Wednesday, 29 August 2012

Chapter 5 : Up All Night






“Anong pangalan mo?”
“Migs. Migs po.”
“Ahh Migs. Gwapo niya ano? ”
“Hindi naman po. Sakto lang.”
“Wow humble. Yan ang dapat na ugali ng mga pogi. Yung humble pero siyempre may konting angas. Tignan nyo itong si Migs. Hindi ba? Saktong angas pero hindi hambog. “
“Hindi naman po. Hehe.”
“May girlfriend? “
“Wala po, sa ngayon. “
“May boyfriend? “
“Huh? Lalong wala po. “
“Kasi uso ngayon yan. Hehe. Kaya hirap ngayon humanap ang babae ng mabait na lalaki, kasi madalas ang mga lalaking ito kapiling na ng mga guwapong lalaki. Haha. “
Sabay tawa ng mga nanonood sa pabirong saad ng stand-up comedian kay Migs. Nagsimulang pagpawisan si Migs sa mga sinasabi sa kanya at namumula ito sa kahihiyan. Panay ang tingin sa taong nakaupo sa may gawing kanan ng bar.
“Walang girlfriend. Walang boyfriend. Hmmm… Pwede! Anong size ng rubber shoes  mo at anong kulay ang gusto mo? “ Nagtawanan muli ang audience sa banat ng comedian na tila nagpapahiwatig na may gusto ito dito.
“Size 11 po. “
“Wow! Laki ng paa. Alam mo ba kung ano ibig sabihin nun?”
“Opo. Malaki po yung ano.” Sabay turo ni Migs sa kanyang ibaba.
“Hoy!! Bastos ka! Ibig sabihin nun malaki din ang medyas! Ikaw ha!!”
Sabay-sabay na naghalakhakan ang mga tao sa loob ng bar. Napapailing na lang si Migs at natatawa. Game na game naman siya sa kahit anong joke ng bading na comedian. Habang nasa entablado, ay pilit nitong hinahanap ang kasama na nakaupo sa bandang dulo. Ngunit hindi niya ito makita sa sobrang liwanag ng ilaw na nakatutok sa stage.
“Hay naku! Sige na nga kumanta ka na lang. Kantahan mo na lang kami. “
“Sige po. “
“Kanino mo naman idededicate itong kanta mo? “ Malambing na saad ng stand-up comedian kay Migs na tila nagpaparinig na sa kanya idedicate ang aawitin.
“Sa kasama ko po. “
“May kasama ka pala. Asan diyan? “
Tinuro ni Migs ang gawing kanan ng bar at kahit hindi niya ito lubusang makita ay kumuway ito sa kasama. Maya-maya ay tumapat ang ilaw sa lamesa ng kanyang kasama.
“At may kasama ka palang babae. Akala ko wala kang girlfriend? Niloloko mo ako. I hate you na! Break na tayo. “ Pabirong umarte ito kay Migs habang nakatalikod sa binata.
“Wala po akong girlfriend. “ Saad ni Migs habang naka-smile sa kasama niyang nakaupo.
“Sino siya? Anong pangalan niya? Bakit mo siya kasama?”
“Si Gail po.”
“Gail? Infairness maganda siya ha. Makinis. Flawless. No wonder pinagpalit mo ako.”
“Special friend ko po siya. “
Sabay-sabay na nag-react ang audience at tinutukso ang dalawa.
“Oh sige na nga, kumanta ka na lang. Kantahan mo na lang siya. “
“Okay po. Gail, this is for you. “ Saad ni Migs sabay ngiti kay Gail.
Nakatingin lang si Gail kay Migs at kinakabahan sa ginagawa ng binata. Hindi niya akalain na tototohanin nito na kakanta siya sa harap para sa kanya.
“Go!” hudyat ng stand-up comedian, upang patugtugin na ang kantang aawitin ni Migs.
Biglang kinabahan si Migs at napahigpit ang kapit sa microphone.


Input Number:
5 6 6 8 9

Ikaw Lang Ang Aking Mahal
Sung by:  Brownman Revival
Written by: VST & Co.

“ Itanong mo sa akin, kung sino'ng aking mahal.
 Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal.
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
Isa lang ang damdamin
Ikaw and aking mahal
Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw
Ikaw ang aking mahal...
Ikaw ang aking mahal...
Ikaw ang aking mahal… “



Chapter 5:

Up All Night


11:45PM  Bar & Restaurant along Aguinaldo H-way, Tagaytay City.

“What? Bilib ka na sa akin?”
“I really can’t believe you. “
“You know what, I have never done that in my entire life. Ngayon lang!”
“You are crazy. “
“Is that a compliment? Or an insult.”
“This time it works in both ways. Haha.”
“Well, I did It for you. No more, no less. “

Napatitig na lamang si Gail kay Migs. Hindi pa rin ito makapiniwala na ginawa ito ng binata.  Ang isang katulad ni Migs, na tipong may arte sa katawan, may pagka-suplado at halatang anak mayaman, ay gagawa ng isang bagay na aakalain niyang ikakahiya nito. Naisip lang ni Gail kung gaano kapursegido ang lalaki sa gustong gawin. Gusto niyang mag-enjoy. Gusto niya mapasaya si Gail at huwag sayangin ang oras sa mga bagay na ikalulungkot lang nilang dalawa.

“Oh! Bakit titig na titig ka sa akin. May gusto ka sa akin ano?” Pabirong saad ni Migs.
“Sira! Natatawa lang ako. I mean, sige natutuwa lang ako sayo. “
“Talaga? Natututwa ka na sa akin? I will take it as a compliment. Thank you very much. “
“I just can’t believe it. Yun lang. “
“Bakit naman. Wala pa bang gumawa niyan sayo? “

Natigilan si Gail sa saad ng binata. Napangiti at umiwas ng tingin kay Migs. Kinuha nito ang vodka at nag-sip ng konti. Huminga ng malalim at tumingin muli sa binata.

“Wala.”
“You mean? Wala?”
“Wala. None. Nada. Wala talaga. “
“So first time? “
“Haha. Yeah, first time. “
“Ako lang gumawa nito sayo?”
“Yes sir. Ikaw lang po ang gumawa nito sa akin. “
“Nagustuhan mo ba?”
“Hmmm.. a bit.”
“Weh. Hindi nga? “
“Haha. Sige na nga. Yes, I liked it. Bravo! Galing mo!”
“Yes!”

Natuwa si Migs dahil hindi lamang nagustuhan ni Gail ang kanyang ginawa para sa kanya, kundi siya lang din ang lalaki na nakagawa ng ganoong bagay sa kanya.

“Oo. Inaamin ko, na walang gumawa niyan sa akin. Walang nag-effort sa akin na kantahan ako. Na parang haranahin ako. Alam mo yun.. Nakakatuwa din pala. Nakakakilig. Ewan! Basta ganun!” saad ni Gail. Tila ay tinamaan na din ito ng alcohol kung kaya’t nagiging emosyonal na rin siya.

“Hayaan mo na yun. Ganun talaga. There’s always a first time. “
“Exactly. At hindi ko naman ineexpect na ikaw ang makakagawa nun.”
“Bakit naman?”
“Ikaw pa? Eh parang napaka-suplado mo. Tapos parang ang arte-arte mo pa.”
“Huh? Hindi. Hindi ako ganyan. Wala ka lang talagang bilib sa akin.”
“Medyo.”
“I will prove it to you na mali yang impression mo sa akin.”
“Okay.”
“Talaga. Seryoso.”
“Wait. And why do you need to prove something sa akin. Eh you don’t have to.”
“Wala naman. Kasi..ano.. kasi gusto ko lang ipakita sayo kung sino ako. “
“Haha. Talaga lang ha. “
“Yeah. “
“Are you hitting on me?”
“Of course not! I mean, why? “
“Hmm.. “
“Sige. What if kung oo? Yes, I like you and I’m attracted to you.”
“You don’t know me. “
“You are not answering my question. Anong gagawin ko kung sasabihin ko sayong Yes, I like you and I’m hitting on you. “

Panandaliang tumahimik ang paligid. Tila naghahanap ng kasagutan si Gail sa tanong ni Migs.

“Don’t do that to me. Hindi pwede. “
“Why not?”
“I just can’t. Hindi pwede and most of all, you don’t know me. “
“Okay. So I think we can start tonight. To get to know each other… more?” saad ni Migs habang seryosong nakatitig kay Gail.
“That’s funny.”
“What’s funny? Seryoso ako Gail. “
“That’s funny na you want to know me more. Eh kahit ako nga hindi ko pa din kilala ang sarili ko. “

Napakunot nang noo si Migs sa sinabi ni Gail. Tila hindi naiintindihan ni binata ang sinagot sa kanya ng babae. Pakiwari niya ay hindi lang ata siya gusto nito.

“So I guess, that’s why you are here? Tama ba?”
“Hmm.. Some sort of like that. “
“Soul searching? “
“If that’s the term, I think yes. “

Maya-maya ay tumugtog ang bandang nakasalang sa stage. Kung kaya’t halos hindi nagkarinigan ang dalawa.

“Do you want to go somewhere else?”
“Sure. Okay lang sa akin. Saan? “

Minabuti na lamang nilang lumipat ng ibang lugar. Binabalak ni Migs na makausap ng seryosohan ang babae. Maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan at nais niya itong malaman mula kay Gail.

“Saan mo gusto pumunta?” Tanong ni Gail sa binata.
“Hmm.. mas okay sana yung lugar na chill lang. Yung pwede tayo mag-usap. Yung tahimik lang.” sagot ni Migs.
“Game! Sa sementeryo tayo pumunta.” Pabirong sagot ni Gail.

Napatingin naman ang binata sa sinagot sa kanya ni Gail.

“Joke lang! “
“Hindi nga? Seryoso ako. Ikaw, kung saan mo na lang gusto pumunta.”
“Hmm.. Parang gusto kong sumayaw. Game ka? “
“Huh?”
“Disco.”
“Okay. Game.”

Wala na siyang nagawa kung hindi ay sundin na lang ang gusto ni Gail.


01:30AM Disco and Restobar in Tagaytay

Pagkapasok sa disco bar, sakto namang nagpapatugtog na ang dj at nagtatawag na ito ng mga taong magsasayaw sa dance floor. Ang lahat ay nagsipag-puntahan na sa gitna at nagsisimula nang sumayaw. Tuwang-tuwa si Gail at na-excite ito sa tugtog na nakasalang.

“Come on! Tara sayaw na tayo.” Saad ni Gail.
“Sige na. Dito lang muna ako sa bar.” Sagot ni Migs.
“Ayy.. Kill joy? Eh ano pang ginagawa natin dito? Tara na sayaw na tayo. Akala ko ba game ka?”
“Ehh kasi ano eh..”
“Kasi ano?”
“Hindi ako marunong sumayaw.”
“Haha. Tara na. Ako bahala sayo.”

Walang nagawa si Migs dahil hinila na ni Gail ang kamay niya papunta sa dance floor. Nagulat pa ito dahil pinili ng babae na sumayaw sa pinaka-gitna. Patingin-tingin si Migs sa kanyang mga katabi at nahihiyang kumilos.

Maya-maya’y napatingin siya sa kanyang kasayaw. Nagsimula nang sumayaw si Gail at tila lalo siyang inaakit ng babae. Napakahusay talagang sumayaw ng babae. Lalo na sa tuwing ito ay gumigiling. Samantalang siya ay nakatayo lamang at nakatulala sa kanya. Hanggang sa bigla siyang nilapitan ng babae at ipinatong ang mga kamay nito sa braso niya.

“Akala ko ba gusto mo pa akong makilala. Bakit ka pa nakatanga diyan? “ bulong ni Gail habang patuloy ito sa pagsasayaw.

Tila sinasayawan nito si Migs at patuloy ito sa paggiling ng kanyang balakang sa katawan ng lalaki. Maya-maya’y kumilos na din si Migs at lumaban na ng sayawan. Sinasabayan na lamang niya ang bawat indayog ng babae. Ine-enjoy ang bawat sandaling halos magkadikit ang kanilang katawan at sumasayaw.

Pagkatapos ng ilang minuto at ilang mga sayaw, naupo na sila at umorder ng maiinom. Sinabihan na ni Migs si Gail na huwag nang umorder ng inuming may alcohol, ngunit humingi pa din ito ng vodka.

“Okay ka naman pala sumayaw Migs eh. Haha.” Pang-asar na saad ni Gail.
“Sarcasm? Hindi talaga ako marunong sumayaw eh.” Saad ni Migs.

“Naku, sabi ko naman sayo ako bahala di ba?”
“Oo nga.”
“Tsaka pag disco naman, wala namang tama at maling sayaw. Kaya nga gustong-gusto ko dito eh.”
“Mukha nga.”

“Kasi, kahit anong gawin mong sayaw, hindi ka nila papansinin. Wala silang pakialam sayo. Basta mag-enjoy ka lang. Ienjoy mo ang tugtog habang may nadidinig ka pang music. Kasi wala namang huhusga sa gagawin mo eh. Sayaw ka lang ng sayaw.”

Nakatingin lamang si Migs kay Gail. Tila may nais ipahiwatig ang babae sa kanyang mga sinabi. Sinikap na lamang niyang makinig muna sa sinasabi ng babae habang umiinom ng malamig na beer.

“Ikaw, anong first impression mo sa akin?” Tanong ni Gail.
“Hmm.. mahilig magbar, mahilig magdisco, mahilig gumimik. Yun eh dahil una kitang nakita sa bar. And ngayon, nakikita ko naman na nag-eenjoy ka eh.” Sagot ni Migs.
“EEEENNNNNNKKKKK! Mali ka dun.” Saad ni Gail.

Natigilan si Migs at nagiisip kung ano pa ang dapat niyang sabihin sa babae.

“Bakit mo naman nasabing mali ako?”
“Kasi, hindi talaga ako lumalabas ng bahay. Hindi ako gumigimik. Siguro noong college pa ako, pero ngayon, huh! Sobrang hindi na.”
“Bakit?”
“Dahil iyon ang dapat. Dahil iyon ang gusto nila. Dahil iyon ang gusto niya.” Saad ni Gail at uminom ng kaunti mula sa kanyang baso. Tila malakas na ang tama ng alak sa kanya.

“Gail, namumula ka na. Gusto mo balik na tayo sa hotel? Pahinga ka na.” Malambing na saad ni Migs.
“Maaga pa ah. Akala ko ba mag-eenjoy tayo?” Sagot ni Migs.
“May bukas pa naman eh. Gusto mo araw-araw tayo pumunta dito at magdisco.”
“You gotta be kidding me.”
“Hehe. Tara na. Balik na tayo ng hotel.” Saad ni Migs habang inaalalayan si Gail papalabas ng disco bar.

“Gusto ko pang sumayaw, isa pa please? Last song na. Please?”
“No. Balik na tayo ng hotel.”

Mas pinili na lamang ni Migs na sila ay bumalik na ng hotel para makapagpahinga na si Gail. Dahil sa tagal na hindi ito nakainom, madaling nalasing ang babae. At iniisip ng binata na baka mapahamak si Gail kung hindi niya pa ito aawatin. Inayos niya sa pagkakaupo si Gail sa passenger seat.  Medyo inihiga niya ito para kahit papaano ay makapag-relax ang babae habang pabalik na sila ng hotel.

2:25AM Hotel along Aguinaldo Hiway, Tagaytay

Pagkadating nila ng hotel, pinilit ni Gail na makapaglakad ng maayos. Nahihiya na kasi siya na magpaasikaso kay Migs.  Ngunit hindi naman tinitigil ng binata na alalayan siya papunta sa kanyang kuwarto.

Nang makarating na sila sa kuwarto ni Gail, ay agad namang binuksan ni Migs ang pintuan at ilaw ng silid.

“Sige pasok ka na. Para makapagpahinga ka. Kung may kailangan ka, nandun lang ako sa kabilang kuwarto. Kumatok ka lang. Okay?”
“Okay Migs. Salamat ha and sorry.”
“Sorry saan?”
“Kasi nag-emote ako. Nasira ko pa gimik natin.”
“Hehe. Wala yon. Pahinga ka na.” Nakangiting saad ng binata habang sinasara ang pintuan ng kuwarto ni Gail.

Maya-maya ay napalingon si Migs nang biglang nagbukas ang pintuan ng kuwarto ni Gail.

“Migs.”
“Oh! Bakit?”

“Gusto ko lang malaman… kung bakit mo ako gusto?” nakayukong saad ni Gail.

Medyo natigilan si Migs sa biglaang tanong ni Gail. Nag-isip ito ng mabuti sa isasagot sa babae.

“Hindi lang dahil sa maganda ka… Hindi lang dahil napapangiti mo ako… Hindi lang dahil masarap ka kasama… Sa tingin ko, higit sa lahat nang iyon ay dahil nakahanap ako ng katapat ko.”

“Sa tingin mo ba masama akong babae?” tanong muli ni Gail.
“Hindi kita magagawang husgahan. Madami pa akong hindi alam tungkol sa iyo. At gusto kitang mas makilala pa. Kung hahayaan mo lang ako Gail.” Seryosong sagot ni Migs.

“Ready ka na bang makilala ako?” Tanong ni Gail.

Maya-maya’y mabilis na lumapit si Migs kay Gail at mariing hinalikan sa labi. Si Migs na din ang nagsara ng pinto pagpasok nila sa loob ng silid. Tinulak ni Migs sa dingding ang babae at hinalikan mula labi hanggang sa leeg. Napakapit naman sa likuran si Gail at sa bandang ulo ng binata habang hinahayaan nitong paghahalikan siya ni Migs. Hanggang sa buhatin na ni Migs papunta sa kama ngunit hindi pa rin natatanggal ang paghahalikan nila.

Iniayos ni Migs sa pagkakahiga sa kama si Gail. Hinalikan nito sa leeg ang babae habang nakasapo ang mainit na palad nito sa dibdib ni Gail. Napapaiktad  at napapaliyad si Gail sa bawat halik at sa bawat hipo sa kanya ni Migs.

Hindi na napigilan ni Gail ang kanyang sarili at hinayaan na lamang ito sa kung anong gagawin sa kanya ni Migs.

Nais niya sanang pigilan ang binata ngunit iba ang tinatakbo ng puso at isipan niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ay nagugustuhan niya ang ginagawa sa kanya ni Migs.

Kung kaya’t tuluyan na siyang nagpaubaya. Tuluyan na siya bumigay sa nagliliyab na pagnanasa ni Migs sa kanya. Tuluyan na siyang sumuong sa isang pagkakasala.


Makalipas ang ilang oras ng kanilang pagniniig, agad namang tumakbo si Gail sa banyo upang maghugas at maghilamos.
Matapos niyang mag-ayos ng sarili ay napatingin ito sa salamin. Nakita niya ang sariling hubo’t-hubad.  Ngumiti siya at tila wala siyang nararamdamang pagsisi sa mga oras na iyon. Alam niya sa sarili na ginusto din niya ang nangyari.
Agad naman siyang sinundan ni Migs na ngayon ay nakabrief na. Binigyan niya ng tuwalya si Gail. Maya-maya ay niyakap niya ang babae habang pareho na silang nakatingin sa salamin.
“You keep on surprising me everyday Gail. I can no longer resist you.” Saad ni Migs habang panay pa din ang halik nito sa babae.






 Lets Get It On - Marvin Gaye


EPILOGUE

Alas-kwatro y media ng madaling araw..
Habang nakahiga sa kama, masayang nagkukuwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang pagkabata. Mga masasayang alaala ang kanilang ginunita at tila pareho silang interesado sa buhay ng isa’t isa. Hindi maubos-ubos ang mga kuwento ni Migs. Kahit mga kalokohan niya noong nasa highschool pa siya ay ikinuwento nito kay Gail.

Tila tuluyan nang nakakalimot si Gail sa kanyang naiwang buhay sa Manila. Sinisikap nitong maging Masaya kahit sa sandaling panahon na kausap ang binata. Pinapakinggan lahat ng gustong ikuwento ni Migs at magiliw niya itong tinatawanan.

“Haha. Tapos siyempre andun ako sa likod ng teacher ko. Kunwari may itatanong ako tungkol dun sa exam. Sobrang sexy talaga niya, crush ko yun dati pa. Ayun, talagang nagpapansin ako sa kanya.”
“Hehe. Loko ka talaga. Bata ka pa lang ganyan ka na.” nakangiting saad ni Gail.

Maya-maya ay hinalikan ni Migs si Gail sa labi. Hindi naman tumutol si Gail, kung kaya’t lalo pang pinagbuti ni Migs ang pag halik.

“Siyempre iba na ako ngayon. “ saad nito kay Gail.
“Talaga lang ha?” sagot niya kay Migs.

Dahan-dahan namang humahalik si Migs sa pisngi ng babae at bumababa patungo sa leeg nito.

“Wait. Akala ko ba gusto mo pa ako makilala? Hindi tayo matatapos niyan.” Saad ni Gail.
“Madami pa tayong panahon para diyan. We can always stay up all night. “ Nakangiting saad ni Migs habang patuloy ito sa pagromansa kay Gail.

END OF CHAPTER 5

Itutuloy

No comments:

Post a Comment