Friday, 17 August 2012

Chapter 3 : Cold Winter





Maagang nagising si Gail at tila hirap pa siyang bumangon dahil sa sakit ng kanyang ulo. Hindi na din niya namalayang sa sahig na siya nakaidlip dahil sa sobrang kalasingan at napangiti na lang ito sa kanyang sarili. Hindi na sanay ang kanyang katawan na gumimik katulad noong nasa college pa siya. Ngunit sa loob-loob niya, nag-enjoy din naman siya kahit papaano kagabi kaya’t wala siyang dapat pagsisisihan.
Bigla niyang naalala ang lalaking humalik sa kanya sa parking lot. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sariwa pa sa kanyang isipan ang itsura ng lalaking iyon. Yun na marahil ang kanyang dapat pagsisihan sa mga nangyari kagabi. Naisip niyang hindi na dapat ito maulit pa, dahil kasal pa din siya at may nagaantay pa siyang asawa sa Manila.
Agad itong bumangon sa pagkakahiga at sabay silip sa kanyang cellphone para tignan ang oras. 5:05AM. Medyo maaga pa, kung kaya’t napagpasiyahan niya na lamang mag jogging. Agad itong nagtungo sa banyo para magshower at pagkatapos noon ay nagbihis ito ng shorts at t-shirt, at nagsuot din siya ng manipis na jacket. Dinala niya ang kanyang iPod para may mapapapkinggan siya habang tumatakbo. 
Medyo madilim pa din ang kalsada ngunit hindi naman nakakatakot mag-jogging dahil may mga street lights naman at may mga tao ding kasalukuyang nagjojogging. Agad na inilagay ni Gail ang kanyang earphones  at tumakbo papalayo sa rest house. Buo ang loob niyang libutin ang village at ienjoy ang magandang tanawin ng probinsya at ng mga naglalakihang mansiyon.
Makalipas ang mahigit isang oras, tumakbo si Gail pabalik ng rest house.  Napansin niya ang isang itim na kotse na naka-park malapit sa kanyang tinutuluyan. Nang bubuksan na niya ang gate, bigla niyang napansin ang isang lalaking natutulog ng nakaupo sa may poste ng gate. Tinanggal nito ang earphones na nakakabit sa kanyang tenga at nilapitan ang lalaking iyon. Inusisa niya ito at tinitignan niya ang mukha ng lalaki na parang nakikilala niya. Iniisip niya kung buhay pa ba ito o natutulog lang. Inaabot ng kanyang kaliwang paa ang bandang binti ng lalaki upang subukang gisingin, ngunit wala pa rin itong reaksiyon. Kung kaya’t nilakasan ni Gail ang pagsipa sa bandang baywang ng lalaki upang ito ay magising, nang bigla itong tumumba patagilid at tuluyang napahiga sa lupa. Maya-maya pa ay naalimpungatan ang lalaki dahil sa pagkakahiga nito at dahan-dahang bumangon. Sinusubukan niyang buklatin ang kanyang mga mata, na medyo nasisislaw sa liwanag, upang tignan kung sino ang taong gumising sa kanya.  Pagtingin niya sa kanyang gawing kanan ay may nakatayong babae. Naaninag niya ang isang maganda at maputing babae. Samantalang takot na takot naman si Gail dahil napalakas niya yata ang pagsipa dito kung kaya’t  nagising niya ang lalaki.
Nagkatinginan sila Migs at Gail. Ilang segundong katahimikan at titigan. Na para bang bigla silang nabuhusan ng tubig dahil muli silang nagkita…pagkatapos ng gabing iyon.

“Ikaw?!” 

CHAPTER 3 – Cold Winter

Napagpasiyahan naman ni Gail na papasukin si Migs sa rest house at inaya pa nito na mag breakfast.  Tila nakokonsensya siya sa pagsipa sa lalaki at baka nasaktan pa ito sa kanyang ginawa.
“Small world after all.”
“Ewan ko ba kung anong ginagawa mo dito.”
“Ewan ko din. Basta ako kailangan ko lang bisitahin ang mommy ko.”
Biglang Napatingin si Gail kay Migs.  “Hmmm. Hindi naman kaya sinundan mo ako kagabi?” saad ni Gail.
“I never do that.” Sagot ni Migs.
“Kahit kalian hindi ako naging stalker. Kahit pa gusto ko yung babae. Sila pa ata gumagawa nun sa akin.”
“Wow. Talaga?”
“Yeap!” pagmamalaki ni Migs.
“I think nagkamali ako na patuluyin ka sa bahay. Ang yabang mo din pala ano?” Saad ni Gail.
Ngumiti na lamng si Migs sa tilang napipikon nang si Gail. Pumuntang kusina si Gail para kunin ang toasted bread. Nagluto din ito ng sunny-side-up egg, ham at inilabas din niya ang cheese spread.
“Coffee?” Tanong ni Gail.
“Tea?” Muling tanong ni Gail.
“Juice? “ Dagdag ni Gail.
Nakatitig lang sa kanya si Migs at nakangiti. Inayos nito ang pagkakaupo at hinila ang upuan papalapit sa lamesa para lalong malapitan si Gail. Nakatingin na din sa kanya ang babae na tila hindi kumportable sa pagtitig ni Migs.
“Mas maganda ka pala kung walang make-up. Yung ganyan lang.” nakangiting saad ni Migs.
“Okay, Water na lang. Sayang ipagtitimpla pa naman sana kita.” Inis na sagot ni Gail.
“Haha. Sige coffee…please?” saad ni Migs.
Hindi pa rin nilubayan ni Migs ng titig si Gail. Napakaganda naman kasi ng babae, lalo na sa ayos niya. Seksi siyang tignan sa kanyang suot na shorts at simpleng t-shirt.
“Okay, coffee. “
“Thanks.”
“May dumi ba sa mukha ko?”
“Wala naman. Bakit?”
“Ahh. Kasi feeling ko meron eh.”
“Hehe. Wala, ganda mo nga eh.”
“Oh heto na coffee mo. Ikaw na maglagay ng asukal, creamer at coffee na din.”
“Oh! Akala ko ba ipagtitimpla mo ako.”
“Ahh.. Sorry po ha. Nawalan na po kasi ako ng gana eh.” Saad ni Gail na naasar dahil sa pagtitig ni Migs.
“Ganun? Akala ko pa naman.”
“Madaming namatay sa maling akala…po! And please, huwag na kayo tumititg sa akin…po!”
“Ahh okay I get it. Sorry na. I just can’t help it. I just can’t take my eyes off you.”
“Can’t take my eyes off you?! Dukutin ko kaya yang mata mo.”
“Haha. Huwag naman. Sorry na. Oh ayan hindi na ako titingin sa iyo.” Saad ni Migs.
“Thank you. Well appreciated.” Saad ni Gail at sabay kinuha muli ang tasa ni Migs at ipinagtimpla na niya ito ng kape. Panay naman ang sulyap ni Migs sa kanya at natatawa pa ito dahil nahuhuli pa din siyang tumitingin sa kanya.
“Oh! Heto na kape mo sir.”
“Thanks!” Nakangiting saad ni Migs. Kumuha na din siya ng tinapay at ham, at tahimik na kumain. Si Gail naman ang pasimpleng tumitingin sa kanya. Nabibigla pa din siya sa pagkakataong kaharap niya ang lalaking nakilala lang niya kagabi.

8:45AM New Manila

Nagising naman si Anthony dahil may taong kumakatok at nagdodoorbell. Hirap pa siyang bumangon at tila nagtataka ito kung bakit siya nakahiga sa sahig ng kanilang sala. Napansin din niya ang mga gamot na naka-kalat sa sahig. Hinang-hina siyang naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan ang taong kanina pang kumakatok.
“Oh! Dess, ikaw pala. Pasok ka.”
“Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawagan eh. Kagabi kasi bigla ka na lang nawala sa kabilang line.”
“Ah. Oo okay lang ako.” Mahinang sagot ni Anthony sa dalaga.
Pagpunta nila sa sala, nakita ni Dess ang mga nakakalat na gamot sa sahig.
“Jesus. Anong nangyari dito? Okay ka lang ba talaga ha?” saad ni Dess habang dindampot ang mga gamot at binabalik sa isang container at ang iba naman ay sa bote.
“I think you are not okay Anthony. Ano na lang ang mangyayari sa iyo niyan. Paano na lang kung bigla ka na lang himatayin ulet at tumama ang ulo mo sa sahig?” pag-aalalang sambit ni Dess.
“I can take care of myself. Buhay pa naman ako di ba? So you don’t need to worry.” Saad ni Anthony.
“No it’s not okay.” Saad ni Dess.
“It should be okay. May choice ba ako? Wala akong choice Dess! For god damn reason wala akong choice but to take good care of myself..All by myself! Alone! “ Galit na saad ni Anthony. Agad naman siyang umubo ng tuloy-tuloy. Nilapitan siya ni Dess at binigyan ng tubig.
“You had a choice Anthony. Bakit mo ginagawa sa sarili mo ito? You don’t deserve this.”
“Then what would by my option? Wala na sa tabi ko ang asawa ko. Wala si Gail. And I don’t know where the hell she is right now. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin.” Saad ni Anthony habang may luhang tumulo sa kanyang mga mata.
“I am here for you Anthony. I know how you feel.” Sabay yakap ni Dess kay Anthony. Naawa siya sa kalagayan nito dahil walang nagaalaga sa kanya, lalo na at kinakailangan niya ito sa mga panahong iyon.

9:00AM – Lipa, Batangas

“Thanks sa breakfast. Nabusog talaga ako.”
“You’re welcome. Ingat ka na lang sa biyahe mo. And please close the door when you leave. Pati pala yung gate. Okay?” Nakangiting saad ni Gail.
“O..kay.” Saad ni Migs sabay labas ng resthouse.
Nagsimulang ligpitin ni Gail ang pinagkainan nila ni Migs. Dinala niya ito sa kusina upang hugasan. Nahihiya na din kasi siyang i-asa sa katiwala ng bahay ang mga hugasin kung kaya’t nagkusa na lamang siyang gawin ito. Pagkatapos nito ay dinala niya ang kanyang kape at aakyat na sana siya sa kanyang kuwarto, nang bigla niyang nakasalubong si Migs na may hawak na bag.
“Oh! Naandito ka pa pala? At bakit bitbit mo yang bag mo?” pagtataka ni Gail.
“Aakyat na ako.” Sagot ni Migs
“Woah! Wait a minute. Aakyat ka saan? I don’t get it.”
“Aakyat na ako sa kuwarto ko. I need to rest. Matutulog siguro ako ng ilang oras. Sakit na ng mata ko.”
“Kuwarto mo? Hibang ka ba? Hindi porket nag breakfast ka dito, eh dito ka na din matutulog.”
“Of course dito ako matutulog. Kaya padaan na at aakyat na ako.” Saad ni Migs.
Umakyat na si Migs at sinusundan siya ni Gail. Bakas sa mukha ni Gail ang pagkagulat at pagkalito sa ikinikilos ni Migs. Maya-maya pa ay huminto si Migs sa pinto na malapit sa may hagdanan.
“Oooops! What are you doing? That’s my room.” Saad ni Gail habang naka-block siya si pintuan ng kuwarto.
“Anong sinasabi mo? Kuwarto ko ito. Kaya dito ako matutulog.”
“Alam ko. Tatawag ako ng pulis. Ang weird weird mo. Nakakatakot ka na. MANONG! Tulungan niyo ako!” sigaw ni Gail dahil sa takot.
“Sinong manong? Si Ben? Sige tawagin mo kung gusto mo. Tumabi ka na diyan miss at inaantok na ako.”
“Hindi ka puwedeng pumasok dito dahil kuwarto ko ito? Okay? Naiintindihan mo ba? Madami pang kuwarto dito. Doon ka sa dulo o kaya sa third floor. MANOOOOONG!”
Ngumiti si Migs kay Gail at natatawa ito sa mga nangyayari.
“This is my room. I can prove it to you.” Saad ni Migs.
“Sige nga! Para mapahiya ka. At pag hindi mo napatunayan, lilipat ka na ng room. Ay! Hindi pala! Aaalis ka na ng bahay na ito!” sagot ni Gail.
“Hmm.. Paano ba? Yung study table ko nakaharap siya sa bintana facing the golf course.” Saad ni Migs.
“Eeeeeennnnnkkk! Mali ka! Walang study table diyan! Huh! 1 point na ako. Hanggang 3 points lang ha!”
“So tinanggal na pala nila study table ko. Hindi ko alam yun ah!”
Napakamot na lamang sa ulo si Migs. Nagiisip pa siya ng puwede sabihin kay Gail para patunayan ang sarili.
“Ah alam ko na! May cabinet ako diyan na color orange. Nandoon lahat ng mga projects ko nung nag-aaral pa ako! Color Orange na Cabinet!”
“Ahhhhhh yung color orange na cabinet!!” saad ni Gail. “EEEEEEENNNNNNNKKKKKKK!! Mali ka pa din. 2 points na ako. Haha! Dali na isip ka pa para bingo ka na!” biro ni Gail. Masaya ito dahil nakakadalawang mali na si Migs.
“Ayos ah! Pati yung cabinet nay un tinanggal nila? Hmmm.” Nagiisip muli si Migs para sa kanyang huling alas upang mapatunayang sa kanya ang kuwartong tinutulugan ni Gail.
“Ahhh alam ko na. Hehe.” Napapangiting saad ni Migs.
“Go! Sabihin mo na! Para matapos na ito!” saad ni Gail habang lalong itinaas ang kamay pahalang sa pinto.
“Bakit hindi ko agad naisip yun?!” Saad ni Migs kasabay ng isang malalim na buntong-hininga.
“Ano nga?? Bilisan mo at nangangawit na ako!” saad ni Gail habang nakapamaywang.
“May painting diyan. Sa loob ng kuwarto. The Antagonist ang title. Pininta…ni Cold Winter.” Saad ni Migs habang nakatingin sa mga mata ni Gail.
Biglang naibaba ni Gail ang kanina pang nakataas at nakaharang na kamay sa may pintuan. Nagulat siya dahil alam nito ang painting na matagal na niyang tinititigan. “Alam mo yun?” saad ni Gail.
“Oo naman. Siyempre alam ko yun.”  Saad ni Migs at dahan dahang lumapit kay Gail. Inilapit nito ang kanyang mukha sa babae at tumitig muli sa mga mata.
“B-Bakit Alam mo yun?” Nangangatal na sagot ni Gail habang umiiwas sa mga tingin ni Migs.
“Alam ko yun. Alam ko kung paano iyon ginawa, iginuhit, tinapos. Alam ko yun. Dahil ako ang gumuhit nun.” Saad ni Migs.
Nanlaki ang mga mata ni Gail sa narinig. Nagulat siya sa mga sinabi ni Migs sa kanya. “I-Ikaw? Ikaw si Cold Winter?” tanong niya.
Sinagot na lamang siya ng ngiti ng lalaki. Binuhat muli ang kanyang bag at binuksan ang pintuan ng kuwarto. Pagbukas nito ay agad hinanap ang painting na nakakabit sa dingding. Tinitigan niya ito at tila nanginginig siya na muling nasilayan kanyang nilikha.
“Sa dinami-dami nang dapat matagal nang itinapon sa kuwartong ito, ito pa talaga ang itinira nila. Basura!” saad ni Migs habang may gumigilid na luha sa kanyang mata. Tinanggal niya ito sa pagkakasabit at akmang ihahampas sa sahig nang biglang pinigilan siya ni Gail at nahawakan nito ang kabilang dulo.
“Huwag! Anong ginagawa mo?” Saad ni Gail.
“Ito ang dahilan kung bakit ako umalis sa lugar na ito. Ang mga paintings na tulad nito ang sumira sa lahat ng mga pangarap ko. At ikaw. Ikaw ang nagpabalik sa akin sa lugar na ito dahil sa Cold Winter na yan! Anong karapatan mo para gamitin ang pangalang matagal ko nang kinasusuklaman?” Saad ni Migs habang patuloy siya sa paghawak sa painting na gusto niyang sirain.
 “Bitiwan mo!”
“Ayoko! Please huwag mong sirain.”
“Akin na. Sabing bitiwan mo!” saad ni Migs habang pilit na kinukuha ang painting kay Gail.
Niyakap naman ni Gail ang painting na hawak ni Migs para hindi na niya ito tuluyang masira.
“Huwag mong sirain please? Aalis ako kung yan ang gusto mo. Iwan mo lang ang painting na ito nang buo.”
Walang nagawa si Migs at naisip nitong masasaktan si Gail kung ipipilit niya pang agawin ang painting. Binitawan na lamang niya ito at umupo sa dulo ng kama.
Sinundan ng tingin ni Gail si Migs at maya-maya pa ay tumayo ito upang itabi ang painting. Nakita niya ang labis na pag-iyak ni Migs habang nakaupo sa kama. Nilapitan niya ito at bigla na lamang niyakap.
Yumakap ng mahigpit si Migs kay Gail. Hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak.
Maya-maya’y kumalas sa pagkakayakap si Migs at hinalikan sa labi ang babae. Hindi na nakaiwas si Gail sa nangyari. At sa pagkabigla nito ay napayuko na lamang siya.
“Sorry kung ginamit ko yung pangalan na yun. Sorry kung apektado ako sa painting mo. Naging mahalaga din ito sa akin lalo na sa pag-iisa ko.” Saad ni Gail.
Hinawakan ni Migs ang kanyang baba at inangat ang magandang mukha ni Gail. Pinunasan nito ang mga luha niya at hinalikan siya muli ni Migs. Lumaban na din ng halik si Gail at hindi na niya nakontrol ang sarili. Nawala na din siya sa kanyang sarili kung kaya’t nagpaubaya na lamang siya kay Migs.
Ibang init ang nadama ni Gail sa bawat halik at haplos ni Migs sa kanya. Pakiramdam na matagal na niyang hindi nadarama kay Anthony.
Alam ni Gail na bawal ang kanyang ginagawa ngunit nawalan na siya ng control sa kanyang sarili. Mali man ito sa tingin ng iba, ngunit ang nadarama niya ngayon ay hindi na niya mapipigilan pa.
Maya-maya ay gumapang na ang kamay ni Migs papunta sa kanyang dibdib. Tila nanginig ang buong katawan ni Gail at pinigilan ang mga kamay ng binata.
“Huwag. Please huwag mong gawin ito. Hindi puwede.” Biglang tumayo si Gail, binitbit ang painting at dali-daling umalis sa kuwarto ni Migs.

Dumiretso ito sa dulong kwarto ng second floor. Nakatulala at iniisip niya ang mga nagyari sa kanila ni Migs. Akala niya’y tuluyan nang bibigay siya sa kagustuhan ng binata. Nadala din siya ng kanyang emosiyon at tila nagustuhan din niya ang mga halik sa kanya ni Migs.
Ibababa na sana niya ang painting nang biglang may kumatok sa kanyang kuwarto. Bumilis muli ang kabog sa dibdib ni Gail at agad binuksan ang pinto.
“I think this belongs to you.” Saad ni Migs habang bitbit ang maleta ni Gail. Dinala ni Migs ito sa kuwarto niya.
“S-Salamat.” Nakayukong sambit ni Gail habang inaabot ang dalang maleta.
 “Okay ka lang ba?” pagusisa ni Migs. Tila nag-aalala sa magandang babae.
“Ayos lang ako. Ikaw? Okay ka na ba?” saad ni Gail sabay tingin sa mga mata ni binata.
“Oo. Okay na ako.” Mahinang sagot ni Migs. Ngumiti na siya kay Gail at bumalik na muli ang maamo niyang mukha.
Napansin ni Migs na ibang-iba ang ikinikilos niya sa tuwing kasama niya si Gail. Kahit pareho silang estranghero sa isa’t isa, tila matagal na silang magkakilala. May kakaibang saya siyang nadarama at may pag-aalalang ngayon lang ulit niya naibabahagi sa isang babae.








Yellow by Coldplay

-----------------------------------------------------------------------------------
EPILOGUE

Naglalakad na siyang papalayo sa kuwarto ni Gail, nang bigla siyang lumingon ulit at nagtanong sa kanya.
“So, malamang hindi Cold Winter ang pangalan mo.”
“Hmmm. Puwede. Puwedeng oo at Puwedeng hindi.”
“Hindi puwede iyon! Madaya ka. Alam mo na pangalan ko eh hindi ba?” sagot ni Migs.
“Nakalimutan ko na.”saad ni Gail.
Napakamot sa ulo ang binata at lumapit muli kay Gail.
 “Okay sige ulitin natin.. Hello miss, ako nga pala si Miguel. But you can call me Migs. Ikaw, anong pangalan mo? Nakangiti at nakatitig sa mga mata ni Gail.
Tila kinikilig si Gail sa tuwing tumititig sa kanya si Migs.
“Abigail.” Maikling sagot ni Gail.

END OF CHAPTER 3

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment