Friday, 7 September 2012

Chapter 9 : Cry Me A River

“Hindi kita maintindihan Gail. Hindi ko maintindihan.”

“Ayoko na. Ayoko nang mahalin mo ako. Itigil na natin ito. Kalimutan na natin ang lahat ng ito.”

Natigilan muli si Migs sa mga narinig niya kay Gail. Isang pahayag na tila ay hindi na niya kayang gawin lalo pa at napamahal na siya ng husto sa magandang babae.

“Hindi ko yan kayang gawin Gail. Mahal na mahal na kita, tapos ngayon mo sasabihin sa akin yan? Pasensya na, pero hindi ko yan kayang gawin. Mamahalin kita at patuloy akong maghihintay sayo. Dahil ganun kita kamahal.”

“Tama na please. Hindi puwede ito. Hindi puwede.”

“Sige nga! Bakit hindi puwede? Ano bang humahadlang sayo at bakit hindi kita puwedeng mahalin?”

“Dahil masama akong tao. Dahil makasarili ako. Dahil may asawa ako Migs.”

Biglang bumagsak ang mukha ni Migs. Naguguluhan sa mga salitang nadinig mula sa babaeng minamahal niya. Sinisikap nitong hanapin sa sarili niya ang pag-unawang kayang ibigay kay Gail.

“Umalis ako ng Manila at iniwan ko ang asawa ko. Madami akong hindi maintindihan at nagkakalabuan na kami. Kung kaya’t mas minabuti ko ang lumayo at mapag-isa. Kailangan kong hanapin ang sarili ko.”

Kahit patuloy sa pagsasalita si Gail ay tila wala namang nadidinig si Migs. Pakiramdam nito ay nasa loob siya ng isang madilim na silid at siya lamang ang naroroon. Nakakramdam siya ng pagmamanhid ng buong katawan, kahit gusto na nitong talikuran at lisanin si Gail, hindi niya ito magawa dahil hindi niya maikilos ang kanyang katawan.

“Sinibukan ko ang lahat Migs para kalimutan na siya. Sinubukan ko lahat ng mga bagay na hindi ko pa nararanasan sa buhay ko. Ginawa ko ang lahat ng ipinagdamot sa akin na maranasan. Dahil iniisip kong iyon ang dapat gawin para tuluyan na akong makalayo sa kanya. Hanggang sa dumating ka Migs…” saad ni Gail habang nilalapitan ang binata. Nais nitong ipaunawa kay Migs ang lahat ng nagawa niya dito. Gustong haplusin ni Gail ang mukha ni Migs, ngunit pinigilan niya ito.

Napatingin si Migs sa mga mata ni Gail. Kitang-kita sa mga mata nito ang galit at pagkalito sa lahat ng mga pahayag ng magandang babae. Samantalang si Gail ay patuloy ang pagluha at bakas sa mga mata nito ang paghingi ng paumanhin at pangunawa sa binata.

“Ang lakas ng loob mong gawin ito sa akin. Sinabi ko sayo ang lahat-lahat tungkol sa nakaraan ko, pero ito, ipinagdamot mo sa akin?”

“Migs, sasabihin ko din naman sayo eh… pero natatakot ako…”

“Ginago mo ako Gail.”

“Migs, please… makinig ka sa akin..”

“Ginawa mo pa akong kabit.”
Binitawan ni Migs ang kamay ni Gail at tinalikuran ang babae. Agad siyang umalis at hindi na nilingon si Gail. Hindi niya alam kung ano pa ang kaya niyang sabihin o gawin kay Gail na makakasakit sa kanya, kung kaya ay minabuti na lamang nito na umalis sa harap ng magandang babae.

Napaupo muli si Gail at patuloy pa din sa pag-iyak.

Tila gumuho din ang lahat sa kanya matapos niyang malaman na may sakit ang kanyang asawa. At hindi lang ito basta-bastang sakit.

Ang taong minahal at pinakasalan niya ay may malubhang karamdaman, at wala ito sa kanyang tabi upang kanyang maalagaan.

Sa halip ay nagpapakasaya ito sa piling ni Migs, na halos estranghero sa kanya nang mahigit na tatlong araw.

Gulong-gulo ang isipan niya at pilit na ibinabalik sa kanyang sa sarili kung ano nga ba ang dahilan, kung bakit siya umalis ng bahay at iwan si Anthony na mag-isa.


Chapter 9:

CRY ME A RIVER

Weeping Woman by Pablo Picasso

One Week and One day Ago


8:30PM New Manila

“Oh ano? Nagtext na ba si Anthony? Lumalamig na itong handa natin sa kanya.”
“Ahh, wala pang sagot ate Grace ehh.. pero di ko tinitigilan sa text.”
“Sabi ko naman sayo dapat huwag na natin isurprise eh. Dapat nagset na lang kayo na ngayong Sabado wala kayong ibang gagawin kundi icelebrate ang birthday niya.
“Gusto ko lang naman surpresahin siya, kasi parang sobrang stressed-out siya these past few weeks ate. Plano ko din siyang kausapin ngayon.”
“Hay naku, ewan ko sa inyo. Pinapatagal niyo masyado yang samaan ng loob niyo. Dapat pag mag-asawa, hindi na pinapaabot ng bukas ang problema.
“Ate Grace, hindi naman ako nagkulang sa pagtatanong kung anong problema niya. Kung may problema ba talaga siya.”
“Kaya nga, ayan tignan mo, ni hindi mo na nga maayos yang sarili mo. Sa loob ng halos tatlong linggo, nagmukha kang nanay na may apat na anak Gail.”
“Hayaan mo ate, hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko siya nakakaausap.”
“Okay sabi mo eh.. Check mo na yung baked macaroni sa oven, mukhang sunog na yun.”

Abalang-abala ang magkapatid sa paghahanda ng konting salu-salo para sa kaarawan ni Anthony. Kahit na nagkakalabuan ang mag-asawa, ay sinisikap ni Gail na kausapin at intindihin si Anthony. Sa halos tatlong linggo ay laging late na kung umuwi ito at madalas ay nakainom pa ng alak.

Patuloy pa din itong inuunawa ni Gail. Halos araw-araw pagkagising sa umaga ay kinakausap nito si Anthony, ngunit walang ibang sagot ang asaw kundi “Wala akong problema.” At agad-agad na aalis ng bahay.

Madaming bagay ang naglalaro sa isipan ni Gail. Iniisip nito na baka may problema siya sa trabaho at pressured lang ito. Naiisip din niyang baka napapabarkada lang ang kanyang asawa kung kaya ay napapadalas ang paggigimik nito.

Ngunit itinatanggi nito sa kanyang isipan na may ibang babae si Anthony.

Ayaw niyang ientertain sa kanyang isipan na ang lalaking naging boyfriend niya ng halos limang taon at asawa ng halos dalawang taon ay nambababae.


“Naku, gaano ka naman kasigurado na hindi siya nambababae. Eh halos lahat naman ng lalaki ganyan.”
“Ate Grace naman, iba si Anthony. Hindi niya magagawa yun.”
“Teka nga, sinubukan mo na bang sundan yang asawa mo?”
“Please, huwag mo ako bigyan ng idea.”
“Malay mo, dun mo malaman ang kasagutan sa tanong mo.”
“Thanks ate Grace, gutom lang yan. Ikain mo na yan.”
“Hindi na ba natin hihintayin ang birthday boy?”
“Gutom na ako at alam kong gutom ka na din. Kakain na lang ulit ako pagdating niya.”


Pinipilit pa din ni Gail na maging positibo kahit na gulong-gulo na din ang kanyang isip sa kung ano ang nangyayari sa kanyang asawa.

01:00AM New Manila

“Oh pano, uuwi na ako. Hindi ko na mahihintay si Anthony.”
“Sige ate Grace, ako na bahala. Teka, magbalot ka ng baked macaroni tsaka spag. Hindi nanaman namin mauubos to.”
“Sige, ikaw bahala.”
“Mas mabuti na ang anak mo na lang kumain nito kaysa sa itapon. Oh heto na.”
“Hay naku Gail. Magusap kayo ha! Huwag nang paubitin ng umagang wala ka pa ring clue.”
“Opo ate Grace, don’t worry we will talk.”
“Okay sige alis na ako.”

Maya-maya ay may humintong sasakyan sa harap ng bahay nila Gail habang papalabas naman ang ate niya.

Naaninag nila na ang kanyang asawa ay nasa passenger seat at may isang babaeng nasa driver seat na siya namang naghatid kay Anthony.

Napatingin si Grace kay Gail, habang ginigising naman ng babae ang lasing na lasing na si Anthony.
Lumabas ang babae at nilapitan ang pinto ng passenger seat para tulungang makalabas si Anthony.

Hindi niya nakaya ang bigat ni Anthony kung kaya’t napahiga na lamang sa ito kalsada.

Hindi na rin nakatiis si Gail at nilapitan ang dalawa. Gusto mang pigilan ni Grace ang kapatid, ngunit wala na itong nagawa at nakalabas na din siya ng gate.

“Ayy.. Hi! Hinatid ko na dito si Anthony. Napadami kasi ang nainom niya. Kahit anong pigil at awat ko, talagang inom pa din siya ng inom eh.”

“Ganun ba? SIge iwan mo na siya diyan. Ginusto niyang magpakalasing, hayaan mo siyang gumapang papasok ng bahay.”

“Uhmm.. Ako nga pala si Dess..ahh.. kaibi…”

“Salamat sa paghatid sa asawa ko.”

“Ah eh, walang anuman… “

“Gusto mo bang ipagtawag pa kita ng taxi?”

“Ah hindi na… Nakita ko namang madaming taxi diyan sa kanto.”

“Nabayaran ka ba ng asawa ko?” saad ni Gail sabay kapa sa kanyang bulsa at nakakuha ng limang daang piso.

“Heto, sana okay na iyan.”

“Excuse me, I am not that kind of person…”

Tinignan ni Gail mula ulo hanggang paa si Dess at inalalayan ang asawa papasok ng bahay. Habang si Grace naman ay sumunod ulit papasok ng bahay.

Hindi na din nagawang ipaliwanag ni Dess ang kanyang sarili at minabuti na din niyang umuwi.

“Ate Grace umuwi ka na. Ako na bahala dito.”
“Kaya mo ba Gail? Kaya mo pa ba?”
“Hindi ko alam ate Grace, pero sisikapin kong kayanin.”

Kahit labag sa loob ni Grace ay umuwi na lang din siya sa kanilang bahay.

Habang tulog na tulog sa kalasingan si Anthony ay nakatingin lang sa kanya ang kanyang asawa. Nakaupo ito habang pinapanood si Anthony na natutulog at humihilik.

Napaisip siya na talaga ngang may ibang babae ang kanyang asawa. At yun na nga siguro ang dahilan ng panlalamig nito sa kanya ng halos tatlong linggo, sa palagay niya.

Hindi na natulog si Gail at hinantay na lamang nito na magising si Anthony. Nais na niya itong kausapin. Nais na niya itong kumprontahin at ipaamin sa kanya kung ano ba talaga ang problema nito.

Kahit antok na antok na siya ay hindi niya magawang mahiga dahil patuloy pa din siya sa pag-iisip at pagaalala sa kung anong sasabihin ni Anthony sa kanya sa kung anong dahilan at problema nito.

09:13AM New Manila

Halos walong oras naghintay si Gail sa paggising ng kanyang asawa. Minabuti nitong maghintay sa sala habang umiinom ng kape para manatili itong gising.

Maya-maya ay lumabas na ng silid si Anthony. Kahit nakita nito ang kanyang asawa ay dire-diretso pa din ito sa kitchen para kumuha ng maiinom.

Sinundan na lamang ni Gail si Anthony sa kitchen upang kausapin.

“Daming pagkain ah... Ikaw ba lahat nagluto niyan?”
“Bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko sayo?”
“Bakit naghanda ka pa? Sabi ko naman sayo na lagi na ako magoovertime.”
“Bakit hindi ka tumawag sa akin, bakit hindi ka nagrereply?”
“Bakit hindi mo inilagay sa ref itong baked mac? Baka panis na ito.”

“******** ANTHONY!” pasigaw na saad ni Gail sa kanyang asawa.

Napalingon naman at nagulat si Anthony sa nadinig na mura mula sa kanyang asawa. Tila nabigla siya sa sinambit ni Gail.

“Ano bang problema mo ha, Anthony?”
“Wala akong problema. Baka ikaw may problema ka. Ayos ah, minura mo pa ako.”
“Huwag mo sasabihin sa akin na wala kang problema dahil alam kong meron!”
“WALA NGA!”
“Bakit ganyan ka? Anong nangyayari sayo? Bakit lagi kang lasing? Bakit laging late ka umuwi?”
“Paulit-ulit na lang ito Gail. Ayoko na” saad ni Anthony habang naglalakad papunta sa sala.

Nagsimula nang umiyak si Gail dahil hindi na niya mapigil ang emosyon at galit nito sa asawa. Sinundan niya ang asawa sa sala.

“Please Anthony kausapin mo ako.”
“Please din Gail ayoko nang makipagtalo sayo.”
“Sinusubukan kitang unuwain kahit hindi ko alam kung papaano kita iintindihin sa mga ginagawa mo.”

Hindi na nakasagot si Anthony sa pahayag ng kanyang asawa. Umupo na lamang ito sa sofa at yumuko.

“Pero Anthony, hindi ko alam kung hanggang kalian kita kayang unuwain ng ganito. Kagabi, gusto sana kitang surpresahin sa birthday mo, pero ni hindi mo sinasagot ang text o kahit tawag ko.”
“Ayoko magcelebrate ng birthday Gail. Ayoko magcelebrate ng kahit ano.”
“Bakit? Ano nangyayari sayo?”
“Hindi ko alam. Basta ayoko na. Ayoko na Gail.”
“Tapos, ako pa ang sinurpresa mo kagabi sa babae mo.”
“Sinong babae?”
“Dess.”
“Si Dess. Kaibigan ko lang iyon.”
“Kaibigan? Ayos sa kaibigan ah. Talagang hinahatid ka pa dito pag lasing ka.”
“Please, hindi issue si Dess dito.”
“Hindi issue? Hindi issue ang babae mo? So anong problema? Ako? Ako ba ang problema?”
“Tama na Gail please, gusto ko na magpahinga.”
“Huwag mo akong talikuran ulet! Sawang-sawa na ako Anthony.”
“Sawa ka na?”
“Oo sawa na ako Anthony.”
“Iiwan mo ako?”

Natigilan si Gail sa tanong ng kanyang asawa. Nais na niyang sagutin ito ngunit pinipigilan pa din niya ang kanyang sarili.

“Iiwan mo ako, dahil sawa ka na? Paano na lang kung….”
“Hindi ko na kaya Anthony ng laging ganito tayo. Gusto ko na maging masaya ulit.”

Hindi makatingin si Anthony kay Gail. Nais na sana niyang sabihin ang kalagayan nito ngunit…

“Ayoko na Anthony. Ayoko na. Mas mabuti pa sigurong umalis na lang ako.” Saad ni Gail sabay lakad patungo sa kanilang kuwarto.


One Week and One Day After

10:15AM Lipa, Batangas

Tumayo at naglakad na si Gail patungo sa kanyang silid. Nais na nitong ayusin ang kanyang mga gamit at umuwi na ng Manila.

Kahit madaming katanungan sa kanyang isipan sa kalagayan ngayon ng kanyang asawa, ay pilit pa din siyang nagpapakatatag.

Naiisip pa din niya ang mga masasayang alaala nila ni Anthony bago sila nagakalabuan ngunit hindi rin niya maialis sa kanyang isipan ang alaala nila ni Migs.

Si Migs na naging sandalan niya ng mga panahong gulong-gulo ito sa kanyang relasyon kay Anthony.

Si Migs na nag-alaga sa kanya at nagpakita ng pagmamahal sa mga oras na nasasabik siya sa yakap at halik ng kanyang asawa.

Hindi niya alam kung paano haharapin muli si Anthony, ngunit kailangan na niyang umalis at umuwi sa kanilang bahay.

Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, dahil alam niyang kailangan niya itong panindigan at pangatawanan.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng gamit at magbihis ay lumabas na din siya ng kuwarto. Napansin niya si Migs na nakatayo sa pintuan ng kanyang silid at nakayuko ito.

Kahit na mahirap gawin, inisip pa din niya na magpaalam sa binata bago siya umalis ng rest house.

Nais din niyang magpasalamat dahil sa pagaasikaso sa kanya noong nasa Tagaytay sila.

“Migs, aalis na ako. Uuwi na ako ng Manila. Gusto ko lang din mag thank you sa lahat lahat ng ginawa mo sa akin. Sa pagaalaga mo sa akin.” Saad ni Gail habang nakayuko ito . Hindi niya magawang tignan sa mata si Migs dahil sa nagawang kasalanan dito. Kung kaya’t minabuti niyang maglakad papalayo sa binata.

“Ganun-ganun na lang iyon? Dadating ka, tapos aalis ka din kapag gusto mo. Ganyan ka ba talaga ha?” Tanong ni Migs kay Gail.

Huminto sa paglalakad ang magandang babae. Sinusubukan nitong huwag maiyak ngunit kusang tumutulo ang kanyang mga luha. Alam niyang sa sarili niya ay napalapit na din ang loob nito sa binata ngunit pinipigilan lang niya ang kanyang sarili na tuluyang mahalin si Migs.

“Migs, nagkamali ako. Akala ko kilala ko ang sarili ko, pero hindi pa pala. Na kaya ko palang gawin ito. Pero Migs, hindi ko pinagsisisihang nakilala kita. Dahil ikaw lang ang taong naglabas ng tunay na ako.”

Malalalim na buntong-hininga ang tanging nadidinig ni Gail kay Migs. At tila hindi na din mapigilan ni Migs ang mapaluha.

Maya-maya ay hinawakan niya ang braso ng magandang babae ay hinatak niya ito papalapit sa kanya.

Niyakap niya ng mahigpit si Gail habang patuloy ito sa pagluha.

“Kahit ano pang sabihin mo Gail. Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit, hindi ko magawang magalit sayo. Baliw na nga siguro ako sa pagmamahal ko sayo, pero yun talaga ang nararamdaman ko.”

“Migs, alam kong mahal mo ako. Pero hindi ako deserving sa pagmamahal mo.”

“Ako ang mamimili kung sino ang deserving at hindi, Gail ikaw lang gusto ko. Lalo akong mababaliw kung iiwan mo ako.”

“Migs please. Huwag na natin lalong guluhin pa ang sitwasyon.”

Maya-maya nama’y hinalikan ni Migs si Gail sa labi. Kahit pilit na inilalayo ni Gail ang kanyang sarili sa binata ay malakas at mahigpit ang mga braso nito, na tila’y hindi na siya makakawala mula sa dito.

Walang sawang hinalikan ni Migs si Gail at halos maputol ang kanilang hininga.

“Migs please, you have to let me go.”
“Hindi ko kaya Gail. Huwag mo gawin ito sa akin. Nagmamakaawa ako.”

“I have to. I have to go home. Madami akong kailangang ayusin.”

Binitiwan na ni Migs si Gail dahil alam niyang hindi na magpapapigil ang babae sa gusto nitong gawin.

Kahit anong mangyari ay uuwi at uuwi pa din si Gail sa kanilang bahay at wala nang magagawa si Migs sa desisyong iyon.

Tinakpan ni Migs ang kanyang mga mata ng kanyang isang kamay.

Hindi naman makayang tignan ni Gail si Migs na patuloy sa pag-iyak. Kung kaya’t kunuha muli nito ang kanyang bag at patuloy na naglalakad.

“Bakit ganun?” tanong ni Migs kay Gail.

Napalingon ang magandang babae sa binata.

“Bakit ganun? Sinubukan mo akong ibalik sa dati, para mabuo ulit ang pagkatao ko. Pero ngayon, unti-unti mo akong dinudurog at pinagpipira-piraso.”

“I’m sorry Migs. I’m sorry.” Tugon ni Gail sa binata.

Nagpatuloy na siyang bumaba ng second floor at tuluyan na siya nagtungo sa parking lot at binuksan ang kanyang kotse.

Habang nakaupo sa driver seat ay patuloy na umiiyak si Gail. Hindi nito mapatawad ang kanyang sarili sa ginawa niya kay Migs. Hindi niya matanggap na nasaktan niya ang taong ito na naging mundo niya nang mahigit na tatlong araw.

Ngunit sinikap nitong patatagin ang sarili at sinimulang magmaneho upang makauwi sa kanilang bahay sa Manila.

Para sa kanya ay hindi na siya puwedeng lumingon pabalik sa rest house.

Kailangan na niyang umalis at lumayo sa lalaking nasaktan niya ng lubusan.

Kailangan na niyang harapin ang mga bagay na tinalikuran niya ng mahigit isang linggo.

Kahit hindi niya natapos ang dalawang linggong bakasyon sa rest house, ay wala na itong magagawa kundi balikan ang kanyang asawa.

Napapaisip siya sa kung anong dahilan nang kanyang paglayo sa asawa. Parang biglang nabura sa kanyang isipan ang matinding galit na nadama noon at tila nawala din ang kanyang naging dahilan kung bakit siya nagpakalayo at hanapin ang sarili.

Wala na siyang magagawa kung hindi harapin ang kahihinatnan ng kanyang pagkakasala sa kanyang asawa at sa taong nagmamahal sa kanya na si Migs.

01:00PM New Manila

Matapos maghapunan ay nagapasya si Anthony na umupo sa kanilang veranda. Kinuha ang isang libro na nakapatong sa lamesa at sinimulang basahin. Maya-maya ay hinatiran siya ng kanyang mommy ng isang basong tubig at iniabot na din sa kanya ang kanyang gamot.

“Oh heto anak, inumin mo na ang gamot mo. Sabi ni dok, dapat kumpletuhin mo pa rin ito bago ang operasyon sa Biyernes.”
“Opo ma. Salamat.”
“Mamaya eh aalis na ako. Huwag mo na akong ihatid at para naman makapagpahinga ka.”
“Okay lang ma,kaya ko naman eh.”

Maya-maya ay may sasakyan na tumigil sa harapan ng kanilang bahay. Pamilyar ang kotseng ito at tila tumalon ang kanyang puso nang makita ang kulay ng kotse.

“Hay salamat sa mahabaging Diyos at sinunod niya ang sinabi ko sa kanya.”
“Ma?”
“Makakauwi na ako ng Cebu nang hindi nagaalala sayo.” Saad ni Silvia at agad na pumasok ng bahay.

Tumayo naman si Anthony upang buksan ang gate. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak at parang pinipiga ang kanyang tiyan nang makita niya kung sino ang nasa kanyang harapan.

“Gail?”

Napatingin si Gail kay Anthony. Nakita nito ang asawa na sobrang nag-iba ang itsura. Malaki ang ibinagsak ng katawan at sobrang pumayat ito mula nang huli niyang nakita si Anthony. Kalbo na rin ang kanyang asawa at kahit pumayat maging ang kanyang mukha, ay bakas pa din dito ang ligaya na makita siyang muli.

Hindi na maiwasan ni Gail na mapaiyak dahil sa sinapit ng kanyang asawa. Magkahalong awa at pagsisisi ang kanyang nadarama, na tila gusto nitong ibalik ang oras upang hindi na siya nakapagdesisyon na umalis at lisanin si Anthony.

Hanggang sa nilapitan na siya ni Anthony at niyakap ng mahigpit.

“Gail, I’m sorry.. I am very sorry… Kasalanan ko ang lahat ng ito.”

Hindi makapagsalita si Gail habang yakap-yakap niya ang kanyang asawa. Gusto nyang sumigaw at magalit sa lahat ng bagay na nangyari sa kanilang dalawa, ngunit hindi na nila maibabalik ang nakaraan.

“Mahal na mahal kita Gail. Hindi ko kayang saktan ka. Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sayo ang kalagayan ko. Gulong-gulo ang utak ko. Parang pakiramdam ko na wala nang bukas kaya mas pinili kong ituon ang isip ko sa trabaho at alak.”

Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa. At pilit na ipinapaunawa dito ang dahilan ng kanyang biglaang pagbabago.

“Hindi mo na kailangang magpaliwanag Anthony. Wala kang dapat ipaliwanag sa akin. Naandito na ako. Maaalagaan na kita.” Saad ni Gail habang nakayuko. Hindi niya matignan sa mata ang kanyang asawa.

“Ako ang patawarin mo Anthony. Napakadami kong kasalanan sayo.”

“Huwag na natin sayangin ang mga araw sa pagbibilang ng pagkakamali ng nakaraan. Magsisimula tayo ulit Gail.”

Niyakap ni Gail ang kanyang asawa. Para sa kanya ay ito na ang hudyat para tuluyan na siyang makapag move on sa lahat ng nangyari.

Napagpasiyahan niyang ibuhos ang lahat ng oras niya sa pag-aalaga kay Anthony, lalo na para sa darating na operasyon nito.

Habang nasa malayo naman si Silvia, ay napapaluha ito sa panonood sa mag-asawa. Naramdaman nitong mahal na mahal ni Anthony ang kanyang asawa, at gayundin naman si Gail.

“Masaya ako at nakabalik ka na Gail. Maraming salamat at naandito ka na para sa anak ko.”
“Opo mama Silvia. Ako na po bahala sa anak ninyo..sa asawa ko.”

Ito lamang ang tanging hiling ni Silvia, na may mag-aalaga sa kanyang may sakit na anak habang nasa Cebu ito upang asikasuhin naman ang kanyang naiwang asawa.

Ipinaghanda ni Silvia si Gail ng makakain at masayang nagkuwentuhan ang mag-asawa. Madaming ikinuwento si Anthony kay Gail, pati na rin kung papaano niya nalaman ang kanyang sakit.

Pilit namang pinipigil ni Gail ang pagiyak habang nagkukuwento si Anthony ng kanyang mga chemo sessions at mga nakilalang tao sa ospital.

Maligayang-maligaya lang si Anthony at binalikan na siya ng kanyang magandang asawa. At ipinangako niya dito na magpapagaling ito sa lalong madaling panahon, upang buoin muli ang kanilang pamilya.

Samantalang masaya ding umalis si Silvia sa kanilang bahay. Ipinakiusapan niya si Gail na alagaan ng mabuti ang kanyang asawa at sinabing mahal na mahal siya nito. Babalik na lamang siya sa araw ng operasyon ng kanyang anak.

Ipinangako naman ni Gail na aalagaan niya ng mabuti si Anthony.


----------------------------------------------

EPILOGUE

08:45PM New Manila

Pagkatapos maghugas at magsipilyo ni Gail ay agad itong nagbihis ng pantulog. Habang nakatingin ito sa salamin ng banyo, ay sinisikap nitong ngumiti at magpakatatag sa harap ng kanyang asawa.

Maya-maya ay lumabas na ito ng banyo ng kuwarto.

Nakasuot siya ng light yellow na manipis na pantulog at kitang-kita ang seksing kurba nito.

Nakita nitong naka-upo si Anthony sa dulo ng kama at tila ay hinihintay siya ng kanyang asawa sa paglabas ng banyo.

Agad namang tumingin si Anthony sa seksi at bagong ligong asawa.

Nakita siya ni Gail at agad naman nitong binigyan ng nakakaakit na tingin at ngiti.

“Oh bakit hindi ka pa natutulog? Kailangan mo nang magpahinga.”

“Maaga pa naman, tsaka masaya lang ako na makita ka ulit.”

Nilapitan siya ni Gail. Amoy na amoy naman ni Anthony ang kanyang bagong ligong asawa. Matagal na siyang sabik na sabik dito. Matagal na siyang nangungulila sa yakap at halik ng asawa.

Hanggang sa hindi na mapigilan ni Anthony na halikan si Gail.

Lumaban na din ng halikan ang magandang babae. Tila nasasabik din siya sa pagmamahal ni Anthony. Niyakap niya ito ng mahigpit at walang sawa sa paghalik sa asawa.

Maya-maya ay sumapo na sa kanyang dibdib ang mga kamay ni Anthony. Parang may kuryente namang bumalot sa katawan ni Gail dahil sa mainit na palad na nadarama sa pagsapong iyon ni Anthony.

“Matagal kong hinintay ito asawa ko. Sabik na sabik na ako sayo.” Saad ni Anthony at agad nitong hinalikan sa leeg ang kanyang asawa at hinubad na ang manipis na pantulog ni Gail.

Kahit na malamig sa loob ng kuwarto ay hindi mapigilan ang mainit na pananabik ng mag-asawa .



END OF CHAPTER 9.

Itutuloy..

Chapter 8 : Try To Fix You

09:48AM Hospital

Sinamahan ni Silvia ang kanyang anak na si Anthony sa ospital. Ito ay upang malaman nila mula sa kanyang duktor kung ano na ang status ng katawan ni Anthony mula sa chemoteraphy sessions at iba pang medications na kinukuha nito.

Habang tahimik na nakaupo at naghihintay si Anthony, panay naman ang paglakad ni Silvia sa apat na sulok ng silid at balisang-balisa ito sa kung anumang ibabahagi sa kanila ng duktor.

“Ma, upo lang po kayo. Ako na po ang nahihirapan at naiistress sa ginagawa niyo.”
“Hindi ko mapigilan anak. At lalo nadadagdagan ang kaba ko dahil sa sobrang lamig ng kuwartong ito.”
“Here, take my coat. Halina po kayo sa tabi ko.”

Maya-maya ay dumating na ang duktor. Matapos batiin ang mag-ina ay agad naman itong pumunta sa kanyang puwesto. Muli nitong tahimik na binasa ang mga papel sa loob ng isang record folder.

“Dok, how’s my son? Is he improving?” tanong ni Silvia sa duktor. Hindi na ito makapag-antay pa sa sasabihin nito.

Tumingin naman ang duktor kay Anthony at ngumiti.

“Actually, you look good Mr. Santos. You look better than the last time na nakita kita. I believe that you are responding well sa mga medications. Of course, chemotherapy is a great help.”

Tila nabuhayan si Silvia sa nadinig at hinawakan nito ang kamay ng kanyang anak.

“Thanks dok. Talaga pong sinusunod ko lahat ng pinayo ninyo sa akin and lagi po ako nagpupunta sa mga sessions ko.”

“Yeah, as per checking your files and records here, you really did all of the recommendations set for you.”

Napangiti na din sa Anthony at tila nawala na rin ang konting kaba nito sa dibdib. Tumingin din siya sa mommy niya at kumindat upang hindi na ito mabahala pa.

“Well, there is one thing that we could do para mas lalo ka pang maging okay Mr. Santos. We are recommending that you undergo Lobectomy as soon as possible.”

Napakapit nang mahigpit si Silvia sa kanyang anak at napatingin ito sa kanya.

“What’s Lobectomy dok?”

“Okay, I will explain it to you.”

Inilabas nito ang litrato ng x-ray ng lungs ni Anthony upang lalong maliwanagan ang mag-ina.

“This is a procedure to remove one lobe of your lung. We really recommend that you take this procedure right away para hindi lalong kumalat ang cancer, since nasa iisang lobe lang naman ito. Now, after this, I believe that everything will be okay, Mr. Santos.”
“Talaga dok? After this operation, it is really possible na magiging okay na ako? Na gagaling na ako?” Tanong ni Anthony sa kanyang duktor.

“Yes. I hope we can do this as soon as possible. We could fix you a schedule for that operation on Friday. If that will be fine with you.”

Napaluha naman si Silvia sa rekomendasyon ng duktor sa kanyang anak. Alam niyang masasaktan si Anthony sa pagdaraanan nito, pero ito lang ang natatanging paraan para tuluyang gumaling ang anak.

“Yes dok.. I am fine with it. I will take that schedule. I need to be okay as soon as possible.”

“Doctor, please do everything para gumaling ang anak ko.”

“We will do our very best, of course we are also hoping for his fast recovery and surviving cancer.”

Niyakap ni Silvia ang kanyang anak habang lumuluha. Hindi na din napigilan ni Anthony ang mapaiyak. Magkahalong kaba at saya ang nadarama niya. Gustong-gusto niyang gumaling para sa sarili niya at lalo na para kay Gail.


Chapter 8

TRY TO FIX YOU

Painting by Anthony Maulucci

9:48AM Lipa, Batangas

“Here is your breakfast.”
“Wow! Breakfast in bed? Hehe.”
“Hmm.. Puwede! Siyempre alam kong pagod ka sa kakadrive.”
“Sarap naman. Sarap naman ng babe ko.”
“Babe? Babe ka diyan! Ipinagluto lang kita ng breakfast.”
“Hehe. Nagtry lang baka makalusot.” Pabirong saad ni Migs habang kinukuha ang tray na dala ni Gail sa kanyang kuwarto.

Ipinagluto ni Gail si Migs ng ham, egg at bacon. Sinamahan pa nito ng dalawang tinapay. Sinuklian lang ni Gail ang pag-aalaga ng binata sa kanya noong nasa Tagaytay sila.

“Oh, here is your coffee.”
“Black?”
“Yes.”
“No sugar?”
“Yes.”
“Nice. Alam mo na talaga ha. Hehe.”
“Siyempre naman, hindi naman mahirap tandaan yun eh.”
“Kaya nga eh, mahirap ka din kalimutan.”
“Huh? Ano nanaman yang banat mo?”
“Siyrempre, mahirap kalimutan yung nakakasanayan mo na. Katulad nito.”
“Bawi ko lang ito sa pag-alaga mo sa akin sa hotel.”
“Ganun ba? Yun lang yun? Sows!”
“Oo naman. Ito lang ang makakaya ko. Kaya inumin mo na yang kape.”

Agad namang itinabi ni Migs ang tray na naglalaman ng kanyang pagkain. Nilapitan nito si Gail at hinawakan ang kanyang kamay.

”Ginawa ko yun dahil mahal kita.”
“Alam ko. Kaya nga ito lang ang kaya kong ibigay sayo.”

Hinawakan ni Migs ang kaliwang pisngi ni Gail at unti-unti nitong binaba papunta sa kanyang balikat. Hinatak niya ang magandang babae papalapit sa kanya at sinimulang halikan sa labi.

Sinubukang kumawala ni Gail sa mga braso ni Migs, ngunit tila sobrang higpit at lakas nito upang magawa niyang pigilin ang nais gawin ng binata.

Maya-maya ay biglang tumigil si Migs sa paghalik kay Gail. Bigla siyang naghubad ng kanyang suot na t-shirt at maong pants. Itinira na lamang niya ang suot na underwear.

Kusa namang kumilos ang kanang kamay ni Gail. Tila hindi na din niya mapigilan na hawakan ang katawan ng binata. Sinapo nito mula sa balikat ni Migs, pababa sa matigas na muscle ng binata. Hinawakan din nito ang six-pack abs ni Migs.

Napatingin si Gail sa mga mata ni Migs at nakita nitong lalo siyang inaakit ng binata.

Maya-maya ay hinubad na ni Migs ang suot na damit ni Gail. Tinira lamang nito ang suot panloob ng magandang babae. Ngayon lang niya tinitigan ang magandang katawan ni Gail. Maputi at sobrang kinis. Malulusog din ang kanyang dibdib na lalong nagpapalibog sa binata.

Hanggang sa tinulak niyo ito sa dingding at pinupog ng halik habang nakahawaka si Gail sa kanyang magkabilang braso.

Muling inangkin ni Migs si Gail at hindi na rin nagpaawat ang magandang babae. Sumabay na din ito sa indayog ng pagnanasa ng binata at muling bumigay dito.

Napabagsak si Migs sa may sahig makalipas ang ilang minute ng kanilang pagniniig.

Hingal na hingal ang dalawa sa sobrang pagod.

Agad namang lumapit si Gail sa tabi ng binata at yumakap siya dito. Kahit pawis na pawis si Migs ay yumakap pa din siya sa may bandang dibdib nito.

Niyakap na din siya ni Migs habang naghahabol pa ng hininga.

”Sarap mo babe. Sobrang galing at sarap mo.” Saad ni Migs habang hinahalikan sa bandang noo ang magandang babae.

Maya-maya pa ay tumayo na silang dalawa at nagtungo sa banyo.

Sabay silang naligo at naglinis ng katawan, habang panay pa din ang pagyakap at paghalik sa kanya ng guwapong binata.

“Hindi ko yata kayang mawala ka Gail.” Saad nito sa dalaga habang sinasabunan siya sa bandang likuran.

Hindi naman sumasagot si Gail sa mga binibitawang salita ng binata. Patuloy pa din ito sa pagsabon sa katawan ni Migs at maya-maya ay sinasabon na din niya ang kanyang katawan.

Magkayakap silang nagbanlaw sa shower at panay ang halik ni Migs sa leeg ng magandang babae.


12:32PM Restaurant in Manila

“Tomorrow na ako babalik ng Cebu. I will just check on your dad and get some things, pati damit na din, then balik ako before your operation.”
“Ma, salamat. I hope you can also bring dad, pero baka hindi pa din niya kaya bumiyahe.”
“I will try. Kanina naman eh okay na siya nang makausap ko sa phone.”

“That’s good news.” Saad ni Mgs habang subo sa kinakain.

Nakatitig sa kanya si Silvia at hindi na mapigilan ang sarili na magtanong sa kanyang anak.

“I have been seeing this girl a lot lately. What is her name again?” pagusisa ni Silvia.

“Ahh si Dess?”
“Dess. Where did you meet her?”
“Her father is my friend. Kasama ko siya nagpachemo. But he passed away last Thursday.”
“Oh..ganun ba?”
“Yes mom. Hindi kasi siya naagapan.”

“Is there something going on between the two of you?”

Natigilan si Migs sa biglaang tanong ng kanyang mommy. Hindi na din niya alam kung ano ang isasagot dito dahil lingid sa kaalaman ni Silvia ay may nangyari na nga sa kanilang dalawa.

“Ma, she is just a friend. That’s all”
“I am just asking son. I am just making sure. And besides, you are still married to your wife..Gail”
“Yes ma, I am still aware with that.”
“Oo nga pala, is there any news kung nasaan na si Gail? Are you getting in touch with her?”

Isa pang tanong na hindi masagot ni Anthony. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa din siya kinokontak ng kanyang asawa. Nasa isip nito na pag lumakas na siya at mas naging mabuti na ang kanyang kalagayan, ay agad n hahanapin at pupuntahan nito si Gail.

“She is in their province. Kasama niya ang ate Grace niya. So don’t worry about her mom.”Saad ni Anthony kay Silvia. Hindi na din niya alam kung anong isasagot sa kanyang mommy kaya minabuti niyang magsinungaling na lamang dito.

“I want to talk to her. Bago sana ako umalis at bumalik papuntang Cebu eh makausap ko ang asawa mo. I just want to make sure na may magbabantay na sayo this time.”
“I will tell her that mom, don’t worry.”
“Perfect! You need your wife. At siya lang ang dapat nasa tabi mo… wala nang iba pa.”

Hindi na lamang kumibo si Anthony sa pahayag ng kanyang mommy.

Hindi na din niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi niya alam kung nasaan ang kanyang asawa. Nais niyang magtanong-tanong ngunit kahit ang ate Grace ni Gail ay hindi rin alam kung naasan siya.

Ayaw din niyang lalo siyang kainisan ni Silvia at hindi muli tanggapin ng kanilang pamilya, pag nalaman nitong nais nang makipaghiwalay ni Gail.

Pilit nitong itinatago dahil para sa kanya iyon ang pinakamainam na paraan upang hindi lalong mabahala ang kanyang mommy.

Pilit din nitong ikinukubli sa kanyang sarili na may posibilidad na hindi na siya babalikan ng kanyang asawa.

Kung kaya’t lalong gusto niyang gumaling at magpalakas upang simulan nang hanapin si Gail, kahit nasa isipan nitong hindi niya alam kung saan magsisimulang maghanap.

Magpapalakas din siya upang makabawi sa kanyang asawa mula sa mga pagkakamali at pagkukulang niya kay dito.

2:48PM Lipa, Batangas

Hindi pa din makatulog si Gail. Nababalisa ito at hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman.

Tila may bumabagabag sa kanya at hindi siya mapakali sa kaiisip lalo na sa kanyang naiwang asawa na si Anthony.

Kung kaya ay minabuti nitong tumayo na at iwan sa kama si Migs habang ito ay natutulog.

Dahan-dahang lumabas ito ng silid at tahimik na isinara ang pintuan upang hindi magising si Migs.

Nagtungo na lamang siya sa may garden upang doon ay umupo at makapag-isip.

Maya-maya ay inilabas nito ang kanyang cellphone.

Gustong-gusto na niyang tumawag sa Manila ngunit wala pa din siyang maisip na pambungad sa asawa at sa kung anong sasabihin nito sa kanya.

Nagtatalo ang kanyang puso at isipan sa kanyang gagawin.

Hanggang sa nagpasya na lamang itong tawagan si Anthony upang matahimik siya mula sa pagkabalisa.

***
“Hello?”
“Hello! Sino ito?”
“Puwede makausap si Anthony, si Gail ito.”
“Gail? Oh Gail si mommy Silvia ito. Natutulog si Anthony, kailangan niya ng pahinga.”
“Ahhh mommy kayo po pala iyan. Kamusta po? Sayang tulog si Anthony.”
“Ayos naman ako iha. Oo tulog siya.”
“Mabuti naman po at ayos lang kayo. Tatawag na lamang po ako mamaya pagkagising niya.”
“Teka iha, itatanong ko lang kung kalian mo balak umuwi dito?”
“Po? Hmmm… Madami pa po kaming kailangang ayusin ni Anthony at pagusapan…”
“Naku iha, bumalik ka na dito bukas, bago sana ako bumalik ng Cebu eh naandito ka na. Para maalagaan mo ang asawa mo.”
“Maalagaan? Bakit po? Ano po ang nangyari kay Anthony? Okay lang po ba siya?”
“Sabi ng duktor, okay naman siya sa ngayon. Nagrerespond naman siya ng maayos sa chemotherapy sessions niya.”

Saglit na tumigil si Gail sa sinabi ng mommy ni Anthony.

“Chemo? Ho? Hindi ko po maintindihan.”
“Oo iha. Kailangan siyang magundergo ng procedure sa Friday para tanggalin ang isang lobe ng lungs niya.”

“Sandali lang ho. Hindi ko po maintindihan ehh… Ano po iyon? Bakit nagki-chemo si Anthony?”

“Hindi mo ba alam ang kalagayan ng asawa mo? Gail iha, may sakit ang asawa mo… may cancer siya.”

“Ho? C-cancer?”

“Cancer of the lungs iha. Kaya umuwi ka na, kailangan ka ng asawa mo.”

Nabitawan ni Gail ang kanyang cellphone at tila nanginginig ang buo nitong katawan.

Parang nagflashback lahat ng mga alaala nila ng kanyang asawa. Lahat ng masasaya at puno ng pagmamahalang alaala.

Para siyang nabuhusan ng tubig na punung-puno ng yelo.

Para ding pinipiga ang kanyang tiyan sa sobrang kabog ng kanyang dibdib.

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Parang hindi na ito mauubos at titigil sa pagtulo.

“C-cancer? Si Anthony may cancer. Diyos ko, ano itong nagawa ko?” bulong ni Gail sa kanyang sarili habang nakayukong umiiyak.


 

Fix You by Coldplay

---------------------------------------------------------

EPILOGUE

Maya-maya ay lumabas na din si Migs sa kanyang silid at hinanap si Gail. Hanggang sa natanaw niya ito sa may hardin na nakaupo.

“Babe! Hindi ka na ba matutulog? Wala ka kayang tulog mula pa noong isang araw. Halika na balik na tayo sa kama.”

Hindi sumasagot si Gail kay Migs. At napansin ni Migs sa umiiyak ito habang naka-upo at nakayuko.

“Anong problema babe? Anong nangyari?” Saad ni Migs habang yumakap kay Gail sa sobrang pag-aalala.

Agad namang tumayo si Gail at umiwas sa mga yakap ni Migs. Takang-taka naman si Migs sa biglaang paglamig sa kanya ng magandang babae.

“Mali ito! Mali ito!” Saad ni Gail sa kanya.

Nagulat si Migs sa mga sinasabi ni Gail at pilit na inuunawa ang sinasabi sa kanya nito.

“Ang sama-sama kong babae. Napakasama kong babae. Napakadumi ko. Napakawalang hiya ko! Napakatanga ko. Ayoko na Migs! Ayoko na!”

“Anong nangyayari sayo babe? Sabihin mo sa akin? Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Nagaalala na ako sayo.”

Humahagulgol si Gail at sobra namang nagaalala ang binata sa kanya.

“Sinusubukan kong hanapin ang sarili ko kaya ako naandito ngayon. Lumayo ako Migs sa mga taong mahal ko dahil gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko naman akalain na ganito ang mangyayari.

“Gail, wala naman akong ipipilit sayo, maghihintay ako.”

“Hindi yun Migs eh. Dahil kasalanan ko din ito. Napalapit ako sayo. Oo inaamin ko nagugustuhan na din kita kahit pinipigilan ko ang sarili kong mahalin ka. Sinisikap ko ding ayusin ka, Sinisikap kong baguhin ang mga pananawa mo mula sa nakaraan mo. Nakalimutan ko, na sirang-sira din pala ako. I am not okay Migs. I am not the kind of person that you think I am.”

“Hindi kita maintindihan Gail. Hindi ko maintindihan.”

“Ayoko na. Ayoko nang mahalin mo ako. Itigil na natin ito. Kalimutan na natin ang lahat ng ito.”

Natigilan muli si Migs sa mga narinig niya kay Gail. Isang pahayag na tila ay hindi niya na kayang gawin lalo pa at napamahal na siya ng husto sa magandang babae.

“Hindi ko yan kayang gawin Gail. Mahal na mahal na kita, tapos ngayon mo sasabihin sa akin yan? Pasensya na, pero hindi ko yan kayang gawin. Mamahalin kita at patuloy akong maghihintay sayo. Dahil ganun kita kamahal.”

“Tama na please. Hindi puwede. Hindi puwede.”

“Sige nga! Bakit hindi puwede? Ano bang humahadlang sayo at bakit hindi kita puwedeng mahalin?”

“Dahil masama akong tao. Dahil makasarili ako. Dahil may asawa ako Migs.”

END OF CHAPTER 8.

Itutuloy…