot ang kanyang damit na nakakalat sa sahig. Dumiretso ito ng banyo. Habang si Dess naman ay patuloy ang pag-iyak dahil hindi matanggap ang mga sinabi ng lalaki.


Chapter 4 – DoMiNo


Twelve hours ago.

8:18AM - Lipa, Batangas

Late nang nagising si Gail. Hindi kasi ito nakatulog agad kagabi dahil magdamag niyang hinintay ang pagbalik ni Migs mula sa gimik. Gusto niya sana kausapin ang binata ngunit umalis ito at halos umaga na nang dumating. Pagtingin niya sa orasan ay pasado alas otso na ng umaga at kahit antok na antok pa ay pinilit niya ang sarili na bumangon na at maghilamos. Pagpunta niya ng banyo, naalala niyang nasa ibang kuwarto na nga pala siya at nalimutan nitong kunin ang ibang mga gamit niya sa kabila. Napakamot na lamang ito sa kanyang ulo at iniisip na katukin na lamang si Migs. Ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito dahil nahihiya pa siya sa binata. Naupo muna ito sa dulo ng kama upang makapag-isip. Nang biglang naalala niya ang mga underwear niya na nasa drawer ng cabinet at may isa pang nakasampay sa banyo. Parang naihi sa kaba si Gail at inisip nito kailangan niyang makuha ang gamit niyang nandoon sa kabilang kuwarto at nakakahiya naman kay Migs lalo na ang nakasampay na T-back sa banyo na ginamit niya nang siya ay lumabas para mag-bar. Dali daling lumabas ito ng kuwarto. At nang makarating sa tapat ng pintuan ni Migs, ay atras-abante ito kung itutuloy ba niya ang pagkatok o hindi. Maya-maya pa ay huminga ito ng malalim at tinuloy ang pagkatok sa pinto. Ngunit walang reaksiyon mula sa loob at tila yata tulog pa ang binata. Sinubukan muli nitong kumatok ngunit wala pa rin. Napakagat na si gail sa kanyang kuko sa sobrang kaba niya. Kumatok ulit siya at sinubukang iikot ang doorknob ng pintuan. Nagulat siya nang bumukas ito at hindi pala naglock si Migs ng kanyang kuwarto. Pinasok muna nito ang kanyang ulo para sumilip, at nakita niyang may nakaumbok sa may kama. Naisip niyang tulog pa marahil si Migs at mas magandang pagkakataon ito para kunin ang kanyang mga gamit na naiwan niya. Dahan-dahan itong nagpunta sa cabinet at walang ingay na naglakad. Binuksan niya ang drawer at nakita na niya ang mga underwear niya sa loob. Kinuha na ni Gail ang mga ito at marahang isinara ang drawer. Ngayon naman ay papunta na itong banyo para kunin ang underwear niyang nakasampay sa loob. Nang malapit na ito sa pinto, may narinig itong tila may naliligo sa loob. Biglang natigilan si Gail at dahan-dahang lumingon sa kama para tignan si Migs at laking  gulat niyang natakpan lamang pala  ng kumot ang malaki niyang bag at mga unan na napagkamalan niyang taong nakahiga. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng banyo at parang slow motion pang lumingon si Gail. Mula sa banyo, lumabas si Migs nang nakahubad at pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok. Nagkatinginan ng ilang segundo sina Migs at Gail. Sabay nabaling ang atensiyon ni Gail sa maskuladong katawan ng binata, pababa sa abs nito hanggang sa tuluyang napatingin sa ari ng binata. Biglang bumalik ang magandang babae sa kanyang sarili at napatingin ulit kay Migs.
"Oh shit!" Sabay takip ni Migs sa kanyang harapan at dali daling tumalikod. Naalala niya na hubad din ang kanyang likuran at bigla nitong tinakpan ang nakabuyangyang na puwet.
"Waaaaaaaahhhhhhhhh" sigaw ni Gail habang tumakbo papalayo sa kuwarto ni Migs. Agad-agad na naglock sa tinutuluyang silid.
Nakanganga at natulala si Gail sa mga nangyari. Hindi maalis sa isip niya ang kahihiyang ginawa niya sa harapan ni Migs. Hindi rin niya maalis sa isip nito ang katawang nasilayan. Hanggang sa parang baliw na tumatawa sa kanyang sarili habang yakap-yakap ang mga underwear na kinuha niya sa drawer.

8:20AM - New Manila

Nagtimpla ng kape si Anthony at naglagay ng cereal sa isang bowl. Nagdagdag ito ng gatas at isang kutsarang asukal dahil napadami niya ang lagay ng kape sa kanyang inumin. Habang siya ay nag aalmusal, ay biglang tumunog ang doorbell niya. Tumingin ito sa orasan at tila maagang pagbisita naman ito para sa kanya. Tumayo na lamang siya at pinagbuksan ito.
"Oh Dess ikaw pala yan. Agang bisita yan ah." pabirong sambit ni Anthony.
"Eh diba sabi ko nga sayo lagi kita pupuntahan dito." magiliw na sagot ni Dess. Isang disenteng babae si Dess. Kahit simpleng manamit ay kitang kita pa din ang alindog at hubog ng kanyang seksing pangangatawan. Litaw na litaw din ang kayumangging balat at pinay na pinay na kagandahan.
"Naku! Baka masanay ako niyan. Hanap-hanapin ko yan."
"Hehe ikaw ang bahala. Basta ako, sabi ko sayo na aalagaan kita. Free of charge."
"Makakatanggi pa ba ako sa alok mo? Hehe. Salamat Dess." nakangiting saad ni Anthony.
"Naku, tama na nga yang drama na yan. Mabuti pa ipagluluto na lang kita ng almusal."
"Nag-aalmusal na kaya ako."
"Ito ang almusal mo?" sabay turo sa isang tasang kape at isang mangkok ng cereal na may gatas. "Naku, hindi puwede sa akin yan. Ipagluluto kita ng matinong almusal."
"Huwag na. Okay na ako dito. Well in fact, ganito talaga ako mag breakfast."
"Hindi puwede. Ipagluluto kita. Maupo ka lang diyan at antayin mo. Give me 5 minutes okay?!"
"Okay. Ikaw bahala." saad ni Anthony habang biglang napaubo ito ng sunod-sunod. Sa isip niya, ayos na din at kasama niya si Dess, dahil may nakakausap siya at hindi niya masyadong naiisip ang iba pa niyang problema. Maliban na lamang kay Gail na kahit anong gawin niya ay nasa puso't isipan niya ito.

9:31AM - Lipa, Batangas

Pagkatapos magshower ni Gail, ay bumaba na ito para mag-almusal. Pagkadating niya sa may dining room ay nakita niya si Migs na nakaupo at nagbabasa ng diyaryo. Hindi niya alam kung didiretso ba ito sa lamesa o sa may kitchen na lang siya magkakape. Dahan-dahan ito naglakad papuntang kitchen nang biglang..
"Abi, kain tayo." saad ni Migs.
Ngayon na lang ulit siya natawag na Abi. Hindi ito sanay sa ganoong palayaw dahil lagi siya tinatawag na Gail.
"Oo sige. Magtitimpla lang ako ng kape." sagot ni Gail.
"Huwag na. Ipinagtimpla na kita ng kape. Tikman mo kapeng barako namin dito sa Batangas." saad ni Migs habang patuloy pa din ito sa pagbabasa ng diyaryo.
Wala nang nagawa si Gail kundi lumapit at umupo sa lamesa.
"Para saan naman ito at bakit mo ako ipinagtimpla?" mahinang saad ni Gail.
"Wala lang. Para quits-quits na tayo." sabay kindat sa magandang babae. Ibinaba na ni Migs ang binabasang diyaryo at nagsimulang kumain ng agahan.
Napalunok naman si Gail nang makindatan siya ni Migs at maya-maya pa ay kinuha niya ang kanyang tinidor para kumuha ng ulam.
"Nag-enjoy ka ba?" saad ni Migs.
Patusok na sana si Gail sa isang hotdog nang bigla itong mataranta sa tanong ni Migs.
"huh? N-nag enjoy sa-an? Sa ano?" saad ni Gail sabay lunok sa kanyang laway.
"Saan pa? Edi sa bago mong kuwarto." nakangiting saad ni Migs.
"Ahhhh. Hah! Eh okay naman. Ayos naman. Aprub" tulirong sagot ni Gail at tuluyan na niyang tinusok ang hotdog.
"Good! Buti naman nag enjoy ka." saad ni Migs na tila may nais ipahiwatig.
Hindi na lamang siya pinansin ni Gail at kinagat ang hotdog. Nakatingin naman si Migs sa kanya habang kumakain.
"Siya nga pala Migs, sorry ha." saad ni Gail.
"huh? Yun ba? Ah eh, naku wala yun. Sanay naman na ako sa ganun. Lagi naman ako nakikitang naka ganun." nakangiting sagot ni Migs.
"huh? Ano yun?" tanong ni Gail.
"Yun. Yung kanina diba." saad ni Migs.
Namula naman si Gail sa sinabi ni Migs at pinaalala pa nito ang nangyari kanina.
"What I'm saying is, yung kahapon. Sorry kung hinarangan pa kita umakyat. Yun pala bahay niyo ito." nakayukong saad ni Gail.
Nanlaki ang mata ni Migs dahil napahiya ito sa sinabi niya sa magandang babae.
"Ah yun ba? Sorry, este, ayos lang yun. Wala yun." saad ni Migs at dirediretsong sumubo ng kanin at ulam.
Ilang minutong katahimikan at walang kibuan. Hanggang natapos na sila kumain ng agahan.
"Oo nga pala Migs, di ba sabi mo bibisitahin mo mommy mo? Saan ba siya nakatira? Malapit lang ba dito?" paguusisa ni Gail.
Pansamantalang natigilan ang binata, sabay inom ng kape.
"May lakad ka ba? O may gagawin ka ngayon? Tanong ni Migs kay Gail.
"Wala naman. Bakit?" sagot ng babae habang inuubos ang kape.
"Samahan mo naman ako. Sama ka sa akin, bisitahin ko si mommy." saad ni Migs at tila kinukumbinsi si Gail para samahan siya.
"Sige okay lang. Para makapamasyal din." nakangiting sagot ni Gail.

11:30AM - Hospital

Sinamahan ni Dess si Anthony sa hospital para magpa-chemo. Siya na lang din ang nagdrive para marelax at maging ready si Anthony sa gagawin niya mamaya.
Habang nasa parking lot..
"Dess, salamat ha. Laking abala ko sayo."
"Sira. Ako naman nag-insist di ba. Wala iyon."
"Kahit na. Baka kasi magsawa ka."
"Itigil mo na yang dramarama sa umaga."
"Hehe."
"Magpagaling ka. Kahit yun na lang bayad mo."
"Okay. Oo nga pala, kamusta na tatay mo? Baka mas kailangan ka niya."
"Bukas pa ang chemo schedule nun. Tsaka kasama nun si mama. Kaya huwag ka mag-alala."
"Ah okay. Sige aakyat na ako. Kung gusto mo na umuwi okay lang. Huwag mo na ako hintayin."
"Hindi. Hihintayin kita. Huwag mo ako aalalahanin. Sige na akyat ka na."
"Sigurado ka?"
"Opo." nakangiting saad ni Dess kay Anthony. Ang ngiting iyon ng dalaga ang assurance ni Anthony na okay lang si Dess na mag-antay at ipagdrive siya mamaya pauwi.

12:30PM - Malvar, Batangas

Masayang nagkuwentuhan sina Migs at Gail habang nasa biyahe. Nagpatugtog pa ang binata ng mga gustong kanta ng magandang babae. Ngayon lang ulet nagkakalapit at nagkakakilanlan ang dalawa at labis ang tuwang nadarama ni Migs. Pakiramdam niya ay ngayon na lang ulet siya tumawa ng malakas sa napakatagal na panahon.
Maya-maya ay tumigil sila sa isang memorial park. May dinaanan din silang bulaklak at kandila bago pumasok doon. Pagkababa nila ng kotse ay napapaisip si Gail sa kanilang dadalawin. Medyo malayo ang kanilang nilakad hanggang narating nila ang puntod ng isang nagngangalang Anita Lumen Reyes Go. Tumabi na lamang siya at pinanood si Migs na magsindi ng kandila at nilapag ang dalang bulaklak sa gitna. Itinabi naman ni Migs ang mga lantang bulaklak sa isang lugar at binunot ang ibang mga damo sa gilid ng puntod. Tumayo na muli si Migs at lumapit kay Gail. Tumingin sa kanya si Gail at nakita nitong nakapikit ang binata at taimtim na nagdadasal. Yumuko na lamang din siya at nagdasal.
"Salamat Abi at sinamahan mo akong bisitahin si mommy. Mi, si Abi po. Kaibigan ko." saad ni Migs habang pinapakilala ang mommy niya kay Gail.
"Hi po." sagot ni Gail. Hindi niya alam kung anong gagawin. Tumingin sa kanya si Migs at natawa ng mahina.
"Sorry ha, pero ano kinamatay niya?"
"Cancer sa ovary."
"Ahh ganun ba? Sorry ulet."
"Matagal niyang pinaglabanan ang sakit na yan. Ako lang nasa tabi niya."
"Eh ang daddy mo?"
"Ayun, nasa piling ng ibang babae ang gago. Sorry mommy. Galit ako sa Daddy. Iniwan niya si mommy nung nalamang may sakit. Gago yun eh. Hindi na lang siya ang namatay."
Napayuko na lang si Gail sa mga narinig kay Migs. At naramdaman niya ang galit na nasa puso ng binata.
"Si mommy, mahal ko yan. Siya ang unang fan ko bilang artist. Lahat ng gawa ko tinatago niyan. Siya pa nagencourage sa akin na gumawa ng gallery o gumawa ng exhibit."
"Ahh bait pala ng mommy mo."
"Oo naman. Kaso binigo ko siya. Binigo ko lahat ng tao sa paligid ko. Hayyyy. Ayoko na." saad ni Migs habang nakayuko at sinisipa ang isang batong nakakalat sa lupa.
"Eto naman. Iniisip na bigo agad. Ang bata-bata mo pa. Di ba mommy, bata pa si Migs at marami pa siyang puwedeng patunayan?" saad ni Gail na tila kinakausap ng harapan ang mommy ng binata. Napatingin na lang si Migs sa kanya at nagulat sa nadinig mula kay Gail.
"Hayaan niyo mommy, isusumbong ko lahat sa inyo ang mga kalokohan ni Migs hanggang hindi siya tumitino." saad ni Gail sabay kindat kay Migs.
Natawa at napakamot na lang sa ulo ang binata. Nakita niya kung gaano ka-positibo si Gail at tila hinihikayat pa siyang magbago. Ang ngiting nakita niya sa magandang babae na lalong nagpapahulog sa kanyang kalooban.
"Tara na, buka sumagot pa si mommy sayo. Mi, alis na kami. Mahal na mahal kita mommy." saad ni Migs sabay punas sa mata at hindi niya napigilang lumuha.
"Oh mommy oh, umiiyak si Migs. Nako!" pabirong saad ni Gail.
"Siya na bahala sa akin mommy." saad ni Migs.
Nabigla si Gail sa nadinig at parang na on-the-spot siya sa nangyari. Hindi na lamang siya kumibo at nagsimulang maglakad papalayo. Nilingon naman siya ni Migs at sabay hablot at hawak sa kamay ni Gail. Hindi na nakapalag ang magandang babae at mabilis silang naglalakad papuntang sasakyan. Napakatindi at napakabilis ng tibok ng puso ni Gail habang hawak ang kamay ni Migs. Hindi ito lumilingon sa kanya at tanging likuran lamang ng binata ang kanyang nakikita.
"Punta tayong Tagaytay. Mageenjoy tayo." saad ni Migs at sinimulang paandarin ang kotse. Ngumiti na lamang si Gail bilang tugon at agad itong tumingin sa labas dahil sa dami ng gumugulo sa kanyang puso at isipan.

5:38PM - New Manila

Makalipas ang ilang oras ay nakabalik na din sa bahay sina Anthony at Dess galing hospital dahil sa naka-schedule na chemo session. Pagkapasok ng bahay ay nagsabi si Dess na ipagluluto na din niya ng hapunan si Anthony bago siya umuwi. Hindi na rin napigilan ang dalaga sa gusto nitong gawin kaya hinayaan na lamang niya ito. Dumiretso na lamang si Anthony sa kanyang kuwarto at nahiga.
Pagkatapos magluto ni Dess ay nagpaalam ito kay Anthony na maliligo muna siya bago sila kumain. Pagkapayag ni Anthony ay tila napaisip siya dahil may babaeng naliligo sa kanilang banyo maliban sa kaniya asawa. Hanggang sa naglaro na ang maduming isip ni Anthony. Iniimagine niya si Gail ang naliligo at nagreready na bago sila magromansahan. Ipinasok ni Anthony ang kanyang kanang kamay sa loob ng suot na jogging pants at hinimas ang medyo matigas na niyang ari. Kahit nanghihina pa siya ay buo ang loob nitong magpalabas. Napapapikit na si Anthony at tuluyang nagpakasarap sa kanyang ginagawa.
Maya-maya sa pagdilat niya ay hindi niya namalayan si Dess na pumasok sa kuwarto niya para tawaging kumain. Nataranta si Anthony at biglang pasok ng alaga nito sa loob ulit ng jogging pants. Dahan-dahang nilapitan siya ni Dess.
"Hayaan mong ako na ang gumawa."
"Huwag Dess. Hindi maaari."
"Okay lang sa akin Anthony. Hayaan mo ako." saad ni Dess sabay lagay ng palad sa gitnang bahagi ng jogging pants ng lalaki. Napaunat si Anthony sa ginawa ni Dess at hindi na niya napigilan ang mga sumunod na nangyari. Tuluyan na siyang naakit ng dalaga at pinainit nang kanyang seksing katawan. Hindi nagkanda-tuto si Anthony sa lusog ng mga dibdib ni Dess habang hawak niya ito.
Maya-maya ay nagsimula nang gumala ang kamay ni Dess sa buong katawan ng lalaki.
"Dess huwag. Mali ito." saad ni Anthony ngunit tila nagbingi-bingihan ang babae at patuloy pa rin ito sa ginagawang pagpapaligaya.
Tuluyan nang nawal sa sarili si Anthony at bumigay na rin siya sa tawag ng laman. Ilang oras din sila nagkaniig ng dalaga at naghalo ang kanilang mga pawis, matitinding paghabol sa kanilang hininga at kakaibang ligaya habang magkadikit ang kanilang katawan.
Ilang saglit lang at sumabog na sa kaligayahan ang lalaki marahil sa matagal na itong hindi nakikipagtalik sa asawa at nabaling na lamang sa tuksong sinapit niya kay Dess.
Pakalipas ng ilang oras, ay humiga na si Dess sa tabi ni Anthony. Yumakap ito ng mahigpit. Samantalang si Anthony ay hinang-hina sa mga nangyari hanggang sa nakatulog ito ng saglit.
8:18PM – New Manila
Naalimpungatan si Anthony dahil bigla itong inubo. Namalayan niyang may nakayakap sa kanyang babae. Naaalala ang nangyari at tila nabagabag siya. Tumingin sa kanya si Dess, sabay bangon at naupo sa tabi ni Anthony. Yumakap ito sa lalaki.
"Mali ito. Hindi puwede ito." umalis siya sa pagkakayakap kay Dess at umupo sa dulo ng kama.
"I'm sorry. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ito."
"Hindi mo kailangang humingi ng sorry kasi ginusto ko din ito."
"No. Mali ito. I took advantage of you."
"I did. I took advantage of the situation."
"Mahal ko ang asawa ko. I'm sorry. This should not happen again."
"Wala siya sa tabi mo. Ako ang nandito."
"Hindi tama ang ginagawa niya. Pero mali ang ginawa ko. Dess, kasalanan ito. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si Gail. Patawarin mo ako."
"Mali na kung mali Anthony. Nasasaktan ako kasi gusto kita. Kasi mahal kita."
"I'm sorry kung nasasaktan ka. Mas lalo kang masasktan kung magpapatuloy ito. Kung magkikita pa tayo ulet. I hate to tell you this, but you have to stop loving me. I'm a married man and you deserve better."








Chasing Pavements by Adele



---------------------------------------------------------------------------------
EPILOGUE

Habang nasa Tagaytay, masayang masaya si Migs dahil sa wakas ay kasama niya ang isang babae na sa tingin niya ay magpapabago sa kanyang buhay. Tuluyan na siyang nahulog kay Gail.
Habang nasa banyo, walang tigil si Anthony sa pagsisisi niya sa ginawang kasalanan at nadala siya sa tukso ng laman. Tuluyan na siyang nahuhulog sa isang madilim na lugar at pakiramdam niya ay hindi na siya makakaahon pa.
Ang simula ng pagtumba at pagbagsak ng isang relasyong patuloy na nagugulo, at ang hangganan nito'y hindi pa matiyak kung matutuluyan sa pagkasira at hindi na makakaahon pa.


END OF CHAPTER 4.

Itutuloy..