Tuesday, 4 September 2012

Chapter 6 : How Do You Sleep?






JULY 2010

“Sarap po ng luto niyo. Ngayon lang po ako nakatikim ng ganitong kasarap na sweet and sour pork. Kayo po ba nagluto nito tita?”
“Hmm..yes iho, ako ang nagluto niyan. Pero it is not pork. Actually it’s fish.”
“Yes babe it’s fish. We actually don’t eat much pork.”

Ilang segundong natahimik si Migs habang patuloy pa rin sa pagnguya. Tila nahiya ito sa sinabi sa mommy ni Laureen.

“Hehe. Sorry po tita. So sobrang sarap po kasi kaya nalimutan ko na lahat. Kahit ano pa man po, napakasarap po ng luto niyo.” Bawing saad ni Migs sa mommy ng kasintahan.
“Yes babe. Mom is really a great cook.” Ngiti ni Laureen sa kanyang mommy sabay hawak sa kamay ni Migs.
“Don’t worry iho. It’s fine. Thanks for the compliment anyway.”

Nagpatuloy sila sa pagkain ngunit nababalot ng katahimikan ang buong lugar. Minsan ay pasimpleng tumitingin si Migs sa daddy at kapatid ni Laureen. Nakikiramdam siya sa mga ito dahil first time niyang makilala ang pamilya ng magandang dalaga.

“So, I heard that your father has an accounting firm?”
“Yes sir.”
“I assume that he really knows how to handle money.”
“Probably sir. I think so.”
“Why, are you not close with your father?”
“Not until I’m 8. He currently lives with his first wife.”

Nagtinginan ang mag-asawa sa sinabi ni Migs. Tila nabagabag sila na galling sa hindi magandang pamilya ang binata.

“I think It’s time for dessert.” Saad ng mommy ni Laureen at sabay tayo at nagpuntang kitchen para kunin ang chocolate cake sa ref.

“What do you mean by that?”

Napakapit ng mahigpit si Laureen sa kamay ni Migs.

“Dad, I think we should not talk about that.”
“No babe, it’s fine.”
“Babe?”
“Sir what I mean is, I came from a broken home. My father already has a wife when he met my mother. They are supposed to be divorced by the time that I was born, but I think my father chose to be with his first family.” Saad ni Migs sa daddy ni Laureen.

“Huh.. Hùn zhàng (bastard).”

“Dad!?” saad ni Laureen habang nagmamakaawang nakatingin sa mga mata ng kanyang daddy.


“Migs, do you want chocolate cake?”
“Yes tita. Please.”

“So, what does your mother do for a living?”
“Dad, his mom passed away last March. Haven’t I told you that?”
“Yes sir. She died because of breast cancer. My mom worked as an accountant before she got ill.”
“Ahh okay. I’m sorry for that.”
“It is fine sir. By the way, tita, your chocolate cake is perfection. You are a great baker as well.”

Napangiti naman ang mommy ni Laureen at tila naiilang na tumingin kay Migs.

“I’m sorry iho, I did not bake it. I don’t know how to. But yes, Lillianies Pastries’ chocolate cake is very good. I will give you their number if you want.” Saad ng mommy ni Laureen.

Two points na sa kapalpakan si Migs sa kanyang mga binibitawang komento. Napapatawa na lang ang daddy at kuya ni Laureen habang nadidinig ang sinasabi ng binata.

“And you.. What do you do for a living?”
“I paint sir. I have my own gallery. My mom put up a gallery for me in Makati.”
“So you are an artist. A painter. How much do you earn for a month? For every 4 to 6 months at least? Or maybe for a year?”
“Dad, please. He is just starting with his career. And besides, he is a really good painter. If only you have seen some of his works..”
“I’m sorry son. I’m just being practical. But if you want to marry my daughter, you should earn more or at least have a decent job that could give you a stable means of income. Painting for me is a hobby. They know how hard it is for me to provide for their wants and needs. I hope you understand that.”

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Migs sa narinig mula sa daddy ni Laureen. Naintindihan niya kung ano ang nais ipahiwatig ng daddy ng kasintahan, ngunit pakiramdam nito’y napakaliit niya sa mata ng magulang ni Laureen.

“Dad please. I just can’t believe you. We already talked about this.” Saad ni Laureen at tumayo na ito paalis ng lamesa.

“I understand sir. I’m willing to do anything for your daughter. That’s how much I love her. Excuse me sir.” Saad ni Migs at sinundan nito ang kasintahan sa may veranda.

“She deserves better than this. A bastard son, with even no decent job. She should at least know her priorities.” Saad ng daddy ni Laureen kausap ang asawa nito.

Samantalang si Laureen naman ay umiiyak sa labas ng bahay nila at tila nahihiya siya sa mga sinabi ng kanyang daddy kay Migs.

“Tama na Laureen. I expected this. I know it will be this hard.”
“He just can’t even spare me this night? My birthday?”
“Kaya nga, stop spoiling it. Let’s just understand him. Daddy mo siya.”
“Yun na nga eh. He should know that it would hurt my feelings.”
“Laureen, mahal kita. I would do anything to show them how much I do… love you.”
“Mahal din kita Migs. I want to spend my lifetime with you.”
“Then stop crying. If you want, let’s go out na lang.”
“Okay. I know a place. Let’s go there.” Saad ni Laureen kay Migs at tuluyan na silang umalis ng bahay.

Umakyat sila ng Antipolo at nagpunta sa isang napakagandang lugar kung saan tanaw nila ang halos buong siyudad ng Pasig at Marikina. Masayang masaya naman si Laureen at pinili pa nitong lumabas at umupo sa may harap ng sasakyan para lalong makita ang magandang tanawin. Naglabas naman ng maiinom si Migs habang nakikisaya na din siya, kasama ang kasintahan.

“Happy Birthday babe.”
“Thanks babe. I love you.”
“I love you too, babe.”

Hinalikan ni Migs si Laureen sa lips at dahan-dahan nitong tinitikman ang malalambot na labi ng dalaga. Agad din namang lumaban si Laureen ng halikan sa kanyang kasintahan at maya-maya pa’y napahawak na ito sa ulo ni Migs para lalong mapadiin ang kanilang mga labi.

“Babe… I’m ready.”
“Really babe? Tagal kong hinintay ito.”
“Yes babe. I want to do it.”
“Okay babe, tara na may pupuntahan tayo.”
“No babe… I want to do it.. here.”
“What? Right here?”
“Ayaw mo?”
“Hell no! I’m in if that’s your thing.” Saad ni Migs at napangiti sa kanyang kasintahan.

Tinamaan na ng matinding libog si Laureen at dali-daling pumasok sa may likuran ng sasakyan. Kahit medyo masikip ay nagawa pa din nilang makapasok at tuluyan nang pumatong si Migs sa dalaga.

Hinalikan mulit ng binata si Laureen sa labi habang nakaalalay naman ang isang kamay nito sa ulunan ng kasintahan. Sabik na sabik si Migs sa kanilang gagawin dahil first time nitong makaka-sex ang dalaga. Agad naman ding lumaban muli sa halikan si Laureen at sabay hinubad ang suot na t-shirt ni Migs. Hindi naman nagpaawat ang binata at tinanggal na rin ang suot na damit ng kasintahan .

Inisip na din ni Migs na medyo bilisan na ang kaniyang ginagawa dahil takot din itong baka mahuli sila sa kung anong kababalaghan ang ginagawa nila sa kotse. Kaya’t nagpasya na itong tanggalin ang panty ng dalaga at sabay baba na din ng kanyang brief.

Tuluyan nang ibinigay ni Laureen ang sarili niya kay Migs. Minabuti nan niyang gawin ito para mapatunayang mahal din niya ang binata at seryoso itong gusto niya makasama si Migs habang buhay.

Habang nagpapatuloy sila sa kanilang ginagawa, biglang bumalik sa ala-ala ni Migs ang mga pahayag ng tatay ni Laureen. Ang pagmamaliit sa kanya at sa kanyang ginagawa. At dahil sa ayaw nitong malayo sa kanyang kasintahan. Nagpasya na si Migs at buo na ito sa kanyang isip na buntisin ang dalaga.

“Ayos ka lang babe?” Inosenteng tanong ni Laureen.
“Yes babe. I love you.” Seryosong saad ni Migs.


Chapter 6:

How Do You Sleep?

MARCH 2012


10:25AM Tagaytay

Naalimpungatan si Migs dahil sa isang masamang panaginip. Pagkadilat niya ng kanyang mga mata ay napansin niya si Gail na katabi niya sa kama at natutulog. Tinignan nito ang oras at nakitang dalawang oras lamang siyang nakatulog. Halos mag-aalas-otso na silang natulog dahil napasarap ang kanilang kuwentuhan tungkol sa kanilang kabataan.

Maya-maya’y bumalik sa pagkakahiga si Migs. Tahimik na pinapanood si Gail habang ito ay natutulog. Tinignan nito ang magandang mukha ng babae. Napatingin ito sa mala-rosas na pisngi, matangos na ilong at mapanuksong mga labi. Gusto sana nitong hawiin ang buhok na nakadikit sa kaliwang pisngi ni Gail ngunit natatakot ito baka magising siya, kung kaya’t hinayaan na lamang niya ito.

Masaya si Migs dahil katabi niya sa kama ang babaeng muling nagpatibok ng puso niya. Napapangiti ito sa tuwing naalala ang nangyari sa kanila kani-kanina lang at napaisip itong nahanap na din niya ang babaeng magiging katapat niya. Hanggang sa napa-buntong hiniga ito at umayos sa pagkakahiga.

Habang nakahiga at nakatingala sa kisame ng kuwarto, sinusubukan niya gunitain ang isang mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Gusto niyang subukang balikan ang mga ito at nagbabakasakaling wala na ang sakit makalipas ang halos tatlong taon. Ngunit tila nababalutan pa rin ng kalungkutan ang nakaraan kung kaya’t iwinaksi nito ang ala-ala ng kahapon.

Hanggang sa namalayan niyang gumalaw ang katabing si Gail at yumakap sa kanya ng mahigpit. Agad naman siyang humarap sa babae at lumapit sa mukha nito. Damang-dama niya ang mainit na hininga nito at nang-aakit na mga labi na kanina pa niyang gustong halikan. Ngunit nais niyang makapagpahinga ng maayos ang dalaga kung kaya’t pinigil nito ang kanyang sarili. Dahan-dahang tinanggal ang kamay ni Gail at tumayo si Migs sa pagkakahiga. Nagsuot ito ng t-shirt at maong pants at nagpasyang lumabas para bumili ng makakain. Nais din niyang bumili ng energy drink dahil nakakaramdam siya ng panghihina dahil sa pinagsamang antok at pagod. Dahan-dahan itong lumabas ng kuwarto at tahimik na isinara ang pintuan.

11:15AM New Manila

Habang naghahanda ng tanghalian si Anthony, biglang tumunog ang doorbell nito. Napaisip siya kung sino naman ang bibisita sa kanya at naalala niyang baka si Dess lamang iyon. Pagbukas niya ng pinto, natanaw niya ang isang pamilyar na itim na sasakyan. Dali-dali nitong binuksan ang gate.

“Hanggang kalian mo balak itago sa amin iyan Anthony? Por dios, por santo naman Anthony.” Magkahalong galit at pag-aalala na saad ni Silvia, ang mommy ni Anthony.

“…And what? Sasabihin mo sa akin through phone na may cancer ka? Anong akala mo? Hindi ako susugod pauwi dito from Cebu?”
“Ma.. Sasabihin ko naman eh. Ayoko lang mag-alala ka. At lalong ayoko madagdagan ang iisipin mo. Alam ko namang makakadagdag pa ako kay dad.”
“That is not enough reason para hindi mo sa akin sabihin agad! You should have known better. I am your mother!”
“Okay Ma. I am sorry. I am really sorry. I just don’t know what to do. And I don’t want you to freak out.” Saad ni Anthony habang napaupo ito sa sofa. Ayaw na sana niyang makipag-away sa kanyang ina.

“Hindi mo naman maaalis sa akin ito anak. Kahit may asawa ka na, alam mo namang ikaw lang ang anak ko. I took care of you. Ako ang nagluwal sayo sa mundong ito. So I think I have the license na mag freak out ng ganito.” Saad ni Silvia habang umiiyak. Hindi na nito napigil sa pag-iyak dahil sa sobrang pag-alala sa kanyang anak.

“Don’t worry ma. I have been taking care of myself. Believe me. Wala akong pinapalampas na chemo therapy. I’m taking my medicines on time. I’m grown-up now.”
“You are just 27. I can’t take it. Why you? Bakit ikaw pa? Sana ako na lang.”
“Ma, stop. Stop that. Gusto mo bang tanggalin ko ang license mo to freak-out? Stop saying those things. I have already accepted it. That is why I’m doing something about it.”
“What about your wife? How is she taking it?” saad ni Silvia habang nakahawak sa kamay ni Anthony.

Napayuko si Anthony at hindi nakasagot sa kanyang ina. Huminga ito ng malalim at pinigil ang pag-ubo upang hindi lalong mag-alala si Silvia.

“Does she know it? Where is she? Nasaan si Abigail?” Pagusisa ni Silvia.
“Mom..”
“Where is your wife?”
“She’s at work, maybe..”

Napasandal si Silvia sa mga sinabi ni Anthony. Napapaisip ito at nararamdaman niyang may hindi magandang nangyayari sa kanilang mag-asawa.

“Did she leave you?”
“She’ll come back.”
“After all these years Anthony? She left you because of this?”
“Mom stop!”
“How could she just leave you? You are sick for Christ’s sake.”
“Mom. She needs space. And besides… she doesn’t know I’m sick.”
“What?!”
“Yes mom. I kept it. I am wrong. I am stupid. Now I am messed up.”

Nabigla si Silvia nang madinig nitong hindi alam ni Gail na may sakit ang kanyang asawa, lalo na at wala pa ito sa kanyang tabi.


11:22AM Convenience Store in Tagaytay

Namili nang ilang inumin at makakain si Migs. Kumuha din siya ng mineral water at siyempre, hindi nito nakalimutan ang energy drink. Binuksan na niya ito at dali-daling ininom sa loob ng convenience store. Maya-maya ay nabaling ang tingin niya sa mga office supplies. May tinda din silang brown envelope, pencil, ballpen, bond paper, kartolina at madami pang iba. Napangiti ito at may naisip na gawin kung kaya’t bumili siya ng ilang gamit na kakailanganin.

Nagmamadali itong bumalik sa hotel at umaasang tulog pa si Gail sa kama. Nang makarating na ito sa kanilang silid, ay dahan-dahan nitong binuksan ang pinto at nakita niyang mahimbing pa din sa pagkakatulog ang dalaga.

Agad namang humanap ito ng magandang puwesto. Yung tipong magandang anggulo ni Gail habang natutulog. Pinagmamasadan siya ni Migs at pinapagana ang kanyang imahinasiyon. Binuksan nito ang isang bote ng beer at uminom ng kaunti, hanggang sa binuksan nito ang bond paper upang kumuha ng isa.

Maya-maya pa ay sinimulan na niyang iguhit ang natutulog na si Gail.

12:30PM New Manila

“How’s your medication? Ano nang advise ng doctor?”
“I am about to find out. It’s good thing na nandito ka. Puwede mo akong samahan bukas. Okay lang ba?”
“Of course son. From now on, magiging hands-on na ako sayo anak.”
“No mom. Dad needs you.”
“Matanda na ang daddy mo. And I have been taking good care of him almost half of my life. This is not as much as you think.”
“Ma. Okay pa ako. I can still walk. I can still go to the doctor all by myself. And dad can’t. He needs you.”
“Stop doing this to me Anthony. Bakit mo ba ako pinaparusahan?”
“I’m not Ma. Why would I do that to you?”
“Then stop arguing with me. I am not going back to Cebu hangga’t wala dito ang asawa mo.”
“She’ll come back soon.”
“She should be.”
“Ma. She will. Don’t worry.”
“I never thought she would do this to you.”
“It’s all my fault ma.”
“Is it? Is it your fault that you have that sickness?”
“Ma, madaming nangyari sa amin and madaming reasons why she left. Don’t judge her.”
“Or maybe, I’m just correct from the very beginning.”
“Yes you don’t like her. But she is my wife now Ma.”
“Huh.. and where in the hell is she?”

1:45PM Tagaytay

Samantala, nagising na si Gail at agad na hinanap ang kaninang katabing si Migs. Maya-maya ay narinig niyang may nag-flush ng toilet bowl at napagtanto niyang nandoon ang binata. Pagbangon niya ay napansin niya ang nakahandang pagkain sa may lamesa. Kumpleto ito at may kasama pang rosas na gawa sa papel. Napangiti naman ito habang hawak ang rosas at nagpapanggap na totoo ang mga ito. Hanggang sa nabaling ang kanyang paningin sa mga papel na nakakalat sa sahig. Dumampot ito ng isa at binuklat ito sa pagkakalukot. Natigilan siya nang makita niya ang isang drawing ng imahe ng isang babae. Tinignan niya ang iba pang mga papel at pare-pareho ang pagkakaguhit sa mga ito. Hanggang sa isang papel na may nakaguhit na medyo kumpleto. Isang babaeng nakahiga sa kama. Napangiti siya at naisip na siya ang iginuguhit ni Migs. Iginuguhit siya ng isang pintor na nagtatago sa pangalang Cold Winter.

Naabutan naman ni Migs si Gail na nakatingin sa papel na kanyang iginuhit. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mahihiya. Kung kaya’t sinubukan niyang kunin ito sa mga kamay ni Gail. Agad namang naiwasan ng babae sa pagkakaagaw ng papel mula kay Migs.

“Huwag mo nang tignan yan. Basura yan!”
“Basura. Eh ako kaya ito. Hmp!”
“Pangit ang pagkakadrawing ko. Hindi na ako magaling.”
“Ang ganda kaya!”
“Sus! Tignan mo nga, hindi naman maganda yan ehh.”
“Para sa akin, maganda na ito. At kinikilig na nga ako eh oh.”

Napatingin sa kanya si Migs at hinayaan na lamang si Gail na titigan ang kanyang iginuhit.

“Kumain ka na lang. Mas may mapapala ka pa.”
“Sungit nito. Sige na kakain na.”

Agad naman naupo si Gail at sumubo ng kaunti.

“Migs. Puwede magtanong?”
“Oo naman.”
“Promise? Hindi ka magagalit?”
“Oo nga. Ano ba yun?”
“Bakit ka ba tumigil sa pagdodrawing? Eh tignan mo nga ito, magaling ka pa rin naman ahh.”

Napabuntong-hininga na lamang si Migs sabay napailing sa tanong ni Gail. Ito ang isa sa mga iniiwasan niyang balikan na alaala.

“Ganun talaga. Ayoko na eh.”
“Ganun? Hayy.. Yun na ba iyon?”
“Oo.”
“Okay. Kung ganyan din lang ang gusto mong ipakilala na Migs sa akin.”

Tila hindi kuntento si Gail sa sagot ni Migs. Kung kaya’t kumain na lamang siya at hinayaan ang binata na magisip-isip.

Napagtanto din ni Migs na mas magandang masabi na din niya kay Gail ang lahat lahat dahil mahalaga na din ang babaeng ito sa kanya. Sa isip nito’y handa na siyang ibahagi ang kanyang sarili sa babaeng kinababaliwan niya.

Kung kaya’t kumuha ito ng upuan at tumabi kay Gail habang kumakain ito sa lamesa.

“Hindi ko pa kasi kaya Gail eh. Kaya itinigil ko ang pagguguhit.”
“Oh? Bakit ba? Ano bang nangyari? Gusto ko malaman Migs eh.” Pagpupumilit ni Gail.

“Dahil sobrang pait ng nakaraan na iyan. Madalas ko pa nga napapanaginipan eh. Pero talagang pinaglalabanan ko.”
“Tapos? Ikuwento mo na sa akin. Para at least, mabawasan iyang dinadala mo.”

Napangiti naman si Migs dahil interesado si Gail malaman ang mga nangyari sa kanya.

“Halos three years na ang nakalipas nang huli akong magpinta. Sabi ko nga sayo hindi ba, si mommy ang naguudyok sa akin na ipagpatuloy ang hilig ko sa pagdodrawing. Iyon talaga ang passion ko. Hanggang sa nagset-up si mommy ng sarili kong gallery. Doon ko na lahat ibinuhos ang oras ko. Nagpipinta ako, pero alam mo yun, parang walang direksiyon ang ginagawa ko. Walang inspirasyon. Hanggang may nakilala akong babae. Nakilala ko siya dahil sa mga kasamahan ko din sa pagpipinta. Maganda siya. Half-chinese. Maputi. Basta sobrang ganda niya. Niligawan ko. Nainlove ako sa kanya. Lalo akong gumaling sa ginagawa ko. Nakakaguhit na ako ng may sense at may laman. Halos isang taon din kami naging magsyota.”

Napayuko si Migs habang naalala ang isang pangyayaring bumago sa kanyang buhay. Uminom muna ito ng tubig saka itinuloy ang kuwento, habang mababakas mo kay Gail na tila inaalalayan niya si Migs kahit interesado ito na pinakikinggan ang binata.

“Then, nagpasya kami na ipakilala na ako sa parents niya. Maayos naman kaming tinanggap ng mga magulang niyan. Pero siyempre, lahat naman ng tatay eh hindi magiging madali sa pagtanggap para maging kasintahan ng kanilang mga anak. So, in short, hindi ako tanggap ng magulang niya. Medyo napahiya ako sa harap ng tatay niya, kaya mas ginusto namin na umalis na lang. Birthday kasi niya yun eh. Ayoko naman maging malungkot siya. Kaya umalis kami. Nagpakasaya. Umakyat kami ng Antipolo.”

Napapatulala ng ilang Segundo si Migs habang sinisikap na huwag maiyak sa tuwing binabalikan ang nakaraan niya.  Hinawakan ni Gail ang kamay ni Migs ngunit hindi tumitingin ang binata sa kanya.

“Sobrang special nung gabi na iyon sa amin. Kasi bilang magkasintahan, may first time kaming ginawa. First time naming nagsex. First time pa sa loob ng kotse.”

Panandaliang napangiti at napailing si Migs. Tumingin siya kay Gail at nginitian din ang dalaga.

“Ayun. Nag-enjoy naman kami sa ginawa namin. At alam mo bang pinalano ko na siyang buntisin nun. Para wala na kaming kawala sa isa’t isa. Papanagutan ko talaga siya. Gusto ko na siya makasama habang buhay eh.”
“Oh? Talaga. Ayos ah. Tapos ano na nangyari sa kanya? Nasaan na siya?” paguusisa ni Gail.

“Ayun. Umuwi na kami.” Saad ni Migs at sabay napayuko. Hindi na nito napigilang mapaluha.
Kumapit ito ng mahigpit sa kamay ni Gail at tuluyan nang naiyak.

“Gail…I should have been more responsible. I never wanted this to happen.”

“Why? What happened?”

“I killed her. I was drunk and drove her home. Hanggang sa maaksidente kami sa may Marcos Hiway. Nabangga kami ng isang ten-wheeler truck and sa sobrang lakas ng impact, tumilapon siya. I let her sleep sa likod ng kotse ko because I know she needs rest. Kaya wala ako nagawa nang nalaman kong sobrang layo ng pagkakatilapon niya from my car.”

Tuluyan nang umiyak si Migs at niyakap siya ni Gail. Iniabot niya ang mineral water ng binata at hinayaang makainom ito upang mahimasmasan sa pag-iyak.

“And then, hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. All I know, paggising ko, halos mag tatalong buwan na ang nakakalipas and I can’t even walk. Nalaman ko na lang from our closest friends na wala na si Laureen. She died. Dead-on-arrival.”

Napayuko ito habang tinatakpan ng isang kamay ang kanyang mga mata upang maitago ang pagluha sa harap ni Gail.

“Hindi ko matanggap iyon. Sobrang hindi ko matanggap. I was so irresponsible. I was so stupid. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya. I can’t accept it. I got depressed. I became nomad. Walang direksyon.”

Napaiiyak na din si Gail habang nakatingin kay Migs, na tila isang batang paslit na umiiyak at humahagulgol sa sobrang kalungkutan. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan niya ang pisngi ni Migs kahit basa ito ng mga luha.

“Migs, I am sorry for what happened. But you need to let go. You need to forgive yourself.”

Tuloy pa din sa pagyakap si Gail ng mahigpit sa katawan ni Migs. Habang si Migs naman ay nakayuko sa may bandang balikat ni Gail.

“Migs naandito lang ako para sayo. We will work this together. We will both move on.”

“Thanks Gail. I have been longing for this sincerity. Ikaw lang nakakagawa sa akin ng ganito.” Saad ni Migs hanggang sa hinalikan niya sa labi si Gail.

Mariing naghalikan ang dalawa hanggang sa binuhat ni Migs si Gail papunta sa kama. Dahan-dahan niya inihiga ang dalaga at niyakap niya ito habang patuloy pa din sa paghalik sa matatamis na labi ng babae.

“I will take good care of you Migs.” Saad ni Gail habang inaalis ang suot na t-shirt ng binata at tinulungan na din siya ni Migs na magtanggal ng pantalon.

Mapupusok na halik ang ibinigay ni Migs kay Gail at napaluhod sila sa kama habang naghahalikan. Hanggang sa pinatalikod ni Migs ang babae sa kanya at hinalikan nito ang leeg at batok ni Gail pababa sa kanyang likuran.

“Ahhhhhh.. I love you Gail.” Bulong ni Migs habang patuloy ito sa paghalik sa bandang tainga ng babae.

Maya-maya pa’y tuluyan nang hinubad ng binata ang suot na damit ni Gail. Hindi na din  napigilan ni Gail ang kung anumang balak sa kanya ni Migs. Agad itong bumigay sa kagustuhan ng binata na angkinin siya ulet.

Nagdikit muli ang kanilang mga basang katawan. Patuloy sila sa pagtampisaw sa kasalanan, hindi na iniisip ni Gail ang mga maaring kahantungan ng kanyang mga ginagawa. Ang alam lang niya ay napamahal na din siya kay Migs at handa siyang iwan at kalimutan ang lahat para sa kanya.

Ilang saglit pa ay natapos na rin sila sa kanilang ginagawa at pareho silang hapung-hapo at pagod na pagod. Bumagsak naman sa kama ang lalaki at gayun din naman si Gail.

Maya-maya ay niyakap siya ng mahigpit ni Migs at nang mapatingin si Gail sa kanya ay nakapikit na ito.

Marahil sa sobrang puyat ay agad nakatulog ang binata. Hinayaan na lamang ito ni Gail, kinuha ang brief ni Migs at pilit na isinuot sa binata. Maya-maya’y bumalikwas si Migs at hinalikan siya ni Gail sa pisngi. Kinumutan na lamang niya ito at hinayaang makapag-pahinga.





--------------------------------
EPILOGUE


Habang natutulog si Migs ay nakaupo naman si Gail sa isang sofa na malapit sa kama. Tahimik na pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ng binata. Kanina lamang ay nasaksihan nito kung papaano siya umiyak at ibinahagi sa kanya ang nakaraang pinakatagu-tago niya.

Napaisip tuloy si Gail kung kalian naman niya handang sabihin ang katotohanan sa binata. Lalo na at nangako itong tutulungang baguhin ang pananaw sa buhay ni Migs.

Naiisip na din ni Gail na tuluyan na lamang makipaghiwalay kay Anthony at mag-move on sa piling ng isang lalaking muling nagbigay buhay sa kanya.

Inihahanda na lamang ni Gail ang kanyang sarili sa kung anong mangyayari sa pagtatapat nito kay Migs at kung paano haharapin ang pakikipaghiwalayan sa kanyang asawa.

“Hayy.. Bahala na. Basta buo na ang isip at puso ko. Kaya ko ito. Wala na itong atrasan.” Pabulong na saad ni Gail sa kanyang sarili habang patuloy na pinagmamasdan kung papaano matulog si Migs.


END OF CHAPTER 6

Itutuloy…





6 more chapters before its revealing end…

How will each stone be unturned?

How will each secret unfold?

Will she choose to follow her heart?

Or will she stay to become a good wife?


No comments:

Post a Comment