“You are looking great Sir Anthony. You still look good with
or without hair. Actually, you even look hotter.” Saad ng Nurse habang
inaalalayan si Anthony papalabas ng room.
“Hehe.
Thanks. Nagdadalawang isip nga ako if babagay sa akin magpakalbo. Well, I left
with no choice.”
“As I said
sir, it really looks nice on you.”
“Thanks, my
mom did the shaving.”
“Yeah.
Nakita ko nga mom mo sa labas nagaantay sayo during your chemo session. She is
very nice.”
“She is?
Talaga? I’m quite surprise.”
“Are you
kidding me? Sir, she is the nicest. Well she told me great things about you.”
“That’s her
job. She is just doing her job as my mother. Hehe.”
“Well, you
are lucky to have her.”
“Thanks. By
the way, parang hindi ko nakita si Danny kanina sa session. That’s a bit weird
kasi he never misses his chemo.”
Napatingin
ang nurse kay Anthony at saglit na yumuko. Nang tumingin ito muli sa kanya ay
napailing ito.
“He passed
away last night. Dito din siya sinugod ng family niya.” Malungkot na saad ng
nurse.
“What? How
come? I don’t understand. Akala ko ba he is doing well with the medications?”
“Yes sir.
But suddenly he had some organ failures, which is related sa stage ng cancer
niya.”
“I can’t
believe it.”
“Kami din
Sir Anthony. Danny is a very positive, great man. He is a big lost.”
“What about
Dess? Have you heard from her? How is she coping with this?”
“Haven’t
seen her last night Sir, only her mom.”
“Okay.
Thanks. I will just contact her.”
“Okay po Sir
Anthony. Take care and ingat po pauwi.”
Hindi
makapaniwala si Anthony sa lahat ng nasagap niyang balita. Lagi niyang kasama
ang tatay ni Dess sa bawat chemo session nito at alam niyang malaki ang
paniniwala niya na gagaling siya. Dahil din kay Danny kaya niya nakilala ang
anak nitong babae na si Dess. Si Dess ang kasakasama nito sa tuwing nagpupunta
ng ospital para magpacheck-up at sa tuwing may session.
Habang nasa
hallway ng ospital, kinuha ni Anthony ang kanyang cellphone at hinahanap ang
number ni Dess. Gusto niyang kamustahin ang dalaga at isantabi muna ang
nangyari sa kanilang dalawa noong nakaraang araw.
“Hello?
Dess?”
“Anthony…”
“Yes si
Anthony ito.” Saad niya habang nagiisip siya kung anong sasabihin sa dalaga.
Halos hindi
naman makapagsalita si Dess sa kabilang linya dahil sa kakaiyak.
“Dess are
you still there?”
“Yes… Sorry
Anthony… Wala na si Daddy. Wala na siya” sabay hagulgol sa pagiyak ang dalaga.
Napapaluha
na din si Anthony habang kausap niya sa kabilang linya si Dess. Dinadamayan
nito ang itinuturing niyang kaibigan lalo na sa panahong pareho na silang
nangungulila sa taong malapit sa kanilang puso.
Hindi rin
maialis ni Anthony sa isipan niyang, kahit anong oras puwede din siyang mawala.
Nanghihina na ang kanyang kalooban na gagaling pa siya sa sakit na cancer.
Chapter 7
Seventy Two
09:00PM Tagaytay
“Good
morning.. love.”
“It’s 9pm.”
“Oh really?
Parang antagal kong natulog. And for such a long-time, ngayon lang ako
nakatulog ng mahimbing.”
“I bet you
did. With matching hilik?”
“Humihilik
ako?”
“Yes.
Sobrang lakas.”
“Are you
watching me sleeping?”
“No. Why
would I do that?”
“Hehe. Just
hoping that you did.”
“Not gonna
happen.”
Niyakap
naman ng mahigpit ni Migs si Gail at panay ang halik nito sa kanyang pisngi.
“You just
can’t imagine how happy I am right now Gail.”
“Haha.
Cheesy? Sobrang cheesy.
“I do. For
once in my life, never been this happy. Seryoso!”
“Okay. Sabi
mo eh.”
“I love you
Gail.”
“We are not
having sex, why would you say you love me?”
Natigilan si
Migs at iniharap niya si Gail sa pagkakahiga sa kanya.
“I am serious.”
“You are
just hungry I think.”
“I Love you
Gail. “
“Love is a
strong word Migs.”
“I know,
pero anong magagawa ko. That’s how I feel.”
“Migs, we
are grown-ups. We are not teenagers.”
“And what
does that mean?”
“What I mean
is, I think kailangan mo munang pag-isipan ng mabuti yan. I think pag-isipan
NATIN.”
Niyakap at
Inilapit muli ni Migs si Gail papunta sa kanyang tabi.
“Gail I mean
it. I am not just fooling around or fucking you.”
“I
understand that Migs. We are like what,
fifty six hours together, and then you are going to say that you love me?”
“Yes!”
“No! You
don’t know me.”
“Then tell
me what I need to know?” malakas na saad ni Migs kay Gail.
Natigilan si
Gail sa tanong ni Migs. Gustong-gusto na niya sabihin kung ano ang nasa saloob
niya at sa kung ano ang sitwasyon niya bilang may asawa nang tao.
“But don’t
get me wrong Gail. I really don’t care kung ano ka pa o kung ano ang nakaraan
mo. I will accept everything, anything about you.”
“Stop. Stop
right there. Migs, we are moving too fast. And besides, may sari-sarili tayong
buhay na babalikan sa Manila. I am almost half-away from my two-week vacation
and after that, it’s back to reality.”
“Okay. I
won’t force you to love me back or ask for any answer from you or any
I-love-you-too thing. But please, don’t make me feel so unwanted. Gail I’m
serious about this and I am going to prove it to you.”
“Sige,
ibibigay ko sayo yun. But please, give me more time about the L word?”
“Sure.”
Sabay yakap
ng mahigpit ni Migs kay Gail at gayundin naman ang pagyakap sa kanya ng babae.
Tila sobrang napapa-mahal na si Gail kay Migs. Ngayon lang niya ulit nadama ang
ganito matapos ang kanyang malungkot na nakaraan.
“Question.”
“Yes Migs?”
“Im gonna
give you time about the L word. But please not the F word?”
“Hahaha
adik!” saad ni Gail sabay hampas sa balikat ni Migs
“Because I
don’t think na pagbibigyan kita to get that away from me lover.” Saad ni Migs
kay Gail at mariing hinalikan niya ito.
Hindi
tinigilan ni Migs ang matatamis na labi ni Gail at tuluyan din namang bumigay
ang babae dahil napakagaling na humalik ng binata. Lumalaban na din siya ng
halikan at halos maputol ang hininga nila sa tagal na pagkakahinang ng kanilang
mga labi.
Habang
nakahiga ay itinalikod ni Migs si Gail sa kanya. Dahan dahan nitong pinalakad
ang dila sa tainga ng babae at pababa sa bandang leeg nito.
Ang isang
kamay ni Migs ay nakasapo sa isang dibdib ni Gail habang ang isa ay siyang
tumutulak sa mukha ng babae para mas lalo niyang mahalikan ang mukha nito.
Patuloy
naman ang pagromansa ng binata sa kanya. Walang sawang pinaghahalikan ang
kanyang batok, leeg at balik sa labi ni Gail.
Sa kakaibang
posisyon siya inaangkin ni Migs. Tila hindi niya pa naranasan ito sa kanyang
asawa na lalong nagpasabik sa kanya. Iba’t ibang istilo ang kanyang ipinaparanas
sa babae at damang-dama niya talaga na gustong-gusto siya nito.
Makalipas
ang ilang minuto ay agad namang sumabog sa kaligayahan si Migs. Hingal na
hingal na nagpahinga ito sa likuran ni Gail, at tila hinahabol pa ang kanyang
paghinga. Hinalikan niya muli ito sa bandang tenga ng babae at bumulong.
“I love you
Gail.”
Maya-maya ay
bumangon na si Gail at hinubad na din niya ang kanyang bra. Kinuha ang
tuwalyang nakasampay sa may upuan at dire-diretsong pumasok sa banyo.
Nagpahinga
ng sandali si Migs dahil sa sobrang paghingal at pagkapagod sa kanilang
ginawang pagniniig. Nakatingala ito sa kisame ng kuwarto at malalim na
nag-iisip. Hindi nagtagal at tumayo ito. Inalis na din ang suot na brief at
kumatok sa banyo habang nasa loob si Gail. Pinagbuksan naman siya ng magandang
babae at sabay silang naligo at naglinis ng katawan.
09:33PM Funeral Homes – Pasig
Halos hindi
makababa si Anthony sa kanyang sasakyan pagkadating niya sa funeral homes kung
saan nakaburol ang katawan ni Danny. Nakikita niya madami na ding mga tao sa
loob na nakikiramay at sinisikap niyang hanapin kung nasa loob si Dess. Kahit
noong bata pa si Anthony ay takot na talaga siya sa ganitong mga lugar lalo na
sa tuwing tinitignan niya ang patay sa loob ng kabaong.
Hanggang sa
naglakas loob na itong bumaba, kinuha ang biniling bulaklak para sa patay at
nilock ang kanyang kotse. Pagdating niya sa loob ay nagtinginan ang mga tao sa
kanya at agad naman siyang sinalubong ni Dess.
Iniabot niya
kay Dess ang dalang bulaklak at nilapitan niya ang kabaong ni Danny. Sinamahan
naman siya ni Dess habang nagdadasal si Anthony. Hindi naman nababakas sa mukha
ni Danny na nahirapan ito bago mamatay. Maayos itong nakalagay sa kabaong suot
ang barong. Maya-maya pa ay naglakad na siya papalayo dito at lumabas sila ni
Dess sa kuwartong iyon.
“Dati, noong
bata ako, lagi akong hinahatid ni tatay sa school. Siya lang ang nakakapaghatid
sa akin kasi busy si nanay sa trabaho niya. Siya na din ang sumusundo sa akin
tuwing uwian namin. Hanggang grade six yun. Walang palya sa paghatid at
pagsundo sa akin. Lagi pa kami dumadaan sa may mamihan sa kanto. Sabay kami
magmiryenda. Spoiled ako sa kanya. Halos lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat
ng laruan nakukuha ko at madalas sinosorpresa niya ako kahit hindi naman yun
ang laruang itinuro ko.”
Tahimik na
nakikinig si Anthony sa magandang dalaga.
“Tapos nung
thirteen years old na ako. Naging mailap ako sa kanya. Siyempre ayoko nang
magpasundo o magpahatid sa kanya. Dahil nahihiya ako sa mga kaklase ko. Kahit
na minsan nararamdaman kong sumusunod pa din siya sa akin papasok ng school.
Natatakot siya baka kung anong mangyari sa akin dahil hindi ako sanay bumiyahe
mag-isa. Lagi na kaming nag-aaway at pilit kong hinihingi ang kalayaan ko kahit
highschool pa lang ako. Pinapagalitan niya ako kung minsan pinagtatabuyan ko
siya sa school naming. Lalo na pag sinusundo niya ako sa bahay ng kaklase ko
pag may project at ginagabi na ako ng uwi.”
Nakayukong
nagkukuwento si Dess kay Anthony tungkol sa kanyang tatay Danny.
“Eighteen.
Eighteen years old ako noong nalaman niya na may boyfriend na ako. Grabe,
naglasing pa nga siya kasi sobrang hindi niya matanggap na may boyfriend na ang
bunso niya. Nagtataka nga mga kapatid ko kung bakit sa akin sobrang istrikto si
tatay. Pero kahit kalian hindi ako naglihim sa kanya at talagang ipinakilala ko
pa ang boyfriend ko at dinala ko sa bahay para makaharap at makausap nila. Pero
hindi talaga niya matanggap ang boyfriend ko, kaya nakipagkasunduan sa akin si
tatay. Papayagan niya ako magboyfriend ko lagi daw niya ako ihahatid at
susunduin sa school. At susunod ako sa mga batas niya. Ayun, sumunod naman ako.
Hinatid niya ako sa school at matiyaga siyang naghihintay sa akin hanggang sa
mag-uwian na. Sobrang nag-aalala lang din ako sa kanya kasi may edad na si
tatay. Sixty two na siya ng mga panahon
na yun. Kahit madalas siya magkasakit eh patuloy pa din siya sa paghatid at
pagsundo sa akin. Hindi na talaga siya mapigilan.”
Habang
nagkukuwento si Dess ay medyo naiiyak na din ito dahil sa paggunita niya sa
kanyang ama. Hindi na rin matiis ni Anthony at unti-unti niyang tinabihan at
nilapitan ang dalaga.
“Nung
nakatapos ako, doon na siya binalikan lahat ng pagod na nadarama niya dahil sa
akin. Kung ano-anong sakit na ang dumapo sa kanya. At madalas ay nakahiga na
siya sa kuwarto niya. Hinayaan na din niya ako sa kung anong gusto kong gawin
sa buhay ko dahil sabi niya na okay naman na dahil nakatapos na ako sa
pag-aaral.”
“Seventy
one. Seventy one siya nung magpacheck-up at madiagnose na may lung cancer siya.
Una muna noon eh nagkatubig ang baga niya. Hanggang sa lumala at napunta na nga
sa lung cancer.”
“Noong una,
sawang sawa na ako sa paghatid at pagsundo niya sa akin sa school, sa pagiging
overprotective niya, sa sobrang pag-aalala at pag-aalaga sa akin. Pero noong
panahon na lagi na lang siyang nakahiga at nanghihina, parang mas gusto ko na
lang na malakas siya at hinahatid ako sa kung saan ko gustong pumunta.”
Hindi na
napigilan ni Des sang pagiyak at tuluyan nang humagul gol ito. Niyakap naman
siya ni Anthony at naawa siya dito.
“Ngayong
halos isang buwan na lang birthday na niya. Seventy two na dapat siya.. ayun
wala na. Wala na siya. Iniwan niya na kami.”
“Alam kong
sa ngayon masakit talaga na may taong mawawala sayo. Pero kailangan mo pa ding
magpakatatag Dess.” Saad ni Anthony habang patuloy na nakayakap sa dalaga.
“Hirap lang
kasi tanggapin na may mga tao talagang mawawala sayo.”
“May mga tao
din naman na mananatili pa din sa tabi mo.”
“Anthony,
ayoko na mawala ka din sa akin.”
“Dess,
andito lang naman ako eh. Para maging kaibigan mo.”
“Sorry doon
sa nangyari noong isang araw.”
“Huwag ka
magsorry dahil pareho nating ginawa yun.”
“Irerespeto
ko na lang ang pagiging magkaibigan natin Anthony.”
“Salamat
Dess. Alam ko naman na may mas deserving para sa pagmamahal mo.”
“Basta huwag
ka lang ulit mawala sa tabi ko.”
“Nandito
lang ako para sayo. Bilang kaibigan mo.”
“Salamat.”
***
4:58AM Tagaytay
Maagang
umalis ng hotel sila Migs at Gail kinabukasan. Gusto kasi ng binata na maabutan
ang sunrise ng 5:49 AM sa isang espesyal na lugar. Pinaplano kasi niyang lalong
pakiligin si Gail at iyon na lamang ang naisip niya gawin para dito.
“Grabe ang
aga ha.”
“Hehe.
Basta.”
“Sabagay,
okay na din na makauwi tayo ng maaga.”
“Hehe. Tama!
Para mas makarami tayo.”
“Huh?
Makarami ng ano?”
“Makarami ng
gagawin. Gusto mo mamaya labas tayo ulit.”
“Hmm. Okay
lang. Ikaw na bahala.”
“Gimik tayo
sa may Alabang ulit. O kaya sa may Makati.”
“Okay. Wala
na din kasi akong alam na gimikan dun.”
Medyo
madilim pa sa kalasada habang binabaybay nila ang kahabaan ng kalsada at
nakakatulog din si Gail dahil talagang inaantok pa ito. Maya-maya ay tumigil
sila sa isang convenience store at naalimpungatan si Gail at nagising ito nang
mamalayang tumigil ang sasakyan.
“Tara, bili
tayo ng pagkain. Bigla akong ginutom.”
“Ikaw na.
Tinatamad akong lumabas.”
“Sige na.
Sama ka na. Doon na lang tayo sa loob kumain.” Pangungulit ni Migs kay Gail.
Wala na ding
nagawa si Gail at bumaba na rin siya ng kotse. Bumili sila ng siopao at hotdog
sandwich at tila gutom na gutom si Migs. Nagpasya din si Gail na bumili ng sim
card at load dito.
“Easy ka
lang. Dahan dahan lang sa pagkain.”
“Sorry,
gutom talaga ako eh.”
“Eh paano
hindi ka naman nagdinner.”
“Ikaw kasi
eh.”
“Huh! Ako pa
sinisi mo.”
“Hehe.”
“Bakit kasi
ang aga naman nating umalis ng hotel. Antok na antok tuloy ako.”
“Basta.
Malalaman mo din.”
Ilang minute
pagkatapos nila kumain ay niyaya ni Migs si Gail na lumabas na ng convenience
store. Excited ito na masilayan ang araw na kasama ang pinakamamahal niya.
Paglabas
niya at pagtingala nito ay napansin niyang maulap ang kalangitan. Tila uulan pa
yata at mukhang hindi sisilip ang haring araw. Naiinis na si Migs sa kanyang
sarili dahil mukhang hindi niya maisasagawa ang kaniyang plano.
“Oh! Ano
gagawin natin dito?”
“Ah eh…
Kakainis nga eh.”
“Bakit
nakakainis? Anong problema?”
“Maulap. Yun
ang problema. Mukhang uulan pa yata.”
“Oo nga
ano?”
Sabay tawid
ng kalye ni Gail at pumunta ito sa isang lugar na medyo bangin. Nakatingin lang
siya sa kawalan at nilalanghap ang simoy ng hangin.
“Wala na.
Sira na plano ko.”
“Plano? Ano
bang plano mo?”
“Gusto ko
sana maabutan natin ang sunrise eh. Tapos ganito pa. Hayy!”
Napangiti
naman si Gail sa nadinig na plano ng binata. Halatang badtrip na badtrip ito
dahil hindi niya naisagawa ang gusto niyang mangyari.
“So gusto mo
makita ang sunrise kasama ko?”
“Opo. Yun
ang plano.”
“Dahil yun
ang plano mo, dapat iyon ang masunod?”
“Siyempre.
Gusto ko maging okay ang lahat - ayon sa plano.”
“Hindi lahat
ng plano natin at gusto natin sa buhay, eh nasusunod sa paraang gusto natin.”
Natigilan si
Migs at napatingin ito sa mga mata ni Gail. Maya-maya ay pumatak na ang ulan at
tila lalo pa itong lumalakas.
“Dahil Migs,
madalas, kung ano pa ang hindi mo plinano at ginusto, iyon pa ang nangyayari.
Kaya matuto kang tanggapin at ienjoy na lang kung ano ang natuloy.” Saad ni
Gail na tila nagugustuhan ang pagpatak ng ulan.
“Halika na.
Lakas na ng ulan.”
Tumakbo
silang dalawa papunta sa kotse. Basang-basa na sila dahil mabilis na lumakas
ang ulan. At nang sila ay makapasok na sa loob, bigla sila nagtawanan dahil sa
nangyari.
“Ienjoy
natin ito. Mukha tayong basang sisiw.” Saad ni Gail habang kumukuha ng tissue
para ipunas sa kanya.
Maya-maya ay
hinila siya ni Migs paharap at hinalikan niya ito sa labi. Hindi na nakapalag
si Gail dahil sa malakas nitong paghatak sa kanya.
“Madaming
dahilan Gail para di mo ako magustuhan. Masungit ako, mabilis ako mabadtrip at
sobrang ikli ng pasensya ko. Ako na yata ang pinakamahirap mahalin. Pero ikaw,
wala akong maisip na dahilan para hindi ka mahalin.” Saad ni Migs habang
nakatitig sa mga mata ng magandang babae.
Nginitian ni
Gail si Migs sa mga sandaling iyon. Para sa kanya, iyon na ang pinakamagandang
pagkakataon para siya ay paibigin. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, ay
natutuhan na din niyang tanggapin ang lalaking nagmamahal sa kanya, kahit wala
ito sa kanyang mga plano.
Masayang
nagkuwentuhan ang dalawa habang sabay na pinapanood at pinapatila ang ulan.
-----------------------------------------------
EPILOGUE
Pagkatila ng
ulan ay umalis na din sila sa lugar na iyon at nagpatuloy sa kanilang biyahe.
Sinikap ni Gail na huwag na lang matulog para hindi din antukin si Migs habang
nagmamaneho.
Binuksan ni
Migs ang car radio. Inilipat nito sa isang istasyon na halos puro 90’s ang mga
kanta.
Maya-maya ay
tumugtog ang paboritong kanta ni Gail. Kung kaya ay hindi nito napigilang
sabayan ang awitin at tawa naman ng tawa si Migs dahil nawawala sa tono ang
magandang babae. Pero hinayaan niya pa rin na ituloy ang kanta dahil gusto niya
din ito.
Kung kaya ay
sinabayan na din ni Migs si Gail sa pagkanta.
“I know who I want to take me home.
I know who I want to take me home.
I know who I want to take me home.
Take me home
Closing time
I know who I want to take me home.
I know who I want to take me home.
Take me home
Closing time
Every new beginning comes from some other
beginning's end. ”
“Hehe.
Paborito mo rin pala yang Closing Time ng Semisonic.”
“Oo naman. I
love that song. Galing ko kumanta ano.”
“Hahaha.”
“At bakit ka
natawa?”
“Kumanta ka
pala?”
“Hmp! You
are so mean.” Saad ni Gail habang nagpanggap itong naasar kay Migs.
Kinuha ni Gail
ang bagong sim card na binili niya sa convenience store at ipinasok sa
cellphone niya. Matagal-tagal din niyang hindi ito nagamit para magtext o
tumawag. Nag-iisip na din siyang kontakin muli ang asawa para makausap na ito.
Ngunit hanggang sa ngayon ay tila hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin
dito pagkatapos ng lahat ng nangyayari sa kanya habang nasa bakasyon. Kung
kaya’t minabuti muna niyang ipagpaliban na itext si Anthony at itinago muli
niya ito sa bag.
Agad namang
napansin ni Migs na tila biglang tumahimik si Gail at nakatingin sa labas mula
sa bintana ng kotse.
“Okay ka
lang? Bigla ka yata tumahimik diyan?” Pagusisa ni Migs.
“Seventy
two.”
“Huh? Ano
yun?”
“Seventy two
hours na tayo magkasama.” saad ni Gail.
Nakangiti
naman si Migs sa sinabi ni Gail habang patuloy ito sa pagmamaneho pauwi ng
Batangas.
END OF CHAPTER 7.
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment